Nagising ako ng sobrang sakit ng ulo ko. Wala akong maalala sa nangyari sa akin kahapon. Papikit pikit akong bumangot at natungo sa baniyo. Agad akong naghilamos. May head really hurt. Pagkalabas ko ng baniyo nakita ko si zack na nakaupo sa kama ko.
"Why are you here?" Mapanuri niya akong tinignan. Tinuro niya yung lamesa sa gilid ng kama kung saan nakalagay ngayon ang isang soup, gamot at tubig.
"Oh thank you." Pumunta ako sa table at hinigop ang sabaw. Pagkatapos ay ininom ko ang gamot.
"Anong gagawin mo dumating na si tita azel?"
"Hindi ko alam." Ang tanging sagot ko lang. Tumayo naman siya at umalis ng walang paalam. Kahit kailan talaga ganun lagi ang ginagawa ni zack. Bigla na lang mag walk-out
Kumuha ako ng tuwal at pumasok na ulit sa banyo para maligo. Napatingin naman ako sa kamay ko. Nagulat ako ng makita ko ang isang bracelet. Paano napunta sa akin ito? Sigurado akong gawa ito ni azul!! Dali dali ako naligo at nag bihis.
Nadatnan ko sila sa aming magulong kusina. Lahat sila ay nagaagahan at may kaniya-kaniyang mga ginagawa.
"Paano ako nakuwi dito sa bahay?" Tanong ko sa kanila.
"Di namin alam" sagot ni clarence
"Tinawagan lang kami ng guard at pinasundo ka sa gate kasi sobrang lasing na lasing ka." Paliwanag ni stephen habang nakatingin sa libro niya.
"Ako alam ko!! Alam ko sabi ng guard may naghatid daw sayo na babae tapos umalis din!!" Sabi naman ni kevin.
"Anong meron??" Tanong ni greg.
Kaagad naman akong napatakbo sa labas kailangan ko siya makita sigurado akong si azul ayon ang kapatid ko. Paano mapupunga sakin itong bracelet na ito? Siya lang ang may gawa nito!
"Saan ka nanaman pupunta?!" Sigaw ni kevin.
"Syete aalis nanaman si alfred!! Wag ka talaga uuwi dito ng lasing." Dinig kong saad ni clarence.
Tumakbo ako papunta sa gate ng subdivision na ito. Kaylangan ko tanungin yung guard.
"Guard nakilala mo ba kung sino ang naghatid sa akin dito kagabi?"
"Ay ikaw pala sir alfred ah opo. Sabi niya po kapatid mo siya. Di ko nga po ikaw nakilala kaagad kasi madilim kaya di ko kayo pinapasok kaagad." Napakamot kamot ito ng ulo habang nagpapaliwanag.
"Wala po ba siyang ibang importation like address niya contact number?? Wala ba siyang sinabi na kahit na ano sayo?? Kailangan ko po kasi siya mahanap!"
"Wala po sir umalis nga po siya kaagad eh. Pero may cctv naman po tayo siguro naman po ay nahagip yung mukha niya doon makikita niyo po kung ano itsura niya."
"Pwede ko po bang makita?" Isa sa mga pagkakamali ko noon yung iwan ang kapatid ko kila mama. Nung panahon kasi na iyon wala na akong ibang isiping gawin kundi ang umalis sa pamamahay na iyon dahil lahat ng galaw ko kontrolado doon nakakasakal lahat ng disisyon sa buhay ko sila ang nasusunod. Ginawa ko lahat pero hindi ko talaga kaya lalo ng malaman ko na pag tumungtong ako ng 18 ay ipapakasal ako sa di ko kilalang babae. Para daw mas lalo lumaki yung business niya sa akin niya pa iyon ipapamana. Pero ayoko wala akong hilig sa nigosyo. May banda kami yun ang gusto ko nung panahon na iyon.
Dumating ako galing school kakatapos lang ng practice namin sa banda. Pagdating ko sa bahay tulog na si azul nakita ko si mama na nagaayos ng bulaklak sa isang vase dito sa sala.
BINABASA MO ANG
The Last Heart Beat
Novela JuvenilNalalapit na ang iyong kamatayan? Ano ang gagawin mo sa mga natitirang araw at oras mo?