Chapter 20.

4 1 0
                                    


Tapos na ang fieldtrip at balik na ulit sa dati ang lahat. Sinalubong naman ako ni eira pagkapasok ko ng room.

"Meron ako ibibigay sayo!" Nakita ko nanaman ang kakaibang ngiti sa labi ni eira. Nilapag ko na muna ang bag ko bago ko siya tinignan.

"Ano nanaman yun eira? Kakaiba ang ngiti." May kinuha naman siya sa bag niya isang regalo. Binigay niya ito sa akin. "Anong meron at binibigayan mo ako ng regalo? Hindi ko birthday ngayon! Lalong hindi pasko ngayon!"

"Masama ba magbigay ng regalo kahit wala namang okasyon! Nako magugustohan mo iyan! Buksan mo na!" Tinanggal ko sa pagkakabuhol ang laso sa box. Sakto lang ang laki ng box. Ano kaya ang sumapi kay eira at naisipan ako na regaluhan. Binuksan ko ito at nagulat ako ng makita ko ang laman sa loob. Kaagad ko itong tinakpan at tumingin sa aking paligid.

"Eira ano ba naman ito! Ilang beses ko ba sasabihin sayo wala akong crush doon!" Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Mag thank you ka na lang sa akin." Tumaas baba pa ang kilay nito sa akin. Napatampal na lang ako sa noo ko. Niregaluhan ba naman ako ng naka frame na picture namin ni zack. Magkayap kami ni zack dito nung nasa hanging bridge kami. Ewan ko kung paano niya kami nahuaan ng picture. Sakit niya sa ulo. Tinago ko na lang ito sa bag ko. Baka makita pa ito ng iba ma issue ako. Sguradong magagalit sa akin si mel kasi na issue ako sa bf niya.

"Tigilan mo na yang pang issue mo sakin eira." Pero ang buang tinawanan lang ako.




Kasalukuyan akong nasa library meron kaming groupings ng mga kagrupo ko sa thesis. Kakatapos lang namin mag title defense at may mga kailangan kami baguhin sa gawa title namin.

"Gagawin nating siyang more specific kasi medyo malawak kasi yung tinutukoy ng title natin. Okay naman lahat yung titile lang babaguhin natin tapos sa susunod mag gagawa tayo ng survey tapos papa check ko sa thesis adviser natin." Saad ng leader namin sa amin. "Iyon lang naman pwede na kayo mag recess." Kaagad ko naman niligpit ang mga gamit ko. Ang sakit talaga sa ulo ng mga thesis. Kanina habang nag defense kami parang naghihina ako pero nasagot ko naman lahat ng tanong sa akin ganun din ang mga ka grupo ko.



Maaga ang uwian namin ngayon kasi may mga meeting ang mga teacher. Naglakad-lakad lang ako dito sa campus bago umuwi. Matagal na din ako dito nag aral taon na din nakakalungkot kapag nakapagtapos na kami. Habang nag lalakad ako sa field nakita ko si zack na nakaupo lang sa ilalim ng puno. May naisip naman ako ideya sa utak ko. Lihim naman ako natawa. Dahan-dahan ko siya nilapitan.

"Bulaga!" Nakangiti kong gulat sa kaniya. Pero hindi man lang siya nagulat. Ako pa ang nagulat ng yakapin niya ako.

"Ba-bakit? Mo a-ako ni yakap?" Utal kong tanong sa kaniya.

"Payakap lang saglit." Saad naman niya.

"May nangyari ba? Ang lungkot mo naman ata! Pang biyernes santo yang mukha mo ngayon." Biro ko sa kaniya para pagaanin ang pakiramdam niya. Ilang minuto din ang lumipas ay pinakawalan niya na ako. "Huy! Mag salita ka naman parang ewan toh!" Niyugyog-yugyog ko pa siya.

"Kulit mo." At ako pa talaga ang makulit. Kung sabagay makulit nga talaga ako.

"Haysss bahala ka na nga sa buhay mo! Hirap mo kausap!" Tatayo na sana ako ng biglang hilain niya ang kamay ko kaya napaupo ako ulit.

"Break na kami" sabi niya sa akin. Napahinto naman ako.

"Ano?! Paano?! Sinaktan mo ba si mel! Nako malalagot ka sakin pag sinaktan mo siya! Anong ginawa mo?!"

"Wala akong ginawa. Hindi ko din alam kung ano ang dahilan kung bakit siya nakipag break." Dapat ba ako matuwa ang haba ng sinabi niya ah. Sa totoo lang di ako marunong mag comfort ng taong broken hearted. Tumingin naman ako sa kaniya ako lang ang malalapitan niya kasi secret lang ang relasyon nila ni mel ako lang ang nakakaalam at silang dalawa.

"Baka tinopak lang si mel hayaan mo tutulungan kita na magbati kayo." Minsan kasi tinotopak lang talaga si mel at nakakagawa ng desisyon na labag sa kalooban niya.

"Seryoso siya sa sinabi niya mag kikipag break na siya sakin. Buo na ang desisyo niya. Bakit ko pa siya ipaglalaban eh bumitaw na nga siya?" Nakatitig siya sakin habang sinasabi iyon. Nasakatan ako para sa kanilang dalawa. Wala naman tayong magagawa eh.

"Ikaw talaga humugot ka pa! Libre kita ng ice cream may alam akong masarap na bilihan ng ice cream ang init ngayon oh." Hinila ko naman siya pa tayo. Nakasunod lang siya sa galaw ko parang bata.












"Alam mo kailangan dapat mag matamis ka parang sobrang pait naman kasi ng buhay mo walang kasaya-saya minsan mag chill ka rin napaka seryoso mo kasi sa buhay." Saad ko sa kaniya habang kumakain ng ice cream.

"Ikaw bakit ang saya mo lagi?" Tanong niya sa akin.

"Kasi po isang beses lang tayo binigyan ni lord ng buhay kaya dapat sulitin natin ito at maging masaya. Gaano man kadami ang ating problema." Ito buhay na binigay sa akin ni lord lubos-lubos na akong nagpapasalamat kasi nakilala ko ang mga kaibigan ko ngayon. Pinaramdam sa akin ang mag karoon ng pamilya alam kong hiram lang itong buhay na ito at balang araw ay babawiin din ito sa akin ang tanging hiling ko lang naman ay mabuo ang pamilya ako at maging masaya sila pag nawala ako. Nakita ko naman na natutunaw na ang ice cream ko kaya kaagad ko itong kinain.

"So friends na tayo!" Natatawa kong sabi at nilahad ang kamay ko sa harapan niya.

"Friends." Tinanggap niya ang kamay ko.






Hapon na ng makauwi ako ng bahay. Umaakyat ako sa hagdan papunta na aking kwarto nang mapahinto ako ng marinig ang paguusap ni manang at mama. Rinig ko ito dito sa itaas dahil sumisigaw si mama.

"Hindi na kami pwede mag sama manang kahit anong mangyari! Wala ng mararating ang pamilyang ito. Makikipag hiwalay na ako sa kaniya. Kailan ba siya huling umuwi dito?! Sabihin mo nga sa akin!! Kailan!! Diba simula ng umalis ako hindi na din siya umuwi kasi may iba na siyang pamilya sawa na ako na intindihin siya. Nasasaktan ako pag nakikita silang masaya ng bago niyang pamilya samantalagang ang mga anak ko dito ay nag aantay na umuwi siya."

Ano may ibang pamilya si papa?
Paano na kami?

---------------------------------------------------------

6:00pm

Friday, January 03. 2019

-majoy

---------------------------------------------------------

The Last Heart Beat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon