Habang papasok ako ng school nakita ko si zack kaya agad ko siya nilapitan. Napansin ko na may dala-dala siyang bulaklak."Zack para kanino iyang bulaklak? Para kay mel yan noh!! Ikaw ah" sinundot-sundot ko naman siya sa tagiliran. Tumango lang siya sa akin. Mga pumapagibig nga naman. "Siguradong magbabati na kayo ni mel niyan!!" Tuwa kong sabi sa kaniya
"Sana nga.." Walang gana niyang sagot.
"Para namang wala kang tiwala sa sarili mo!! Kaya mo yan kahit naman ganun yun si mel alam ko na mahal na mahal ka nun!! Pogi-pogi mo kaya!! Harap ka nga sakin..." Di naman ito humarap sa akin at nag patuloy lang na naglakad kaya inunahan ko siya mag lakad at huminto sa harap niya. Agad naman siyang napahinto. "Iyan oh ang pogi!! Fresh na fresh." Napatawa naman siya sa sinabi ko.
"Bat ka tumatawa wala namang-" Nahinto naman ako sa sasabihin ko ng makita ko si mel na naglalakad. Kaagad ko hinila ang kamay ni zack.
"Ayun si mel bilisan natin zack para maabutan natin siya at magbati na kayo!"Lumiko si mel sa isang hallway. Tinignan ko wala naman masyadong tao kasi nasa may dulo kami. Pagkaliko namin ni zack tinulak ko na agad siya papunta doon kay mel kasi ilanh metro na lang ang layo namin. "Kaya mo yan!" Bulong ko sa kaniya at nagtago sa likod ng pader. Sumilip naman ako. Tinignan niya ako Sinenyasan ko naman siya na bilisan niya na habang di pa nakakalayo si mel.
Mag sasalita na sana si zack ng biglang lumabas si clarence mula sa isang kwarto sinalubong nito si mel.
"Seryoso ako sayo eliza... Mahal na kita. Kahit anong gawin mong pag-iwas sakin hindi kita tatantanan hanggat hindi mo ako sinasagot." Gulat na gulat naman ako. Kailan pa? akala ko ba... Ibig ba sabihin nun nag papapansin lang si clarence nung mga panahon na nag aasaran sila. Paano na lang si zack. Tinignan ko naman si zack nakatayo lang siya doon inaantay ang magiging sagot ni mel sa sinabi ni clarence.
"Mahal na din ata kita.." Sagot ni mel. Agad akong kinabahan at napatingin kay zack. Siguradong nasaktan siya. Bakit mel? Bakit mo nagawa ito kay zack at pinagpalit mo pa siya sa kaibigan niya na si clarence.
Tuwang-tuwa naman si clarence at niyakap niya si mel.
"Sinasagot mo na ba ako?" Tumango lang si mel. Magkayap sila mel sa malayo habang nakatingin sa kanila si zack.
Pinuntahan ko naman si zack sa kinatatayuan niya at hinila siya paalis sa lugar na iyon.
Nang makalayo kami ay binitawan ko na yung kamay niya.
"Bakit nakatayo ka lang doon?! Bakit wala kang ginawa!! Akala ko ba mahal mo!!" Galit na galit kong saad kay zack. "Bakit mo hinayaan na gawin yun sayo ni mel!! Bakit zack??" Naiiyak kong tanong sa kaniya.
Tinignan niya lang ako namumuo ang mga luha sa kaniyang walang buhay na mga mata. "Bakit ko sila pipigilan na sumayang dalawa? Parehas silang malapit sa akin kaya kung doon sila sasaya bakit ko sila pipigilan?"
Sinapak ko naman siya sa braso.
"Ano nag mamatapang ka pa dyan!! Kunwari strong ka!! Wag ako zack."
"Alam kong balang araw mangyayari ito. Hindi kami para sa isa't isa kahit anong gawin namin iba ang nakatadhana saming dalawa. Wag kang magagalit sa kanilang dalawa kasi sa una pa lang mali na naminahal ko si eliza pero pinagpilitan ko pa kaya eto ang kinahantungan. Wag ka din magagalit kay clarence dahil hindi niya alam na may relasyon kaming dalawa nung minahal niya si eliza." Sila pa talaga ang una niyang inisip nakakainis siya pero tama siya. Niyakap ko na lang siya at umiyak.
"Nauna ka pang umiyak sakin." Natatawang sabi niya. Maya-maya naramdaman ko na basa na din ang uniform ko.
"Saan ka pumunta kahapon?" Nakatitig ngayon sa akin si eira. Sabi na nga ba at eto ang una niyang itatanong pag nagkita kami ngayon.
"Di pa nga ako nakakaupo." Kunwaring nagtatampo kong saad sa kaniya.
"Nako wag mo ako paandaran ng ganiyan. Bilisan mo maupo ka na dito!" Masungit niyang tugon. Nilapag ko ang bag ko sa upuan at naupo ako.
"Oo nga sasabihin ko na! Wag mo akong titigan na may ginawa akong masama kahapon."
"Bakit hindi ba masama ang mag cutting?" Taas kilay niyang tanong sa akin. Parang nanay si eira alam niyo ba yun?? Sasagot pa sana ako nang biglang pumasok ang guro namin kaya Umayos na kami ng upo.
Habang nakaupo hindi ko maiwasan mag-alala para kay zack. Alam ko na sobrang nasaktan siya hindi niya lang masiyado pinahalata kanina. Sino ba namang hindi masasaktan kung harap-harapan niyang nakita kung paano siya pinagtaksilan ni mel. Kaibigan ko si mel pero hindi ko matanggap yung ginawa niya alam niya na may relasyon pa sila ni zack tapos sinagot niya si clarence. Sana man lang sinabi niya kay zack lahat ng nararamdaman niya para hindi humantong sa ganito.
"Ms. Yesa?"
"Ms. Yesa?"
"Yes ma'am" agad naman ako napatayo ng marinig ko ang boses ng aking guro na tinatawag ako.
"Are you listining?"
"Am sorry ma'am" Paumanhin ko. Tinaasan niya naman ako ng kilay at bumalik ulit sa pagtuturo.
"Mukhang malalim ang iniisip mo yesa kanina ka pa kaya tinatawag ni ma'am nakatulala ka lang." Bulong sa akin ni eira.
"Shhhh... Makinig tayo kay ma'am baka magalit nanaman yan." Sabi ko sa kaniya.
"Sus ikaw lang naman itong hindi nakikinig eh."
Pagkalabas na pagkalabas ng huling guro namin. Hinarang na kaagad ako ni eira.
"Oo na suko na po ako pinuntahan ko si papa kahapon kaya hindi ako nakapasok."
"Okay ka naman?" Tanong niya.
"Okay naman ako may mga inalam lang ako kay papa." Saad ko.
"Sa susunod wag kang bigla-bigla nag-dedesisyon ng ganun nagugulat ako sayo akala mo ba di ako nag-aalala sayo. Ano na lang sasabihin ko kay tita pag tinanong niya ako kung nasaan ka!"
"Opo mama eira di na po mauulit." Biro ko sa kaniya. "Lika na nga nagugutom na ako! Punta na tayo sa canteen."
---------------------------------------------------------
6:25pm
Sunday, March 15. 2020
-majoy
---------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
The Last Heart Beat
Novela JuvenilNalalapit na ang iyong kamatayan? Ano ang gagawin mo sa mga natitirang araw at oras mo?