Anong gagawin ko?Iyan ang tanong na nasa ulo ko ngayon habang pabalik-balik na naglalakad. Napakagad naman ako sa labi ko.
"Anak kanina pa ako nahihilo sayo. Pwede ba umupo ka na dito at mag almusal." Inis na saad sa akin ni mama. Naupo naman ako at uminom ng tubig. "Huminahon ka nga anak anong meron at tensyonado ka?" Kunot noong tanong niya sa akin.
"Ma, paano pag may hindi ka sinasadyang malaman na sikreto? Anong gagawin mo?" Tanong ko kay mama.
"Hmmm.. Hindi ko alam anak depende sa sitwasyon. Di ko pa nararanasan ang ganun kaya hindi ko alam ang gagawin. Bakit yun ba ang iyong problema." Kaagad naman kong umiling.
"Hindi ma! Tinanong ko lang."
Makikipagtaguan nanaman ako kay zack. Hindi ko naman sinadya na marinig yun. Bakit ba kasi ako napunta sa sitwasyon na iyon? Pero hindi naman siguro niya ako nakilala di naman niya nakita ang mukha ko. Hindi pa rin ako makapaniwala silang dalawa ni mel may relasyon!! Never ko nakita na nakisalamuha si mel! Paano niya nakilala si zack? Bakit ko ba iyon iniisip? Napasabunot na lang ako ng buhok ko.
Huminga ako ng malalim bago nag lakad dito sa campus. Walang nangyari yesa kalimutan mo na lahat ng iyon. Yeah walang nangyari!! Hindi mo nakita na magkayakap si mel at zack. Di mo alam na may relasyon sila. Malamang hindi mo din alam na bawal ang relasyon nila dahil ayaw ng parents nila sa isa't isa at pag nalaman nila yun paghihiwalayin sila. Oo hindi ko alam yun.
Habang naglalakad ako at kinukumbinsi ko ang sarili ko na wala akong alam sa relasyon ni mel at zack bigla na lang may humablot sa akin.
"Ahh ikaw pala zack. Bakit?" Iyan kunwaring wala kang alam. Maging castual ka lang sa kaniya. Tiim bagang niya akong tinignan.
"Wag mo akong paandaran ng gamiyan yesa alam natin na may alam ka!" Seryosong sabi niya sa akin.
"Ano? Anong alam?" Galingan mo pa sa pag arte mo girl.
"Akala mo ba hindi ko iyang mukha mo kahapon! Ikaw yun at subukan mo lang ipagkalat yun siguradong malalagot ka sakin." May pagbabanta sa kaniyang boses.
"Oo na oo na pero di ko naman ipagkalalat yun. Kaibigan ko si mel kaya ayoko na masaktan siya okay. Di din akong ganoong tao." Inis ko saad sa kaniya.
"Binabantayan kita at binabalaan. Pag kumalat yun ikaw lang ang nakakaalam nito kaya pag may nangyari sisisihin kita." Pagkatapos niya iyon sabihin ay iniwan niya ako. Kakatakot. Ako lang talaga nakakaalam nun! Sila kuya mga kaibihan niya di man lang ba alam yun?
"Yesa nandito ka lang pala!!" Masiglang lumapit sa akin si eira.
"Anong meron bakit sobrang saya mo?"
"Mag kakaroon ng field trip ang school natin!! Kanina lang ni announce!! Nakalagay sa bullitine board yun at talagang pinagkaguluhan!! At isa sa mga pupuntahan ang Noah's ark!! Am so excited siguradong madaming sasama."
Noah's ark ito ay isang "theme park" masya dito dahil madaming fun activities at mga extreme rides na pwedeng sakyan.
Never pa ako nakapunta doon dahil di ako pwede sa mga ganoong extreme activity. Ayoko din kasi ng mga rides nakakatakot. Lalo na yung vikings tinitignan ko pa lang nakakamatay na.
Pagdating namin sa room sobrang ingay at ang field trip na mangyayari ang usap-usapan. Maya-maya nag si ayos din sila dahil dumating ang aming guro may dala itong mga papel. Isa-isa niya itong binigay sa amin.
Tinignan ko ang papel na binigay sa akin laman nito ang tungkol sa fieldtrip. Nakalagay dito ang mga pupuntahan at mga gaganapin. Pinagiisipan ko kung sasama ako mag papaalam ako kay mama at the same time kila kuya C at kuya chess din.
Picknic grove, Noah's ark, shooting range, museum, historical park, at iba pa. Madaming nakalagay na pupuntahan sulit naman ang 1,500php na ibabayad namin dito."Sasama ka ba yesa?" Tanong sa akin ni eira habang kumakain. Katatapos lang ng klase namin at kasama ko ngayon si eira, mel at sila kuya.
"Di ko pa sure magtatanong muna ako kila kuya at kay mama kung pwede."
"Dapat sumama ka yesa!! Masaya yun minsam lang mag pa fieldtrip ang school kaya dapat sumama ka!!" Pagkumbinsi ni kevin sa akin at sinubo ang fried chicken na hawak niya. Natawa naman ako ng may maiwan na gravy sa gilid ng labi niya agad ko ito pinunasan.
"Para ka talagang bata." Natatawa kong sabi. Napa pout naman siya ang cute. "Gusto kitang maging kapatid! Ako na lang ang ate mo! Ang cute-cute mo!" Kinurot ko ang pisngi niya.
"Andami-dami mo ng kapatid yesa!" Inirapan ako ni eira.
"Bakit masama ba mag karoon ng little brother ang cute-cute kaya nito ni kevin! Wala pa akong little brother eh puro mga kuya ako lagi bunso. Nakakasawa kaya yun!"
"Iyan si kevin cute!! Nako yesa kailangan mo na magsalamin!!" Di pag sangayon sa aking sinabi ni clarence.
"Oo nga naman wag ganun yesa! Pero kung sabagay cute lang siya kami mga pogi!" Natawa naman kami sa sinabi ni stephen.
"Ikaw lang stephen wag mo sama si clarence." Pangaasar ni mel kay clarence.
"Nako pre ako lang pala ang pogi hindi ka kasama."
"Grabe ka sakin pogi kaya ako at aminin mo na apektado ka sa charm ko. Tignan mo naman itong braso ko strong toh may abs pa ako. Ano pa bang hahanapin sakin ng mga babae." Akmang itataas niya ang damit niya ng pigilan siya ni kuya.
"Wag dito clarence masiyado ka nanaman mahangin nakakauyam."
Saad ni kuya.Pagkatapos namin mag katapos namin kumain pumunta muna kami ni eira sa rest room. Pumasok siya sa isa sa mga cubicle. Ako naman habang nasa loob siya ininom ko na ang gamot ko. Bago kami lumabas inayos muna ni eira yung salamin niya.
"Suggestion ko lang eira ahh mas maganda ka kapag walang salamin dapat mag contact lens ka na lang."
"Wag mo nga ako bolahin yesa! Di ako komportable sa contact lens eh kaya nag salamin ako." Sagot niya.
"Pero try mo din!! Nako pag nagkatime mag pa make over tayo never ko pa na try yun dapat magkasama tayo! Isama na din natin si mel at mama! Siguradong magiging masaya yun!"
---------------------------------------------------------
5:05pm
Wednesday, December 25. 2019
-majoy
---------------------------------------------------------
*merry christmas to all of you readers if ever na may nagbabasa pa nito hehehe*
BINABASA MO ANG
The Last Heart Beat
Teen FictionNalalapit na ang iyong kamatayan? Ano ang gagawin mo sa mga natitirang araw at oras mo?