Gumagawa kami ngayon ng cake ni mama dito sa kusina. Tinuturuan niya ako kung paano ang gagawin."Ganito anak, paghihiwalayin mo itong yolk at puti ng itlog." Tinignan ko naman kung paano niya ito ginawa at ganun din ang ginawa ko sa itlog na hawak ko. "Iyan magaling!" Puri sa akin ni mama.
"Mama mag kakaroon po kami ng field trip papayagan mo po ba ako?" Tanong ko kay mama.
Nilagay niya muna sa likod ng tenga niya ang takas na buhok niya bago sumagot sa akin. "Oo naman bakit naman hindi! Mas mabuti nga iyon sabi sa akin ni manang na hindi ka daw gaano labas ng bahay pag pumupunta ka lang ng school dapat maglibang libang ka din." Tumango naman ako kay mama.
"Okay ma!" Ngumiti ako at niyakap siya.
Matapos namin mag bake ni mama. Naisipan kong ibigay ang isang cake kay kuya c pupuntahan ko siya sa ospital. Gusto ko matikman niya ito. Nagpaalam ako kay mama na kikitain ko lang ang isa sa mga kaibigan ko. Pumayag naman siya at pinahatid ako sa driver namin.
Pagdating ko sa ospital kaagad ako nagpunta sa office ni kuya c. Wala siya doon kaya nilagay ko sa table niya yung cake. Siguradong matatagalan pa siya kaya nag libot-libot muna ako sa ospital kahit pinagbabawalan ako ni kuya c na maglibot dahil baka may mga nakakahawang may sakit ang lumapit sa akin pero sadyang matigas ang ulo ko. Madami din ako nagiging kaibigan dito sa ospital.
Habang naglalakad ako dito sa ospital hindi ko sinasadya marinig ang usapan ng isang pasesyente at doktor nito sa isa sa mga silid dito. Nakabukas kasi bahagya ang pinto.
"Bakit nagawa mo iyon sa sarili mo suzien? Pwede mo itong sabihin sa akin wag ka matakot." Tanong ng doktor.
"Masiyado lang po ako nasaktan ayoko po gawin iyon sa sarili ko pero hindi ko po kaya pigilin ang sarili ko. Madami akong boses na naririnig sa utak sinasabi na isaksak ko yung kutsilyo sakin. Hindi ko na po kaya." Umiiyak nitong sabi.
"Gusto mo bang sabihin ito sa magulang mo para maging aware sila. Tutulungan ka nila." Kaagad naman na umiling ang babae.
"No! No! No! Hindi nila maiintindihan lalo na si mommy at kapag sinabi ko naman ito kay daddy siguradong ma stress siya No! Kaya ko po ang sarili ko. Siguro naman po may irerekomenda kayo na gamot sa akin. Malulunasan naman po ito diba!" Naiintindihan ko ang pinagdadaanan niya. Parang ganun din ako pero ako may hindi ko suciciadal malapit lang na mamatay. Naupo ako sa isang bangko katapat ng pintuan inantay siya na lumabas.
Maya-maya ay lumabas siya. Nagmamadali siya mag lakad kaya di niya namalayan na nalaglag ang bracelet niya. Pinulot ko ito at kaagad siya hinabol. Pumunta siya sa bilihan ng pagkain dito sa loob ng ospital at bumili ng kape. Kinalabit ko naman siya. Nginitian ko siya.
"Hello, ako nga pala si ayesa azul! Ibabalik ko lang sana itong bracelet mo sa sobrang pag mamadali mo kanina na hulog mo." Kaagad naman niya tinignan ang kamay niya at nang malaman na kaniya ito ay agad niya itong kinuha sa kamay ko.
"Maraming salamat!" Nagulat naman ako ng yakapin niya ako. "Sorry hindi ko alam ang gagawin ko kung mawala ito bigay ito sakin ni daddy. Gusto mo ba ilibre kita ng lunch." Natuwa naman ako kaya agad ako sumang ayon gusto ko din kasi siya makilala ang gaan ng loob ko sa kaniya.
"Ako nga pala si camille Suzien pero pwede mo akong tawaging suzien na lang." Nilahad niya ang kamay niya sa akin at malugod ko itong tinanggap.Nag kwentuhan lang kami buong lunch time madami akong sinabi aa kaniya at pinarealize sinabi ko din na hindi ko sinasadya na marinig ang usapan nila ng doktor sa silid na pinanggalingan niya. Sobrang saya ang gaan-gaan talaga ng loob ko sa kaniya. Pagkatapos ng lunch ay nagpaalam na din siya.
Habang papunta ako sa office ni kuya c nagulat ako ng makita si zack.
"Anong ginagawa mo dito zack?" Gulat na tanong ko. Tinitigan niya lang ako. Seryoso ngayon pa ba umatake ang pagiging tahimik niya.
"Naka confine si kevin." Simpleng sabi niya. Agad naman ako nataranta.
"Nasaan siya?!" Hindi siya nagsalita pero naglakad siya agad ko naman siyang sinundan.
Pagdating namin doon nakita ko sila kuya, stephen, clarence, at greg na nakaupo sa upuan dito sa labas ng kwarto niya. Rinig ko ang ingay na mula sa kwarto ni kevin.
"Diba sinabi na namin sayo ng Dad mo kevin na wag ka sumama dyan sa mga iyan! Walang patutunguhan ang mga taong yan! Tignan mo ang nakuha mo na ospital ka pa! Bakit ba napaka kulit mo!" Dinig kong sigaw ng isang babae nanay siguro ni kevin. Tinignan ko naman sila kuya nakatulala lang ang iba ay naka yuko.
"Mom! Wala silang ginawang masama! Ako ang may kasalanan hindi ko alam na expire na pala ang kinain ko! Pwede po ba wag ka na po maingay gusto ko na magpahinga."
"Kita mo kung ano natutunan mo diyan sa barkada mo sinasagot mo na ako!" Maramdaming wika ng nanay ni kevin. Maya-maya lumabas din. Saglit niyang tinignan sila kuya at umalis na ito. Kaagad naman ako lumapit sa kanila.
"Anong nangyari?" Nagaalala kong tanong sa kanila.
"Anong ginagawa mo dito yesa?" Tanong sa akin ni kuya.
"Ah dito nag tratrabaho si kuya c dinalaw ko siya at nakasalubong ko ito si zack sinabi niya sa akin na naospital si kevin. Okay na ba si kevin?"
"Okay na siya yesa kung gusto mo pumasok ka sa loob nandoon si kevin." Saad ni clarence.
Pumasok naman ako sa loob. Nakahiga si kevin at nakapikit.
"Mom, hindi ka parin ba tapos? Gusto ko magpahinga mabait ang mga kaibigan ko at hindi ko sila lalayuan kahit anong mangyari." Wika ni kevin habang nakapikit at tinatakpan ang mata.
"Dapat hindi mo sinagot ang mom mo nagalala lang siya sayo kaya nasabi niya yun." Kaagad naman itong napaupo at tinignan ko.
"Anong ginagawa mo dito yesa? Paano mo nalaman na naospital ako" Gulat na tanong niya.
"Dito nagtratrabaho si kuya c at nakita ko kanina si zack sinabi niya sa akin na naospital ka." Lumapit ako sa kaniya at umupo sa upuan.
"Si zack?" kunot noong tanong niya. Tumango naman ako.
"Ikaw kevin sa susunod wag mo na sagutin ang mom mo ng ganun mahal na mahal ka lang niya kaya napapagsabihan ka ng ganun." Saad ko kay kevin.
"Eh gusto niya na layuan ko sila clarence. Ayoko sila layuan kaibigan ko sila." Katwiran ni kevin.
"Kahit na siguradon nasaktan ang mom mo. Intindihin mo na lang siya. Kahit ganoon siya mag salita nagalala lang siya sayo."
"Oo na parang ate na talaga kita. Sasusunod di ko na sisigawan si mom." Kinurot ko naman ang pisngi niya.
"Good! Pinagalala mo ako! Sasusunod tignan mo ang expiration date ng kinakain mo ah!" Hinimas-himas naman nito ang pisngi niya bahagya pa itong namumula dahil sa pagkurot ko.
"Opo." Nakasimangot na tugon nito kaya napatawa ako.
---------------------------------------------------------
8:00pm
Wednesday, December 25. 2019
-majoy
---------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
The Last Heart Beat
Teen FictionNalalapit na ang iyong kamatayan? Ano ang gagawin mo sa mga natitirang araw at oras mo?