Chapter 9.

9 7 0
                                        

"kuya c!!!" Niyakap ko siya ng mahigpit ng makita ko siya.

"Anong ginagawa mo dito yesa?"

"Nakakatampo naman di mo ba ako na miss ilang araw din tayo di nagkita" naupo ako sa isang upuan dito sa clinic at nakangiting tumingin sa kaniya kasalukuyan siyang nag hahanap ng kung ano sa kabinet file ata?

"Hindi ka naman ba nagpapalipas ng gutom?? Umiinom ka ba ng gamot mo sa tamang oras??" di naman ako naka sagot kaagad sa kaniya. Napabuntong hininga naman siya at may kinuha sa isang drawer. Binigay niya sa akin ang isang bag.

"Ano toh?" Kinuha ko ito sa kaniya at binuksan. Tumabad sa akin ang isang box pag bukas ko ay isang relo. Mukhang mamahalin. "Para saan ito?"

"Para sayo iyan naka set yan kung kailan ka iinom ng gamot at kakain tutunog yan. Lagi mo kasi nalilimutan kumain at uminom ng gamot." Napakamot na lang ako ng ulo ko totoo yun lagi ako nakakalimot uminom ng gamot tapos sobrang bait nito ni kuya c tinatawagan ako at nag tetext siya sa akin para paalalahanan ako.

Tumingin naman ako sa kaniya at nginitian siya.

"Salamat kuya c!!! Bait bait mo talaga sana ay mahanap mo na the one mo para di ka na malulungkot pag nawala ako para sure ako na may magaalaga na sayo." Bigla naman sumeryoso ang mukha niya.

"Ilang beses ko ba sasabihin sayo na wag ka magsasalita ng ganiyan." Iyan nanaman tayo kahit pagbali-bali baliktarin man ang mundo hindi parin mababago ang katotohanan na doon parin ang punta ko. Mamatay ako ng maaga dahil sa sakit ko at tanggap ko iyon. Masakit pag naalala kong maaring kinabuhakasan ay wala na ako pero ganun talaga kailangan i-enjoy ko na lang kung ano nangyayari sa akin ngayon. At bago ako mawala gusto ko magkaayos na ang pamilya namin. Gusto ko magpaalam sa kanila na walang anumang pangamba na baka malulungkot sila.

"Alam mo tanggapin na lang natin na kahit ano mang oras mula ngayon pwede ako mamatay. Kuya C ganto iyon hindi naman habang buhay. Buhay ako lahat tayo namamatay wala naman kasi tayo super powers para maging imortal. Tanggapin na lang natin balang araw lahat tayo sa kabaong din ang punta." Tinignan ko siya ng deretso sa mata nakita ko na malungkot ito. Pero wala akong magagawa doon. Nagdadasal na lang ako sa diyos na pahabain pa ang buhay ko para makasama ko pa ang mga mahal ko sa buhay.

"Doc! Doc! May emergency patient po tayo kailangan ka po doon sa room105." Natatarantang sabi ng isang nurse. Di na nakasagot sa akin si kuya c.

"Dito ka lang yesa saglit lang ito." Saad sa akin ni kuya c pero agad ko itong tinanggihan.

"Aalis na din po ako kuya c siguradong inaantay na ako ng kaibigan ko inaya nila ako manood ng gig nila at suportahan sila ayoko naman malate at tyaka for sure matatagalan ka pa aalis na po ako sa susunod papakilala ko po sayo mga kaibigan ko." Paalam ko.

"O sige mag iingat ka." Huli kong narinig kay kuya c bago siya umalis.







Nagpasalamat muna ako sa driver ko bago ako lumbas. Paglabas ko kita ko na agad restaurant? Di ko sure eh may malaking nakalagay sa taas pangalan nito na chello's Resto umiilaw-ilaw pa ito. Parang ewan naman ako dito sa labas na nakatayo kaya pumasok na lang ako sa loob. Sa totoo lang di ko alam ang sosootin ko kaya nag plain t-shirt na black lang ako jeans di ko alam kung tama ba itong suot ko bahala sila dito naman ang komportable.

Pagpasok ko madami-daming tao ang sumalubong sa akin. Dim lang ang lights dito. Para siyang restaurant pero may mini bar sa gilid. So pwedeng uminom dito pero bawal sa akin yun sa pinakaunahan may stage at may mga kumakanta na. Hinanap ko naman kung na saan nakaupo si eira. Siguradong nandito na iyon at kanina pa ako inaantay. Lumingon-lingon ako sa paligid. At nakita ko siya doon sa unahan nakaupo kaya agad ko siyang pinuntahan.

"Eira!" Tawag ko sa kaniya agad naman siyang napalingon.
"Pasensiya na natagalan ako" nginitian naman niya ako.

"Okay lang mabuti ang nandito ka na kanina pa ako magisa dito. Di ako sanay na lumalabas mag isa eh." Nahihiya niyang pag amin. Umupo ako sa tabi niya.

"Na saan na sila?" Tanong ko.

"Sila na ang susunod dyan mabuti ang nakaabot ka." Sumenyas naman siya sa waiter at agad itong pumunta sa amin. Umorder siya ng mga pag kain at ganun din ako. Eksaktong pag dating ng pagkain ang pagpasok nila nila kevin sa stage. Naghiyawan naman ang mga kababainhan. Sikat talaga sila. Mukhang sila ang inaabangan ng mga tao dito.

Nagsimula ng kumanta si clarence "don't matter" by akon. Ang ganda ng boses niya. Sa totoo lang sa tinagal tagal ko sa school namin ngayon ko lang sila napanood mag perform di kasi ako ganun ka fan ng mga events sa school kaya lagi ako wala minsan naman pag nag perform sila wala ako kasi bigalang mau emergency. Masasabi kong napakagaling nila at ang kuya ko halatang masaya siya na tumutugtog ng eletric guitar. Bigla naman pumasok si zack at nag rap sobrang galing niya natulala ako.

Ang galing sobrang nakaka proud. Napatingin naman sa gawi ko si zack habang kumakanta. Kaagad naman ako nagiwas ng tingin. Sa lahat ng taong nakilala ko siya lang ang taong hindi ko kaya titigan. Ewan ko para kasi nilalamon ng malamig niyang mata. Walang kasasaya ang mga mata niya hindi ka makakakita ng anumang emosyon.

Hindi ko namalayan na tapos na pala ang performance nila. Pinalakpakan nila ng madaming tao.

"Ang galing nila noh yesa" puri ni eira.

"Oo sobra." Pumalakpak din ako.

Napatingin ako sa tao sa paligid namin lahat sila masaya at sobrang hanga sa performance nila. Pero napako ang tingin ko sa isang babaeng hindi kalayuan parang si mel iyon pumapalakpak siya yung hubog ng katawan niya parang si mel tinignan ko naman kung sino ang tinititigan nito iyon ay si zack na nakatingin din sa gawi niya. Pero iposibleng si mel ito. Saglit ako napapikit pikit pagtingin ko ulit wala ng Tao doon. Baka nammalik mata lang ako.

Gutom lang ito hindi pa ako kumakain eh.

---------------------------------------------------------

2:35pm

Sunday, December 01. 2019

-majoy

---------------------------------------------------------

The Last Heart Beat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon