Chapter 5.

15 8 0
                                    


Kamusta na kaya ang buhay ng kuya ko ngayon matapos ang ilang taon nagkita din kami. Nakakain kaya siya ng tatlong beses sa isang araw? Di ba siya nalulungkot ng hindi kami magkakasama? Naalala niya pa kaya yung panahon na magkasama kami at buo kaming pamilya?

Ilang araw matapos ang pakikita namin ng kapatid ko hanggang ngayon binabagabag parin ako ng aking isipan.

"Okay ka lang ba yesa?" Tanong sa akin ni eira

Nakalimutan ko na kasama ko siya sa sobrang lalim ng pagiisip ko. Kasalukuyan kaming nasa library nagpapalipas ng oras wala kasi kaming teacher ngayon may inaasikaso.

"Huh? Okay lang ako may iniisip lang ako hehehe."

"Ah okay." Pagkatapos niya magsalita ay nagbasa na ulit siya sa librong hawak niya. Si eira yung babaeng hindi masiyado pasalita, mahinhin at mahiyain. Kung siguro sa iba mukha siyang boring tignan para sakin as her friend masaya siya kasama kasi kung anong trip mo sa buhay sasamahan ka niya kaya ganun din ako sa kaniya.

Buong oras ng klase namin walang pumapasok sa utak ko. Kung ano-ano kasi ang naiisip ko. Uwian na ng bumalik ako sa katinuan ko.

Nagpapunta sa isang malapit na parke dito madalas doon ako namamalagi pag ako ay nalulungkot. Madami kasi kaming masasayang alaala nung buo pa ang pamilya namin. Sa park na iyon lagi kami nila dad nagkakasama pag wala siyang trabaho lalaro lang kami kakain. Ang sarap balikbalikan ng alaala na yun. Kailan kaya iyon mauulit??

Pagdating ko sa park madaming naglalarong bata. Maaliwalas ang park dahil napapaligiran ng madaming puno kaya masarap tumambay dito. Napansin ako naman ang isang lalaki na natutulog sa ilalim ng puno. Parang kilala ko siya. Tinignan ko ng maigi ang mukha niya. Saan ko nga ba siya nakita? Naka ear phone siya at walang pake alam sa paligid niya.

Ah alam ko na siya yung sa sa mga kaibigan ni kevin. Si-si-

"Zack?" Di ko namalayan na nasabi ko pala yung nasa isip ko dumilat ito at eksaktong nakatingin sa akin. Nagkatitigan kami.

"Baka matunaw ako." Malamig niyang saad. Nakakatakot di ko namwn itensyon na gisingin siya

"Ah-ah-ah.... A-e-i-o-u" nakakahiya ako!! "Pasensiya na..." Kaagad ako na tumalikod at tatakbo na sana ng mapatid ako ng isang bato kaya ayon nadapa ako. Doble-dobleng kamalasan naman ata ito. Tumingin naman ako sa kaniya at nakakunot noon niya akong pinagmamasdan.

"Ahh okay lang po ako." Nagpagpag lang ako at nalakad na paalis doon. Kakahiya ako. Kinaltukan ko naman ang sarili ko at agad ako napa aray. Baka kung ano isipin nun sakin. Bakit naman kasi bigla akong kinabahan kakatakot naman kasi yung pagtitig niya sa akin nako baka bigla pa akong atakihin sa puso.










Nakakahiya akoooooo!! Paulit ulit kong inuumpog ang ulo dito lamesa.

"Ms. Yesa sigurado ka po ba na okay ka lang?" Tanong ulit sakin ni manang.

"Pang-ilang beses ko na ba yan narinig ngayong araw? HAHAHA. Okay lang ako pero kasiiiiii---- wahhh." Naalala ko nanaman ang nangyari sakin kanina kaya inumpog ko ulit ulo ko. Bakit kaylangan niya pa makita ang kalampahan ko wala na akong mukhang ihaharap sa kaniya nahuli niya pa akong nakatitig sa kaniya. Bakit naman kasi ako tumitigsa kaniya.

"Ms. Yesa baka po magkabukol ka nako pagalin pa kami ni sir charles tama na yan." Pigil niya sa akin

"Nakakahiya ako manang." Naiiyak na sabi ko. "Manang akyat lang po ako sa taas gusto ko na po magpahinga." Paalam ko at umakyat na sa taas.










"Yesa anong ginagawa mo sa likuran ko?" Takang tanong ni eira.

"May pinagtataguan ako." Sagot ko at luminga linga sa paligid.

"Sino namang pinagtataguan mo?"

"Si z- BASTA wag ka na kasi magtanong eira basta itago mo na lang ako!" Muntik na ako doon.

"Ewan ko sayo! Kahit naman magtago ka sa likuran ko kita ka parin." Sabi eira.

Napatalon naman ako ng biglang may nagsalita sa likod ko.

"Yesa anong ginagawa mo?" Tanong ni kevin.

"Ano kasi may kalaro ako ngayon naglalaro kami ng tagutaguan kaya ayun nagtatago ako sa likod ni eira." Paliwanag ko. Kumunot naman ang noon niya sa sagot ko. Pekeng tumawa naman ako at hinimas himas ang batok ko. "Wala ka bang kasama?" Tanong ko at tumingin sa paligid

"Wala nandoon kasi sila sa music room nag prapractice." Sagot niya agad naman ako napatingin sa kaniya.

"Ganun ba, Anong meron?"

"Nalalapit nanaman kasi yung labanan ng lahat ng University alam mo naman yung school natin laging pinaghahandaan yung paligsahan. Magkakaroon nga ng club lunching sa biyernes ata yun sali kayo ni eira sa music club ah. Sige na baka inaantay na nila ako" Paliwanag niya.

"Okay." Nginitian ko siya

Napatingin naman ako kay eira at umilinh-iling siya sakin.

"Ewan ko sayo yesa ang weird mo ngayon sa paningin ko." Nagtatakang sabi sa akin ni eira

Pumasok na lang kami sa klase namin. Nakita ko naman si mel agad ko siyang nginitian at kinawayan pero sumimangot lang siya at inirapan ng makita niya ako.



"Individual all of you will have an case study about our lesson in business then all of you will pass it tomorrow and we will have a defense about it tomorrow. Be ready. And that's all for today." Pagkatapos sabihin ng aming propesor ang gagawin namin umalis na ito. Agad naman ako napahawak sa ulo. Ang sakit sa ulo ni ma'am gagawin ata kaming robot ang hirap kaya gumawa ng case study tapos bukas agad pasahan.

"Nanghihina ako eira. Paki alalayan ako."

"Umayos ka nga yesa. Para ka nanamang bata dyan." Inis na sabi sa akin ni eira.

"Bakit ganun si ma'am ang hirap hirap ng pinapagawa niya tapos bukas kaagad pasahan!! Walang katarungan!!"

"Nako gutom lang yan halika na tumayo ka na dyan sa upuan mo baka nandoon na si mel." Hinila niya ako patayo kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya.

"Sige na nga!"

Nasa kalagitnaan kami ng paglalakad papunta sa canteen ng makita ko si clarence at kompleto sila nandoon si zack at nakatingin siya sa akin. Ang sama nanaman ng tingin niya at nakakatakot nakabusangot nanaman siya.

"Wait lang eira mag cr lang ako mauna kana sa canteen susunod naman din ako kaagad." Natatarantang sabi ko bago makalapit si kevin dahil na pansin niya na ako tumakbo na ako pabalik.


Paglabas ko ng banyo nagulat ako ng nasa labas si zack. Tinakpan ko ang mukha ko at dahan dahan ako naglakad para di niya ako mapansin. Ano ba kasing ginagawa niya dito? Di niya ba alam na iniiwasan ko na siya.

"Stop" napahinto ako ng magsalita siya.

"Tigilan mo ang pagtatago mo sa akin nagmumukha kang tanga." Saad nito.

"Ang ganda ganda ko tapos sasabihin mo mukha akong tanga!!" Sigaw ko sa kaniya. Nakatalikod na ito sa akin kaya inis hinabol ko siya.




______________________________________

7:56pm

Wednesday, September 18. 2019

-majoy
______________________________________







The Last Heart Beat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon