Ngayon ay nakapila kami sa office upang kunin ang report card namin ni eira. Natapos na kasi gawin ng teacher ang grades namin wala kaming pasok ngayon dahil kuhaan ng card malalaman ko kung pasado ba ako o bagsak sana naman ay okay ang grades ko. Katabi ko ngayon si eira na sobrang kinakabahan.
"Chill ka lang eira sigurado namang pasado ka nag-aral kaya tayo ng mabuti." Hinawakan ko ang nanlalamig niyang kamay at nginitian siya.
"Alam ko naman yun kaso medyo baliko ako sa accounting subject natin may ibang part kasi sa exam na hinulaan ko lang kasi nalimutan ko paano gagawin." Saad niya.
"Eto tubig inom ka muna para mabawasan iyang kaba mo ang init-init pa naman." Inabot ko sa kaniya ang mineral bottle ko. Kaagad naman siyang uminom dito.
"Salamat" at binalik niya sakin ang bote ng tubig.
Malapit na kami onti tiis na lang sobrang init talaga ngayon buti na lang nagdala ako ng pamaypay at madaming tubig.
Napukaw naman ng atensyon namin ni eira ng may mag tiliiang mga babae. At ayun nga nakita ko nanaman sila kuya kasama sila kevin kompleto sila ngayon kasama din nila si mel.
"Yesaaaaaa!" Agad na lumapit sa akin si kevin at dinambahan ako ng yakap.
"Ano ba yan parang ang tagal natin di nag kita ah." Natatawa kong sabi at niyakap ko din siya.
"Apir little sis" agad naman ako nakipag apir kay kuya.
"Hala bawal sumingit sa pila." Sita ni eira sa kanila.
"Pwede yan, diba mga ate?" Tanong ni Clarence sa mga babae kasunod dapat namin.
"Okay lang po mga prince" kinikilig pa ang mga ito. Palibhasa mga kilala kaya ayan nakakasingit lang sa pila. Hay nako.
"Wag niyo na ito gawin sa susunod ah tignan niyo o kanina pa sila nakapila diyan tapos sisingit lang kayo ang hirap kaya pumila." Pangangaral ko sa kanila. Nagsitanguan naman sila sa sinabi ko.
Pumila na kami ng maayos tumabi naman sa akin si zack. Hindi ko alam ko kung nag kataon lang o sadyang tumabi siya sakin. Ewan ko napapadalas ata ang paglapit niya sakin ngayon ay nako baka nag-assume lang ako. Inayos ko na lang ang sarili ko. Sana naman pasado lahat ng grades ko. Napalingon naman ako ng kalabitin ako ng tao sa likod ko.
Tinuro niya ang hawak-hawak ko na mineral bottle. Kumunot naman ang noo kay zack.
"Pahinge ako" saad niya. Wala ba siyang dalang tubig? Binigay ko na lang ito sa kaniya.
"Oh sayo na lang." Nagulat naman ako ng pati pamaypay na hawak ko ay kinuha niya din sakin. "Mainet" sabi niya lang sakin at pinaypayan ako kasabay ng pagpapay niya sa sarili niya. Tumango na lang ako sa kaniya at umayos ng pila.
Ilang minuto ang lumipas ay nakuha na namin ang report card namin. Matataas naman ang nakuha kong grades. Kaya okay lang sakin basta pasado okay na ako doon.
"Ay sabi na pinakamababa ko na grades accounting eh. Patingin sayo mel. Wow grabe ang tataas ng grades mo ah." Puri sa kaniya ni eira
"Bakit ka ba nakikitingin?" Pagsusungit sa kaniya ni mel.
"Tingin lang eh." Nilapitan ko naman si eira. "Di ka na nasanay ganyan talaga si mel." Sabi ko sa kaniya.
"Puro mga pasang awa nakikita ko sa card mo clarence tignan mo girlfriend mo mas matalino pa sayo. Ano ba nagustohan mo dito mel? Hahaha." Pangaasar ni stephen kay clarence.
BINABASA MO ANG
The Last Heart Beat
Teen FictionNalalapit na ang iyong kamatayan? Ano ang gagawin mo sa mga natitirang araw at oras mo?