"Maupo ka na po muna dito may kausap pa po kasi si sir." Pumasok kami sa isang kwarto at sigurado akong opisina niya ito ni papa. Umalis saglit na ang nagpakilala na sekretarya sa akin ni papa matapos niya ako bigayan ng juices. Uminom naman ako agad nito pangtawid gutom lang. Dapat pala kumain muna ako bago magpakita kay papa. Nilibot ko namam ang paningin ko napakaganda ng opisina ni papa. Napatingin naman ako sa lamesa nakalagay doon sa isang glass na bagay ang panagalan at posisyon niya. Sagilid nakalagay ang mga nakadambak na papel. May nakita naman akong picture frame. Kaagad ko itong dinampot at tinignan.May kasama ditong batang babae si papa hindi. Hindi ako ang nasa picture baka nga siguro may iba ng pamilya si papa. Sobrang saya nilang dalawa dito habang naka akbay si papa dito sa batang babae. Nakakadurog ng puso makita ito pero masaya akong masaya siya.
Bigla naman bumukas ang pintuan. Kaagad ko binaba ang frame.
"Papa..."
Nang makita niya ako ay agad niya akong niyakap ng sobrang higpit.
"Miss na miss na kita papa." Naluha naman ako habang nakayakap sa kaniya. Matagal-tagal na din. Masaya akong makitang okay lang siya.
"Sorry" tinignan niya ako sa mata. "Sorry kasi andami kong pagkukulang sa inyong dalawa ng kapatid mo." Andami kong tanong habang nakatitig ako sa kaniyang mga mata pero hindi ko magawang buksan ang bibig ko. Ayokong biglain siya dahil kakakita pa lamang namin gusto ko sulitin muna ang oras na kasama ko siya ng masaya at walang iniisip na kahit ano mang problema. Matagal ko din siyang hindi nakasama.
"Papa naiintindihan po kita na madami kang ginagawa dito kaya hindi ka makauwi ng bahay." Pinunasan ni papa ang dumaloy na luha sa aking mukha.
"Kumain ka na ba?" Eksaktong pagtanong ni papa sa akin tumunog ang tyan ko. Natawa naman siya. "Alam ko na ang sagot." Tinawag ni papa ang sekretarya niya agad naman itong pumasok.
"Cancel all my appointment today and Reschedule it." Saad niya sa kaniyang sekretarya. "Okay sir." Agad naman itong lumabas.
"May alam akong masarap na kainan na malapit lang dito. Matagal na din hindi ako nakakain doon, puntahan natin." Aya sa akin ni papa. Agad naman akong tumango.
Si papa ang nag drive ng sasakyan kahit may driver siya gusto niya kasi akong solohin matagal na daw kasi kaming hindi nagkikita. Habang papunta kami sa pupuntahan ay hindi ako nainip dahil si papa ay kwento lang ng kwento at pinapakita niya sa akin ang mga lugar na nadadaanan namin. Tawa ako ng tawa kasi andami niyang corny na jokes. Wala paring pinagbago kay papa ganun parin siya. Ramdam ko parin ang pagmamahal na nagmumula sa kaniya. Alam kong may dahilan kaya nangyayari ang lahat ng ito sa pamilya namin. Gusto ko malaman kung bakit humantong sa ganito ang pamilya namin. Gusto ko tanungin si papa kung may iba na ba siyang pamilya. Sisiguraduhin ko na masasagot lahat ng katanungan ko bago ako umuwi mamaya.
Di ko namalayan nandito na kami. Pinagbukasan ako ng pintuan ni papa at inalalayang pababa. Pumasok kami sa isang sosyal na restaurant. May nakareserba na kaagad na upuan para sa aming dalawa ni papa.
"Pumili ka na ng pagkain mo dyan sa menu. Alam kong gutom ka na." Kinuha ko naman ang menu na nasa mesa at binuklat ito. Nalula ako sa presyo ng mga pagkain kaya ang ginawa ko hinanap ko yung pinakamura at iyon ang inorder ko. Laking gulat ko naman ng tumawa si papa at nag order ng madami.
"Ikaw talaga kaya ko namang bayaran ang kahit anong iorder mo." Natatawang sabi ni papa. Napakamot na lang ako sa ulo ko.
"Kumusta ang pagaaral yesa?" Tanong ni papa.
"Ayos lang naman po." Sagot ko. Napainom naman ako ng tubig sa tanong ni papa kasi nag cutting classes ako ngayon para makapunta dito. "Pa alam ko po na alam niyo na hindi lang ako pumunta dito upang makita ka lang." Sumeryoso naman ang mukha ni papa.
"Alam ko at kung kukumbinsihin mo ako na wag ituloy ito buo na ang desisyon ko mag hihiwalay na kami ng mama mo." Tinignan ko ang mukha ni papa determinado na talaga siyang makipaghiwalay nalungkot naman ako isipin iyon.
"Dahil po ba may pamilya ka na papa?"
"Isa yun sa mga dahilan. Ilang taon na kaming hindi nagkikita ng mama. Hindi maganda ang pagsasama namin ng mama mo lagi kami nag aaway hanggang sa lumala. Pasensiya na kung ganito ang nangyari sa pamilya natin. Nawalan ako ng oras sa inyo masyado akong tumutok sa trabaho kaya napabayaan ko kayo pero kahit kailan di ko kayo nalimutan ng kuya mo mahal na mahal ko kayo."
"Pa hindi na po ba kayo magkakaayos ni mama? Okay lang po na maghiwalay kayo pero sana naman bago kayo maghiwalay mag kaayos na lang po kayo kahit yun lang po. Hindi ko na po hihilingin na makasama ko kayong dalawa ni mama sa iisang bahay basta ang mahalaga wala kayong galit sa isa't isa." Umiyak ako sa harapan niya. Alam ko may natitira pang pagmamahal sa kanilang dalawa. Kaya pa namang ayusin pero di na kaya pang mabalik sa dati.
Pinunasan ko ang natirang luha sa aking pisngi. Eksatong dumating ang pagkain.
"Ano ba naman yan ang sarap naman nito nagutom ako ah!" Sumandok ako at nilagyan ko ang plato ni papa. "Eto pa siguradong masarap yan." Maganang kumain si papa kasama ko.
"Talaga bang ayaw mo mag stay ngayong gabi dito?" Pang-ilang tanong na ba ito ni papa.
"Hindi po pwede pa may pasok pa po ako bukas. Kanina ka pa po nag tatanong." Natatawa kong sabi
"Nagbabakasakali lang naman ako baka kasi biglang magbago isip mo."
"Ang kulit mo talaga pa."
"Sus ikaw itong makulit at pasaway akala mo hindi ko alam na nag cutting ka ngayon para pumunta ka dito buti na lang walang nangyari sayo habang nasa biyahe sa susunod wag kang aalis ng walang pasabi siguradong mag aalala yung mama mo sayo." Binigyan niya naman ako ng calling card. "Iyan tawagan mo ako pag gusto mo akong puntahan papasundo na lang kita sa driver ko dito." Tumango naman ako.
"Sige na po pa alis na po ako baka gabihin po ako. Mag-iingat ka po dito pa." Tumango naman si papa. Pumasok na ako sa sasakyan na maghahatid sa akin pauwi.
---------------------------------------------------------
1:17pm
Tuesday, March 10. 2020
-majoy
---------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
The Last Heart Beat
Fiksi RemajaNalalapit na ang iyong kamatayan? Ano ang gagawin mo sa mga natitirang araw at oras mo?