Ngayon ay nasa isang hapag kami. Tahimik lang akong nakaupo katabi si kuya sa aking kaliwa. Nasa gitna si papa at nakaupo naman si mama kaharap namin. Nakahain na ang pag-kain sa lamesa pero walang kahit isa sa amin ang gumalaw. Umuwi na kaagad sila eira kanina kasama sila zack, greg, kevin, at stephen hindi ko na naturuan kanina si eira dahil sa sitwasyon namin. Di rin ako nakapagpaalam sa kaniya ng maayos dahil umuwi na sila kaagad.Nauna na si mama kumuha ng kaniya pagkain. "Lalamig na ang pagkain, kumain na tayo." Saad niya. Nagsandok siya ng kanin at nilagyan ang plato ko. "Salamat ma" nginitian ko siya. Nilagyan niya din ang plato ni kuya.
"Kaya ko ang sarili ko. Di mo na ako kailangan sandukan." Malamig na wika ni kuya.
"Pasensya na" paumanhin ni mama at nilagyan niya na lang ng kanin ang kaniyang plato. Nagsimula na ako tahimik na kumain.
"Nagkasundo na kami ng mama niyo, maghihiwalay na kami." Panimula ni papa. Masakit man pero kailangan namin tanggapin na hindi na kami magkakaroon ng buong pamilya. Baka ito na ang huling pagkakataon makasama-sama kaming kumain. Tagal din namin di nagkasama sama tapos ngayong magkakasama na kami ganito pa ang nangyari. Naninikip ang dibdib ko sa mga nangyayari. Uminom na lang ako ng tubig upang maibsan itong nararamdaman ko.
"Mas mabuti na rin iyon. Maghiwalay na kayo wag niyo na kami idadamay ng kapatid ko sa gulo ninyo. May mga sariling pamilya na kayo diba? Kaya madali lang sa inyo na iwan kami. Bakit pa nga ba kayo umuwi dito sa bahay na ito? Buti naalala niyo pa kami?" May himig ng hinanakit si kuya ng sabihin niya iyon.
"Kasalanan ko pasensiya na iniwan ko kayo wala akong nung panahon na kailangan niyo ako. Kasalanan ko yun at pinagsisihan ko lahat ng ginawa ko sa inyo anak. Sana mapatawad mo ako handa akong gawin lahat para makabawi sa inyo ng kapatid mo alfred." Umiiyak nanaman si mama..
"Azel tigilan mo na yan matagal na nangyari yun. Hindi mo kailangan magmakaawa sa bastardong yan kung ayaw niya satin wag mo siyang pilitin." Galit na saad ni papa. Nagulat naman ako ng hampasin ni kuya ang lamesa.
"Akala mo kung sino magaling na ama eh di ba iniwan mo din kami ng kapatid ko pinagpalit mo kami sa kabet mo!"
"Wag mo sasabihan ng bastardo ang anak natin anthony. Dahil sayo kaya nangyayari ito." Sisi ni mama kay papa.
"Nawalan na ako ng gana kumain. Nakakaumay kayo kasama magsama kayong dalawa." Tumayo na si kuya.
"Kuya!" Tawag ko sa kaniya.
"Kakausapin ko lang po si kuya." Paalam ko kila mama at papa at tumayo na. Sinundan ko siya ang bilis niya maglakad. Buti na abutan ko siya hinawakan ko ang kamay niya.
"Kuya.." Utal ko sa kaniya. Tinignan niya ako. Nakita ko naman ang lungkot sa mata niya. Pero marahan niyang inalis ang kamay ko na nakahawak sa kaniya.
"Wag muna ngayon ayesa naguguluhan pa ako." Saad niya sa akin tumango na lang ako at hinayaan siya na ulis.
Agad naman ako napahawak sa pader ng kinatatayuan ko. Naninikip ang dibdib ko. Kaagad ko kinalma ang sarili ko. Hinimas-himas ko ang dib-dib ko upang maibsan ang paninikip nito. Nang kumalma ako pumasok na agad ako ng bahay. Pumunta ako sa kitchen nakasalubong ko naman si papa. Nagpaalam siya sa akin na uuwi na siya. Nagsorry din siya sa nangyari.
Pagpasok ko sa kusina nadatnan ko si manang na naghuhugas ng plato. Pumunta ako sa ref upang kumuha ng tubig.
"Okay ka lang ba yesa? Namumutla ka ata?" Tanong niya.
"Ayos lang po ako manang napagod lang po ako ngayon. Si mama po?"
"Nasa kwarto niya ni ma'am." Sagot niya.
"Okay po aakyat na po ako. Pagkatapos mo po dyan magpahinga ka na din po manang. Good night po." Paalam ko kay manang at umakyat na sa taas.
Humiga ako sa kama ko at tumingin lang sa kisame. Hindi ko alam kung hanggang kailan na lang ako mabubuhay. Ngayon napapadalas ang pag-atake ng sakit ko sa puso. Sabi ni kuya c hindi na daw bumubuti ang kalagayan ko. Gusto ko man itong sabihin kila mama at papa pero hindi ko magawa andami pang problema. Busy sila at madaming inaasikaso ayoko makadagdag doon. Masyado ng mabigat ang dinadala nila ayokong maging isa din sa pabigat nila. Hiling ko lang naman ay magkaayos na sila pero paano ko gagawin yun?
Pumikit na lang ako kailangan ko muna ipahinga ito. Bukas kailangan ko kausapin si kuya. Siguradong galit din iyon sa akin dahil di ako nagpakilala sa kaniya bilang kapatid niya. Gusto ko din umuwi na siya dito sa bahay. Gusto ko na siyang makasama bilang isang kapatid miss na miss ko na siya. Sana naman maayos ko ang lahat ng di pagkakaunawaan namin bukas or kahit hindi bukas paunti-unti okay na din iyon.
Pinikit ko ang mga mata ko at nagdasal maya-maya ay di ko namalayang nakatulog na ako.
Paggising ko ay agad ako na gumayak. Para magtungo sa aking paaralan. Pagdating ko sa school agad kong hinanap si kuya. Pero bigo ako na makita siya at sila zack. Kaya nagtungo na lang ako sa klase ko.
"Hindi ko naman alam yesa na susundan nila ako. Gusto din kasi nila makapunta sa bahay mo at mag group study tayo. Kaso tinanggihan ko kasi alam kong hindi mo pa nasasabi kay kuya alfred na kapatid mo siya." Paliwanag sa akin ni eira.
"Di mo na kailangan magpaliwanag eira okay lang yun mas mabuti nga yun alam na ni kuya wala na akong itatago sa kaniya." Saad ko.
Nang magrecess ay inantay ko si kuya. Akala ko kasama niya sila zack pero hindi. May ginagawa daw sila kuya kaya di nakasabay kila zack. Kaya kami lang nila zack, greg, kevin, clarence, eira, at mel ang magkasalo-salo. Humingi naman ako ng pasensya sa kanila sa nangyari nung pumunta sila sa bahay ko nalaman din ni mel ang nangyari pero sabi nila okay lang daw. Walang nagtanong sa kanila tungkol sa pamilya namin siguro naramdaman nila na wala pa malungkot ako kaya di na sila nagtanong maganda din yun dahil ayoko magpaliwanag. Mahirap din kasi sa akin ang sitwasyon ko ngayon. Nawalan na ako ng gana kumain kaya hindi ko naubos ang pagkain ko.
Uwian na pinuntahan ko siya sa classroom nila pero wala siya doon. Nauna ng umuwi. Kaya malungkot ako na umuwi sa bahay.
---------------------------------------------------------
6:36pm
Thursday, March 11. 2021
-majoy
---------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
The Last Heart Beat
Fiksi RemajaNalalapit na ang iyong kamatayan? Ano ang gagawin mo sa mga natitirang araw at oras mo?