Chapter 16.

6 2 0
                                    


"Saan ka naman galing? Para saan itong cake na dala mo?" Binuksan niya chocolate cake na dala ko ewan ko kung magugustohan niya ang cake na yan kasi ayaw niya talaga ng sweets. Pero dahil ako naman ang nag bake dapat magustohan niya yan. Tinaasan niya lang ako ng kilay habang inaantay ang sagot ko.

"Dyan lang sa tabi-tabi!! Tikman mo yung cake masarap yan!!" Nakangiti kong sabi sa kaniya.

"Sa bahay ko na lang ito kakainin." Sinarado niya ito at nilagay sa gilid.

"Ayaw mo ba niyan? okay lang naman sakin sa iba ko na lang ibibigay. Salamat nga pala dito sa relo di ko na nalilimutan inumin ang gamot ko at kumain sa tamang oras!" Akmang kukunin ko ang cake ng tapikin niya ang kamay ko.

"Aray naman ayaw mo naman niyan diba ayaw mo sa sweets sa iba ko na lang ibibigay siguradong matutuwa si kevin pag binigay ko ito sa kaniya. Ako pa naman nag bake nito!!"

"May sinabi ba ako na ayaw ko. Sa bahay ko na kakainin bibigyan ko na din sila mom at dad!"

"OKAY!!" tinignan ko lang siya habang nag babasa ng mga... Ano bang tawag doon sa mga papel na nag lalaman ng mga sakit ng pasyente ganun basta yun! Humahanap ako ng tyempo kung paano mag paalam sa kaniya tungkol doon sa field trip. Pampalubag loob ko lang talaga yung cake hehehe alam niyo.

"May sasabihin ka ba?" Tanong niya sa akin kaya naman agad ako napatingin sa kaniya. Kinuha ko naman yung papel na binigay ng teacher namin sa aking bag at binigay sa kaniya. Tinignan niya ito at sinuri. "Ahh alam ko na kaya pala binigyan mo ako ng cake para dito. NO! Hindi kita papayagan! Alam mo naman na bawal ka masiyado mag pagod at dito pa lang sa mga pupuntahan mo siguradong mapapagod ka!"

"Ano ba naman ang kj mo kuya c! Pinayagan na ako ni mama tapos ikaw hindi! Sige nanaman promise di ako magpapagod. Minsan lang din ito mangyari sa school kaya payagan mo na ako!! Please!!" Nag twingkle pa ang mata ko sa kaniya.

"Eh kung sabihin ko sa mama mo ang kalagayan mo?" Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Kuya c naman! Sasabihin ko din naman sa kanila chill ka lang dyan! Alam mo naman na inaayos ko pa ang problema namin ayaw ko naman dagdagan ng isa pa noh! Kaya sige na minsan lang ito payagan mo na ako promise iinom na ako ng gamot ko sa tamang oras." Nag puppy eyes naman ako sa kaniya. Di man lang siya na aapektohan ng cuteness ko.

"Oo na! Oo na! Tigilan mo na yang ginagawa mo nakakauyam." Inis na saad ni kuya c. "Pero sasabihan ko parin si kuya chess na sabihan yung mga teacher mo na wag ka masiyado papagudin at bantayan ka!"

"Salamat!!" Niyakap ko naman siya at ginantihan niya din ako ng yakap.












Hapon na ako nakalabas ng ospital. Mabuti na lang at pinauwi ko na ang driver ko. Sigurado kasi maiinip lang yun sa pagaantay sa akin dito sa labas. Sobrang init pa. Nakalabas na kaya si kevin? Di ko na siya na daanan. Dapat pala dinaan ko muna siya bago lumabas ng ospital. Mag babake na lang ako ng cupcake para sa kaniya buti na lang tinuruan ako ni mama nun may pag kakaabalahan na ako. Dadaan muna ako s grocery store bibili ako ng mga ingredients para sa gagawin ko.


Habang tulak-tulak ko itong cart. Nakita ko sa kabilang dulo si mel. Kaagad ko siya kinawayan at nginitian pero agad lang ito tumalikod. Hindi ata ako nakita. Pinagpatuloy ko na lang ang pamimili ko. Pag katapos ko malagay ng mga kailangan ko agad ako nagtungo sa counter.

"Uy mel! Ikaw pala yan! Kanina nakita kita kinawayan nga kita eh kaso hindi mo ata ako nakita." Bakas dito ang pagkainis ng irapan niya ako. Tinignan niya ang oras sa watch niya. Hindi niya naman ako pinansin at nanatili lang nakatingin sa harapan. "Alam mo mel dapat nakangiti ka lang lagi mas maganda ka kung nakangiti ka. Dapat i-enjoy mo ang life mo wag puro sama ng loob nako once lang ibinigay sa atin ito ni lord kaya dapat sulitin natin."


"Can't you see yesa ayoko makipag friends kahit kanino hindi ko alam kung anong meron sayo at sobrang kulit mo. Wala naman ako magagawa sayo kasi kukulitin mo lang ako maging kaibigan ko so i give up sa pagtataboy sayo." Yehey di niya na ako ipagtatabuyan so firends na kami. "And fyi di pa rin tayo friends wala akong kaibigan sa inyo."








Pagkatapos niya bayaran ang pinamili niya ay umalis na siya ng hindi nagapaalam. May aasahan pa ba ako kay mel ganun na talaga yun pero naiintindihan ko siya kung bakit siya ganun. Sa totoo lang madami siyang kaibigan dati kaso ng minsang lumubog ang negosyo nila ay lahat ng itinuturing niya kaibigan ay nawala. Andami kutya ang inabot niya sa mga dating kaibigan niya mga fake pala ang mga ito at fame,pera lang ang kailangan sa kaniya. So simula nun nag try ako maging kaibigan siya kaso ayaw niya. Unti-unti na din umangat ulit ang negosyo nila at yung mga dati niyang kaibigan ay nakikipagkaibigan na ulit sa kaniya pero walang ni isa dito ang kinaibigan niya ulit.


Simula nga nung nangyari yun naging matigas na ang puso niya kaya himala nga nung nakita ko sila ni zack sobrang lambot ng puso niya kay zack mahal na mahal niya talaga ito. Sobrang swerte ni zack dahil minahal siya ni mel. Paano niya kaya napaamo si mel nako matanong nga siya.









Gabi na ako nakauwi ng bahay. Kaagad ko hinanap si mama. Lumabas naman si manang kaya siya ang natanong ko.


"Manang nasaan si mama?"



"Umalis siya may inaasikaso lang pero babalik din siya pero baka gabihin siya." Paliwanag nito.

"Ah okay paki lagay na lang ito sa lagayan manang bukas mag babake ako ng cupcake para sa kaibigan ko at syempre para sa inyo! Sige na aakyat na po ako at matutulog."






---------------------------------------------------------

3:08pm

Thursday, December 26. 2019

-majoy

---------------------------------------------------------

The Last Heart Beat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon