Chapter 6.

14 8 0
                                        

Hapon ang pasok ko ngayong araw na ito kaya napag desisyonan kong magluto ng paborito kong adobo. Simula ng umalis si mom papunta sa ibang bansa ang madalas ko na lang makasama yung mga katulong namin dito sa bahay at iyon nga pinaka naging close ko si manang tinuruan niya ako na magluto at naging hobby ko na din mag luto pag wala akong ginagawa at nabobored.

Matapos ko ayusin ang sarili ko ay bumaba ako at nagtungo sa kasina. Naghanap ako ng mga sangkap sa lulutuin ko. Pinagbubuksan ko ang ref pero kulang ang mga laman. Eksaktong pumasok si manang dito sa kusina.

"Ms. Yesa?? Ano pong hinahanap niyo dyan??" Takang tanong niya.

"Manang nag hahanap po ako ng mga sangkap sa lulutuin ko. Mukhang di pa po kayo namamalengke madami na po kasing kulang dito sa mga stack natin." Puna ko.

"Oo nga eh nakaligtaan ko kasi nagkaroon ng problema sa probinsya namin pesensya na mamamalengke na lang ako ngayon." Paliwanag niya.

"Wag na po manang wala naman ako masiyadong gagawin hapon pa ang pasok ko kaya ako na lang po. Ikaw na lang muna po ang bahala dito sa bahay." Tanggi ko.

Nagpahatid na lang ako sa super market. Pagdating ko doon ako kumuha ako ng push cart. Habang namimili ako naagaw ng antensiyon ko ang mga lalaking nagtatalo sa chocolate section ang ingay, di ko sila gaano makita kasi nasa kabilang dulo sila. Nagkibit balikat na lang at nag patuloy sa pamimili. Noong bata Pa ako naalala ko madalas kami lutuan ni mom at lagi akong nanonood sa kaniya sabi niya noon tuturuan niya ako magluto kaso di niya na natupad iyon. Nakakalungkot isipin. Napabuntong hininga na lang ako. Bakit naman kasi bigla na lang pumasok sa isip ko iyon. Tinignan ko ang mga pinamili ko, mukhang kompleto na ito.

Napatigil ako sa pagpunta sa counter ng biglang may yumakap sa Akin.

"Ayesa!" Tuwang sigaw niya habang yakap ako. Kinalas ko naman agad ang kamay niya at agad na lumayo sa kaniya. Tumingin ako sa paligid halos lahat sila nakatingin sa amin. Nakakahiya!! Baka kung ano-ano iniisip nila.

"Kevin naman! Umayos ka nga! Wag ka basta-basa yayakap pag nasa public place tayo! Baka kung ano isipin ng mga tao." Pinanlakihan ko pa siya ng mata. "Ano bang ginagawa mo dito?"

"Namimili." Nakangiting sagot niya.

"Pilosopo." Bulong ko pero mukhang narinig niya.

"Tama naman sinagot ko namimili naman talaga ako." PAinosenteng saad niya.

"Ewan ko sayo wala akong panahon sa mga kalokohan mo Kevin." Pumila na ako sa counter naramdaman ko naman na sumunod lang sakin si Kevin kulit talaga parang bata.

Maya-maya dumating si Clarence at Stephen na hingal na hingal at pawis na pawis.

"Walang hiya ka Kevin nandito ka lang pala kanina ka pa namin hinahanap!!" Sigaw ni Clarence.

"Bwiset ka talaga si akala ni alfred kung ano na nangyari sayo pinahanap ka Pa samin!!" Inis na sabi ni Stephen habang nagpupunas ng pawis niya.

"Eh kasi nakita ko lang si ayesa! Kinukumusta ko lang hehehe." Paliwanag niya.

"Ugok ka talaga dapat nagpaalam ka man lang sa amin alam mo naman si Alfred paranoid yun palagi! Kami mapapahamak sayo!! Lika na nga umuwi na tayo." Agad naman kumapit sa Akin si Kevin.

"Ayoko dito lang ako kayo ayesa!!" Sigaw niya.

"Para kang bata Kevin umayos ka nga! Sumama ka na sa kanila!! Wag ka gumawa ng gulo dito." Sabi ko sa kaniya. Lumapit naman ang dalawa sa amin at kinalas ang mga kamay ni kevin na nakahawak sa Akin. Hinila kaagad nila si Kevin.

"Pag pasensyahan mo lang si Kevin ganyan talaga yan tinotopak nanaman." Saad ni Stephen bago umalis hila-hila si Kevin.

Ang weird nila.....








"Ang sarap mo naman talaga mag luto ng adobo ayesa!!" Kumento ni manang.

"Oo nga ma'am ayesa!!" Pagsangayon naman ng iba naming katulong.

"Nako kayo talaga. Binola niyo Pa talaga ako kagaya lang din naman ng ibang luto ng adobo." Nakangiting saad ako at sumubo ng kanin.

"Iba pa rin yung gawa mo ayesa! Nako baka sa makalawa makikita na lang kita may asawa ka na!" Nagulat naman ako sa sinabi ni manang at agad na painom ng juice.

"Ikaw talaga manang napakamapagbiro mo! Wag ka ngang ganiyan madami pa akong aayusin sa buhay ko." Natahimik naman sila.

"Oh bat kayo tumahimik?" Takang tanong ko.

"Eh kasi ma'am ayesa kahit na madami ka pong problema kinakaya mo parin po! Alam po namin na nahihirapan ka kasi wala dito sila ma'am at sir pero positibo ka lang po lagi magisip" Naiiyak na sabi ng isa sa katulong namin dito sa bahay.

"Ang laki-laki mo talaga ayesa parang noon lang nung maliit ka pa sobrang pasaway mo ngayon eto ka na." Naluluha na sabi ni manang. Ano ba yan bat bigla naman sila nagiiyakan.

"Kayo naman talaga. Malaki ang pasasalamat ko sa inyong lahat hindi naman ako makakabangon ulit kung wala kayo dito sa tabi ko kaya salamat sa di pag iwan sa Akin." Niyakap ko naman si manang na ngayon ay umiiyak na.


"Sige na papasok Pa ako manang magaasikaso Pa ako."

"Oh siya masiyado na ako nagiging madrama. Tatawagin ko lang yung driver mo ipapahanda ko na yung sasakyan. Sige na magasikaso ka na. Ako na bahala dito." Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at umakyat na sa making kwarto.



Tinignan ko ang mukha ko sa salamin okay na naman ako. Tinignan ko ang orasan sakto lang ako natapos. Kaya napagpasiyahan ko na bumaba na.

Habang pababa ako ng hagdan narinig ko si manang na sumisigaw.

"Berto anong ginagawa mo dito sa sala!! Diba dapat ay hinahanda mo na yung sasakyan papasok na si ayesa!! Nanood ka lang dyan!! Ano ba kasing pinapanood mo?"

"Pasensiya na eto kasing sabi sa news umuwi daw ngayon si ma'am azel galing canada naging sikat pala si ma'am sa ibang basa kasi nilibot niya ang buong mundo para tumulong sa ibang tao." Nagulat naman ako sa sinabi ni mang berto at agad ako na bumaba.

"Ano ulit yun mang berto? Tama ba ang narinig ko umuwi si mommy?" Tanong ko sa kaniya.

Tumango naman siya bilang sagot.



"Narito po tayo ngayon sa airport inaantay po natin ngayon ang paglabas ni Mrs. Azel Cardova Valdez. Nakilala siya dahil sa daming tinulungan niyang mahihirap sa ibang bansa lalo ng pumunta siya sa Africa at isulong niya ang mga karapatan ng mga ito. Si Mrs. Azel po ay asawa ni Mr. Anthony Valdez isang kilalang bussiness man at namamahala ng malaking kompaniya-" Naputol ang pagrereport ng news reporter dahil nagkagulo na sila ng biglang lumabas si mommy.

"Iyan na po pala si Mrs. Azel!!" Hindi maintindihan dahil sa dami ng nagsasalita nagkakagulo na sila.

Di ko namalayan na tumulo ang luha ko. Kaagad ko naman ito pinunasan.

"Mang berto ihanda mo na po yung sasakyan malalate na po ako sa klase ko." Kaagad naman itong sumunod.

"Manang sa labas na ko na lang po aantayin si mang berto."

Narinig ko pang pinagsasabihan ni manang si mang berto bago ako nakalabas.


Nakauwi na si mommy. Sana naman magkaayos na sila ni daddy. Siguro naman ngayon maayos na nila lahat masiyado ng matagal hindi ayos ang pamilya namin. Siguro naman sapat na yung mga panahon na magkakahiwalay kami para mapatawad nila ang isa't isa.


---------------------------------------------------------

11:30 am

Saturday, October 12. 2019

-majoy

---------------------------------------------------------

The Last Heart Beat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon