Chapter 11.

5 2 0
                                        

"ma'am...." Nagtatakang tumingin si manang sa gilid ko. "Akala ko po mamaya ka pa po dadating?" Nagtatakang tanong ni manang.

"Pasensya na hindi ko nasabi sa iyo kaagad na mapapaaga ang pag punta ko dito." Nakangiting tugon ni mama.

Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na siya.

"Tamang-tama po ma'am sabay na po kayo ni yesa mag almusal siguradong na miss niyo ang isa't isa." Nagtungo na kami sa dinning area kung saan nakahain na ang mga pagkain. Naupo ako kaagad at naupo naman si mama sa katapat kong upuan. Tahimik kaming kumain ni mama. Sobrang nakakailang. Gusto ko mag open ng topic kaso hindi ko alam kung paano magsisimula.

"Papasok ka na ba pagkatapos mo kumain?" Tanong ni mama.

"Opo" sagot ko.

"Saan ka nga pala nagaaral?? Doon ka pa rin ba sa IU? Sabi ni manang sa akin business management daw ang kinuha mong course."

"Sa iu pa rin po ako nag aaral ma, business manage po yung kinuha ko kasi gusto ko kasi tulungan si papa sa pagpapatakbo ng business." Nginitian niya ako sa paliwanag ko.

"Ang laki-laki mo na anak ko parang kailan lang kalong-kalong kita sa bisig ko ngayon heto ka na. Sorry dahil iniwan ko na lang kayo bigla ng kuya mo. Wala ako sa tabi niyo ng lumalaki kayo pero ngayong nandito na ako sisiguraduhin kong mapupunan ko ang lahat ng pagkukulang ko sa inyo. Alam ko galit kayo sa akin dahil sa biglaang desisyon ko nung panahon na iyon." Lumuluhang sabi niya. Napatigil naman ako sa pagkain. Tumayo ako at nilapitan siya. Niyakap ko siya.

"Ma hindi po ako na galit sa inyo ni papa kahit madami kayong pagkukulang sa amin ni kuya. Hindi ko magagawang magalit sa inyo dahil kayo ang mga magulang namin ni kuya. Gusto lang namin ngayon ni kuya ay magkasundo na kayo." Dama ko ang sobrang kalungkutan ni mama at pangungulila samin ni kuya ng matagal. Sobrang tindi ng iyak niya habang magkayap kami.

"Ang kuya mo siguradong hindi niya na ako matatanggap. Galit iyon sakin." Tiningala niya ako kaya nag tagpo ang tingin namin.

"Ma hindi galit si kuya siguro nagtatampo lang siya sayo kasi bigla kang nawala ng walang paalam. Nanay ka namin kahit pagbalibaliktarin man ang mundo kaya siguradong maiintindihan ka din kuya kung ano man po iyang dahilan mo." Nginitian ko siya. Alam kong may dahilan si mama kung bakit siya umalis hindi naman kasi pwedeng umalis siya dahil gusto niya lang. Baka may nagawa si papa kaya siya umalis. Pero sana naman magkaayos na sila kahit naman lagi sila nagaaway alam ko na mahal na mahal nila ang isa't isa.

"Ma aalis na po pala ako papasok pa ako gusto man po kitang makasama ng matagal pero kailangan ko na po pumasok mamaya na lang po tayo magusap ulit." Paalam ko sa kaniya.

"Nako kailangan ko bumawi sayo anak matagal tagal din nung huli tayo nagkasama." Tumango naman ako humalik naman ako sa pisngi niya bago ako umalis.

"Sige na po." Masaya akong pumasok sa eskwelahan.




"Hello eira!" Masaya kong bati sa kaniya at umupo sa tabi niya.

"Anong meron at sobrang saya mo ata?" Takang tanong niya.

"Wala naman masaya lang talaga ako ngayon." May pagkakataon na kasing mabuo ulit ang pamilya namin. Ngayon na nasa bahay na si mama pwede na silang magusap ni papa. Mababalik na sa dati ang lahat.

Pagdating ng aming guro pinakuha niya kami ng isang buong papel at nag karoon kami ng pagsusulit nasagutan ko naman ito lahat dahil nag aral na ako bago umalis ng bahay. Pagkatapos gumawa lang kami ng thesis namin. Sa ibang subject nag lecture lang kami. Tapos ay tumunog na ang bell hudyat na break time na.

The Last Heart Beat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon