TCWDM: Fave chap ko ang buong Chapter 19 so kapit!!! Malalaman nyo kung bakit pag nabasa nyo na!!! Huhuhuhu
***
August 1st week
The days that followed were silent, although heavy. Hindi na ako bumabati sa reception. They stopped too, kasi awkward. Si Vana, hindi na tinutukso si Celine kay Maxwell. Si Celine, madalas naman akong tuksuhin kapag kami lang. For a few days, I thought their concern shifted to something else—sa kung sino ang madalas tanggihan ni Miss Kylie sa dates, sa kung ano na ang nangyari kay Pau, sa rason ng pagre-resign ni Chef Mino, at iba pa.
I thought they finally forgot about me and Maxwell. Mali pala ako.
I went back to the office earlier than usual that Wednesday. Magkasama kami ni Celine na nag-supervise ng food photography sa isang restaurant na hawak ng company. We will be writing about it for Savory. Nauna akong umakyat sa office, expecting to find a busy workplace. Sinalubong ako ng amoy ng kape at pizza, at ng pag-uusap-usap. I heard my name. From the voices, sina Vana, Meg, at Jasmine ang magkakaharap.
I was too scared to interrupt or to make any sound that I just hid at the corridor going to the washroom.
"Hindi naman. Kaso kasi, choosy pa si bakla, 'no? Chef Maxwell na 'yon, eh—poster boy ng yumminess, commercial model, perfection . . ." si Vana. "Ano problema niya?"
"Guwapo rin si Chef Calyx," si Jasmine. "Baka kasi sila talaga."
"Parang hindi naman," si Vana uli. "Ilang ulit na nilang sinabing hindi, 'di ba? Hindi naman 'to showbiz para mag-super deny. Saka, sinuman piliin niya ro'n sa dalawa, jackpot na siya. Goods na palahi."
"Hoy, vakla, bibig mo naman," sita ni Meg. "Baka hindi lang talaga komportable si Kimmy maligawan. She's shy and mahinhin kasi. Baka intimidated sa showy."
"Iba naman 'yong shy at mahinhin sa maarte, girl," si Vana pa rin. "I like her naman. Nice naman siya ka-work, polite . . . pero ibagay sana ang pag-iinarte sa ganda ng mukha."
"Hey . . ." si Meg uli. "She's been battling acne since college yata. Or high school? Skin condition na yata 'yon eh. May pinsan ako like her. 'Yong 'pag nagkaka-acne, nagbubukol ang face 'tapos ano—sorry na, kumakain tayo—'yong may puss? Sabi sa derma, skin condition na 'yon and not just merely pagpi-pimple. Kadiri din talaga tingnan pero kaawa rin kasi nagbubukol 'yong face niya bukod sa nabubutas. Malinis naman 'yon sa katawan pero gano'n. 'Tapos, masakit daw 'pag nagkaka-acne siya. Nagpapa-derma pa rin 'yon hanggang ngayon eh."
"O? Nakarinig na nga rin ako nang ganyan. Nag-improve ba mukha ng pinsan mo? 'Di ba si Kimmy, regular din magpa-derma? Baka same situation?" si Vana. "Kaso, 'di naman halata improvement. Sorry na."
"Baka hindi lang natin makita talaga kasi madalas makapal make-up ni Kimmy," si Jasmine.
"Pa-derma pa siya hanggang kuminis at magningning. Baka madagdagan confidence ni bakla 'pag gumanda nang kaunti," sabi ni Vana
"Harsh mo, bakla."
"Hindi naman sa pag-aano, pero ang arte kasi talaga. Kung problema na niya mukha niya, try niya mamroblema ng lawit. Sa kanya na lang lawit ko, para mas problematic."
Nagtawanan sila, bago sumingit si Meg. "Let's stop talking like this about Kimmy. It's bad."
"Maka-bad ka naman, girl. Tayo-tayo lang naman. Saka hindi lang naman ako ang naaartehan sa kanya. Imposible lang kasing wala siyang gusto kay Chef Maxwell eh lagi siyang nakatingin din. Tanggap nang tanggap ng regalo. So bakit pa mag-iinarte at may pa-reject-reject kahit gusto rin naman? Ipokrita lang, gano'n? Ganda ba siya? 'Di ko naman siya hate. Ano lang—"
BINABASA MO ANG
Cliche (Candy Stories #5)
Teen FictionGrowing up insecure, Aurora firmly believes she does not suit someone as perfect as Maxwell. But with him continuing to love her despite her insecurities and fears, will Aurora finally choose to let Maxwell in--or will she keep pushing him away even...
