Wattpad Original
Mayroong 8 pang mga libreng parte

Chapter 02: That unnameable feeling is...

31.1K 1.4K 416
                                    


***

First year college, Culinary Arts
June, first week
Saint Tomasino University

"O, Kimmy, nandito ka pa pala? Akala ko, sumabay ka sa Kuya mo?"

Halos makipagpatintero ako kay Manang Thelma palabas ng gate. May kagat akong sandwich at may hawak na baso ng orange juice. Dinagit ko lang sa kusina pagdaan ko ro'n.

"Hindi ka bumangon agad no'ng ginigising kita, ano?" sabi pa niya. "Naku, male-late ka niyan."

Tumango lang ako. Magha-hand signal ako kay Manang kung kaya ko kaso lang occupied ang mga kamay ko. Nagmamadali rin ako. Ngumuya ako sandali bago uminom ng juice at ibigay kay Manang ang baso.

"Male-late na nga po ako. Pabalik na lang po sa kusina. Thank you po!"

Bago pa siya makapagsalita uli, nakalabas na 'ko ng gate at tumakbo palabas sa subdivision.

First day ng school. Ang plano ko kagabi, maaga akong gigising at sasabay kay Kuya paalis. Inihanda ko na nga agad ang gamit at uniform ko. Pero siyempre, plano lang 'yon. Hirap akong matulog kapag gising ako. Hirap naman akong bumangon kapag tulog ako. Kaya late akong nakakatulog kahit anong basa ko ng libro at late din nagigising kahit ilang alarms ang i-set. Ni-remind na 'ko ni Kuya na maging on-time sa umaga dahil mas maaga sa'kin ang office niya. Pero siyempre, hanggang remind lang uli 'yon.

Pagdating ko ng labasan, punuan ang mga jeep na papunta sa university. Kahit tricycle, walang humihinto sa'kin. Pagagalitan din pati ako 'pag nalaman ni Kuya na nag-tricycle ako dahil na-late ako ng bangon.

Kailangan ko ng taxi. Pero lahat ng taxi na dumadaan, may sakay.

Panay ang kagat ko sa sandwich habang pumapara. Walang humihinto.

Dapat pala, sinabihan ko si Cal na daanan ako sa bahay. Kung dadaanan niya 'ko, may gigising sa'kin. May magda-drive para sa'min dahil may service driver sila. At may kasabay akong male-late.

Kababata ko si Calyx. Kaklase ko rin mula kinder hanggang college.

Pagkaway ko sa hindi ko alam kung pang-ilang taxi, huminto 'yon. Mabilis kong nabuksan ang pinto sa backseat para sumakay. Para lang matigilan dahil hindi lang pala ako ang pasahero.

May isa pang tao ro'n. Kilala ko naman pero...

"Sa STU pa rin po, Manong."

Nalunok ko nang buo ang sandwich na nginunguya ko pa dapat. Napakapa rin ako sa tagiliran ng labi ko para i-check kung may breadcrumbs or mayonnaise do'n. Tuna sandwich pa naman ang kinakain ko.

"Hello, Aurora," bati ni Maxwell. Nakangiti gaya ng lagi. "Good morning."

Dahan-dahan ang pagbaba ng sandwich sa lalamunan ko. Pinipigilan akong bumati kaagad.

"H-hello..."

"Komportable ka sa pagkakaupo mo?" aniya pa.

"Huh?"

Ngumiti lang siya lalo. Napalinga naman ako sa kinauupuan ako. Nakasuksok pala 'ko halos sa pinto.

"Ah... uh..." Ano'ng sasabihin ko kung kusa akong napasiksik sa pinto nang makita ko siya sa loob?

Umisod si Maxwell para bigyan pa 'ko ng espasyo. Umupo naman ako nang maayos.

"Thank you..." halos bulong ko.

Hindi na siya sumagot. Sa harapan na rin siya tumingin. Samantalang ako... ni hindi na nakakagat uli sa almusal ko. Hawak-hawak ko na lang 'yon—hindi maitapon (ayaw ni Maxwell nang nagsasayang ng pagkain) pero hindi rin makain (hindi ko kayang lumunok).

Cliche (Candy Stories #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon