Chapter 12 : The hands that keep you steady

9.4K 700 128
                                    

***

Lumalim pa nang kaunti ang gabi. The night got a little bit colder, too. I was still sniffling. Pinipigilan ko lang ang sound para hindi ma-bother si Maxwell. Kapag kasi napapalakas, napapatingin siya sa 'kin at nagtatanong kung okay lang ako.

I wouldn't say I'm fine pero kasi, nakaiyak na 'ko. Alam ko namang wala akong magagawa sa mukha ko, kahit iniyakan ko na nang paulit-ulit. Kaya nga sobrang faithful na namin ni Mommy sa derma. Sa summer, mas makapagpo-focus ako sa treatment dahil walang school. Less stress from acads and less pollutants to worry about since I don't really go out naman.

Tanaw na namin ang store nang mangunot ang noo ko sa kotseng nakaparada sa harap niyon. Parang kotse ni Kuya Rius. Maya-maya, lumabas nga mula roon si Kuya at si Calyx. Kuya used his phone. Saka nag-ring ang phone ko.

"Hello, Kuya?"

"Nasa'n ka? Nasa tindahan kami ni Cal," sabi niya.

"May pinuntahan lang sandali, pero pabalik na. Tanaw ko nga kayo."

Nang lumingon sila sa gawi namin ni Maxwell, kumaway ako. Kahit naman siguro hindi enough ang liwanag sa park, they'd recognize me.

Kumaway pabalik si Kuya. Si Cal, nakatingin lang. Hindi ko nasabi man lang sa kanya na Maxwell was with me. Ang huling usapan namin ay 'yong niyayaya niya 'ko to be his date for the party.

"Hurry. May pupuntahan tayo," sabi pa ni Kuya bago ibaba ang linya.

Nagkatinginan kami ni Maxwell nang ilagay ko uli ang phone ko sa shoulder bag ko.

"May sundo ka pala..." sabi niya. "Buti naman para hindi ka hirap sa pag-uwi. Hindi ako magwo-worry."

Tipid lang ang ngiti ko. I'm not sure kung kita niya. "Hindi ko nga rin alam na susunduin ako ni Kuya. May pupuntahan daw kami. But it's so late in the night na."

"Bilisan natin. Baka mainip kuya mo."

We quickened our pace. Napansin kong naka-long sleeves pa rin si Kuya Rius na suot niya kaninang umaga nang umalis siya for office. Si Calyx naman, naka-suit. Galing ba siya sa party at nagpunta rito sa store? But why? Nag-worry kaya siya sa 'kin?

"Sa'n tayo pupunta, Kuya?" tanong ko agad nang makalapit kami.

Bumati lang si Maxwell kay Kuya Rius at tumango naman kay Calyx.

"Sa daan ko na lang ipapaliwanag," sagot ni Kuya Rius. "Sakay na kayo. Sumabay ka na rin, Maxwell. Madadaanan naman ang sa inyo."

We all went inside the car. Nasa passenger seat ako habang magkatabi sa likod sina Maxwell at Calyx. Nakikiramdam ako kay Kuya na seryoso ang mukha habang nagda-drive. It was worrying. Most of the time, nang-aasar siya, eh. But he didn't say anything now kahit nakita niyang magkasama kami ni Maxwell. Hindi tuloy ako makapag-usisa agad.

Pagtapat namin sa tindahan nina Aling Tere papunta sa compound, bumaba na si Maxwell. I just smiled at him and said thanks. Si Kuya, nagpasalamat din sa pagsama niya sa 'kin sa tindahan. Maxwell looked worried for me or for us, but he just smiled and wished us good night.

Tahimik uli kami sa kotse. The silence was suffocating, it's making me anxious. Huminga ako nang malalim.

"Kuya... where are we going?" untag ko.

Humigpit ang hawak ni Kuya sa manibela. Nag-check sandali kay Calyx sa mirror bago sumagot. "Kay Mommy."

Nangunot ang noo ko. "What?" But that's impossible because, "Pa'no tayo pupunta sa kanya? Sa kanila ni Dad? Nakauwi na ba sila from Iceland? Are we planning a suprise?"

Cliche (Candy Stories #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon