***
Nagtiis ako sa pag-iwas ni Aurora. Umasa na kapag nagpalit ang schoolyear, may magbabago. Pero lalo lang nadagdagan ang dahilan niyang umiwas dahil sa isang blockmate niya na itinutukso sa'kin—si Celine.
"Hey, wait up!"
Nakapamulsa akong lumingon kay Celine. Bad trip ako. Hindi naman sa kanya kundi ro'n sa mga humila sa'kin sa dating game kung saan kami galing. Ayoko siyang mapagbuntunan kaya nauuna akong maglakad. "Sabi ko sa'yo, gusto kong umuwi nang maaga ngayon. Bakit ako ang pinili mong ka-date?"
Humihingal siyang lumapit. "Of course. Dahil gusto ko ring umuwi nang maaga ngayon."
Nangunot ang noo ko.
"Let's hurry sa Dating Authority para sabihing ayaw nating mag-date at magpapapirma lang tayo sa mga booth."
Nawala ang simangot ko. "'Kala ko may gusto ka sa'kin."
"Wala," flat na sabi niya. "'Yong mga shipper lang na classmates ko ang may sabi no'n. Ikaw? Obviously, wala ka ring gusto sa'kin, 'di ba?"
"Wala."
"Right. And you like someone else," sabi niya.
"Halata?"
"Kutob ko lang," aniya. "You kept looking at the crowd, parang may hinahanap ka. And you're seriously annoyed about the dating game. Naisip ko, baka you like someone and you're worried na napapanood ka. 'Tapos ayaw mong maisip no'ng girl na gusto mo na may iba kang ka-date. Am I right or am I right?"
Sabay na kaming naglalakad. "Oo. Ayokong isipin ni Aurora na gusto kitang ka-date."
"Oh. So the girl's name is Aurora." Natigilan siya. "Aurora? You mean si Kimmy?"
Sumimangot ako. Wala siyang dapat na sabihing masama tungkol kay Aurora. Maba-bad trip ako.
"May pag-asa ka ba ro'n?" sabi ni Celine. "Hindi ba sila ni Calyx?"
"Hindi."
She giggled. "Sure ka ba?"
Asar din 'tong kausap, eh. "Basta hindi sila."
"You're just jealous . . ." magaang sabi niya.
Hindi ko na magawang ngumiti.
"Mahihirapan kang makalapit kay Aurora kahit foundation week because of Calyx and our classmates."
"Last year, nai-date ko siya," ani ko.
"I heard. I think that's why some of the girls hate her."
Nagbuga ako ng hangin.
"Since I annoyed you today because of the dating game, do you want me to help you steal a moment with Aurora?" tanong niyang makulit na nakangiti.
"Pa'no?"
"Leave it to me."
Nang araw na 'yon, kaysa mag-date ay nagplano kami ni Celine. We bought passes for Karaoke and Sleeping booths. Nag-fill out uli ng complaint forms laban kay Calyx. Hindi ko alam kung bakit niya ako tinulungan maliban sa sinabi niyang dahilan—bawi raw sa inis ko sa pagpili niya sa'kin.
Kinabukasan no'n, nag-message si Celine sa'kin na papunta si Aurora sa Sleeping booth. Nauna ako ro'n. Pumuwesto malapit sa dulo. Ang balak ko ay lumipat ng puwesto kapag dumating na si Aurora at alam ko na kung nasa'n siya. Pero nakatadhana siguro talaga kaming magkasama nang araw na 'yon, sa maikling oras na 'yon, dahil pumuwesto siya sa katabing higaan ng sa akin.
BINABASA MO ANG
Cliche (Candy Stories #5)
Teen FictionGrowing up insecure, Aurora firmly believes she does not suit someone as perfect as Maxwell. But with him continuing to love her despite her insecurities and fears, will Aurora finally choose to let Maxwell in--or will she keep pushing him away even...
