Chapter 06 part 2: The pretense of pretense

12.7K 986 298
                                    

***


First year, Culinary Arts
STU Foundation week, 3rd day

Task #1: At Confession Wall. Write something you like about each other.

'He's gentle.'

'He has a smile that makes my day better.'

'I just like her.'

"Tapos na 'ko, Aurora," untag ni Maxwell bago ko maramdaman ang paghawak niya uli sa kamay ko.

Mula sa mga notes na binabasa ko ay bumaling ako sa kanya. Nakaupo kami sa long table na laan sa mga magsusulat para sa Confession Wall.

"Tapos ka na?" Agad?

Wala pang five minutes mula nang bigyan kami ng ballpen at sticky note (na heart-shaped at palm-sized at ridiculously neon pink). How come he's already done? Ako nga, nag-iisip pa lang.

"Oo. Ikaw?" aniya. "Wala ka pang naisulat?"

Wala pa 'kong masulat dahil mahirap i-summarize 'yong mga gusto ko sa kanya. I like him for a lot of things I know about. But when I think about it, I already like him even before knowing everything that I know about. Kaya kung magiging honest ako... puwede ko bang ilagay na gusto ko siya sa mga dahilang alam ko at sa mga dahilang hindi ko pa alam? Hindi ba magulo 'yon?

"Pahintay sandali," sabi ko at tumungo sa note ko. Sa peripheral ko, nakita kong inabot ni Maxwell sa attendant 'yong note niya. Pagtayo no'ng attendant, nahiya na 'kong sundan ng tingin kung saan ikakabit 'yong note.

I'm bad at being nosy. I could have peeked earlier while he was writing, but a part of me was scared to be disappointed. After all, there's nothing to compliment about me. He must have written something short like I'm kind or I'm nice.

"May isinulat ka na?" untag ni Maxwell at sinubukang sumilip sa sticky note ko.

"Hey!" Iniharang ko ang katawan ko sa kanya. "Ang daya mo! No peeking."

"Pasilip lang," nanunuksong sabi niya habang malaki ang ngiti. "Hindi naman na 'ko mangongopya."

Why was he in a playful mood like this? Hu-hu.

"I didn't peek kanina, ah..." reklamo ko

"Bakit hindi? Hindi naman kita pipigilan kung sumilip ka. Gusto mong malaman kung ano'ng isinulat ko?"

Oo! But it felt uncomfortable to ask kahit na ino-offer pa niya 'yong information.

At bakit... parang flirty siya? Totoo bang parang flirty siya o imagination ko lang dahil kinikilig ako? Hu-hu.

"Uh... Ayoko naman, eh..." sabi ko.

"Ayaw mong malaman? Kahit puwede mong malaman?" tukso niya.

He must have written something about being nice. It's okay but... I shook my head. Sunod-sunod.

"Ayoko talaga! Ayoko talaga! Ayoko talaga! Don't tell me!"

Mahina siyang tumawa. "Sabagay. Maikli lang naman 'yong isinulat ko."

It's about being nice. I'm sure. He didn't have to tell me.

"Pero hindi generic. Pinag-isipan ko 'yon," dagdag niya.

What?! Anong hindi generic ang isinulat niya?!

Tumungo ako sa note ko. It's too late to say I want to hear it! Hu-hu.

"Sige na. Oo na. You didn't write something generic like I'm nice or I'm kind or whatever—"

"Oo. Hindi gano'n kababaw lang, Aurora."

Cliche (Candy Stories #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon