Chapter 12 part 2

9.9K 721 103
                                        

***

"Are you okay?" tanong ni Calyx habang nasa kusina kami.

Bahagya ko siyang nilingon. Napatunganga pala ako sa harap ng kawali. I was cooking linguine carbonara with Cal's help. Request ni Mommy. It's a Sunday at pupunta kami sa ospital.

"Okay naman..."

I couldn't manage to sound cheerful. I'm sure na halata rin sa mukha ko ang tamlay. I was worried and afraid since the night we went at the hospital. Kahit sinabi ni Dad na malaki ang chance ni Mommy to survive lymphoma, kahit sinabi ni Kuya na worrying won't help us, and even though I also know it really won't... but how could I not? Worrying is a parasite. For every hope, there is worry.

Nakapag-research na 'ko about lymphoma—causes, symptoms, treatments. Nagbasa about survivor's experiences. Still, nothing could erase the bad thoughts.

"Hindi ka mukhang okay," sabi pa ni Cal at lumapit. Sumipat siya sa mukha ko. "Ganyan ba ipapakita mong mukha kay Tita mamaya? Iiyak 'yon sa 'yo."

Sumimangot ako. Alam ko naman. Kung ang pangit ko na nga, mukha pa 'kong kawawa, lalong eyesore. "Siyempre mamaya... hindi na."

"Sigurado 'yan?"

Tumango ako. Nang magkatinginan kami, nagtagal ang mga mata niya sa 'kin bago magbuntonghininga.

"Alam kong makulit ka mag-isip at wala talagang makakapigil sa 'yo mag-worry. But it will help if you smile. Kahit mamaya lang. Kahit pagkatapos mong pagalitan si Mommy mo."

I pouted. Pagagalitan ko talaga si Mommy, 'kala nila. She's sick and she didn't even want us to know? How are we going to take care of her 'pag gano'n? Hindi naman siya makapagtatago forever sa ospital. She always takes care of us—mula sa maliliit na concerns hanggang sa pinakamalalaki. She always encourages us to do what we want to do; to find what we really like to pursue in life. Si Kuya na nag-Archi dati, sinuportahan niyang mag-shift ng major to Films kahit tutol si Dad. Ako na hindi alam kung ano ang gusto ko before, in-encourage niya to try any food-related course, tapos mag-shift na lang daw kapag nakita ko na 'yong gusto ko. Never niyang ipinaramdam sa amin ni Kuya na bawal kaming magkamali in choosing a path in life. She always guides us and loves us.

Dahil ba masyado siyang mabait, kaya ano... kaya binigyan siya ng sickness na gaya ng lymphoma? Kasi people say that if you're too good, you're put to a test. Gano'n ba 'yon?

"Au-au," tawag ni Calyx.

Nagtaas ako ng mga mata sa kanya. He was blurry with the tears welling up.

"Paiyak ka na naman..." malumanay na sabi niya.

A tear escaped. Mabilis niya iyong pinahid ng hinlalaki niya. He smiled a gentle smile at me.

"Iyakin."

"Heh."

Mahina siyang tumawa. Nagbuntonghininga naman ako at hinalo nang bahagya ang white sauce sa kawali.

"'Musta na? Matatapos na ba kayo rito?" untag ni Kuya Rius nang pumasok sa kusina. Nakabihis na siya, gaya namin ni Cal. Pinaiikot sa hintuturo niya ang susi ng kotse.

"Matatapos na, Kuya," sagot ko. "Mga five minutes siguro."

"Ilagay ko na sa food container 'yong linguine," sabi ni Cal at kumilos papunta sa cabinet kung nasaan ang mga puwedeng lalagyan.

" 'Yong microwaveable ang kunin mo," ani ko.

"Okay."

Habang naghahanda si Cal, lumapit naman si Kuya sa 'kin. Sinipat ang mukha ko. " 'Yong iyak mo, okay na rin ba? Mapipigilan mo na? Baka do'n ka umiyak kay Mommy."

Cliche (Candy Stories #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon