Chapter 11 part 2

8.6K 786 368
                                        

***

"Hi..." mahinang sabi ni Maxwell at umubo.

Binitiwan ko ang shutters na halos lambitinan ko na at maliit na kumaway sa kanya. Non-stop kaway. Mas malamlam ang mata niyang bahagyang namumula. Magulo rin nang kaunti ang buhok niya, na parang kababangon niya pa lang sa higaan at hindi nakapagsuklay nang maayos. Pagbaba ng mata ko sa tagiliran niya... "Uhm... Nasaan si Koko?"

Nagkatinginan kaming dalawa. Nahinto ang kaway ko. He looked like he was trying to make sense of my question.

"Uh, sabi kasi ni Kuya Warren... ilalakad mo raw si Koko ngayon 'pag nagpunta ka rito sa park," paliwanag ko.

"Ah, si Koko." Binasa niya ang labi niya. "Wala. Si Warren na lang daw magdadala mamaya."

Then, "Eh, bakit ka nandito?"

Maamo ang ngiti niya sa 'kin. "Bawal ba, Aurora?"

Umiling naman ako. Hindi naman bawal pero, "'Kala ko lang, pupunta ka lang kapag ipinasyal mo si Koko."

"Sabi ni Warren, mag-isa ka lang dito sa tindahan, eh." Inangat niya ang plastik na bitbit niya. "Nagpadala si Auntie ng cheesecake. 'Tapos, samahan daw kitang magmeryenda."

Napalunok ako. Sasamahan niya 'kong... magmeryenda? Sabi ni Auntie? Bakit? Gusto kong tanungin kaso baka ang isagot uli sa 'kin ay "Bawal ba?" Hu-hu.

"Nagsasara ka na ng tindahan?" untag niya sa pananahimik ko. "Maaga pa, ah."

"Uh..." Nilingon ko ang shutters na pilit ko sanang ibinababa kanina. Yes, nagsasara na 'ko para umiwas sa kanya. Pero inabutan niya 'ko kaya... ano na'ng ginagawa ko? "Hindi ako nagsasara."

Mataman siyang nakatingin sa mukha ko. "Hinihila mo kasi 'yong shutters."

Nakita niya pala. Umiling ako, kahit dapat hindi.

"Hindi mo hinihila?" aniya.

"Uhm... May ipis kasi. May inaalis akong ipis. Bawal sa store."

"May inaalis kang ipis... sa shutters."

It looked like he was following my lie, but my lie... was lame. Hu-hu. Pa'no 'pag may nakita kaming totoong ipis? Eh, takot ako sa ipis? Hu-hu.

" 'Yong ipis na 'yon?" tanong ni Maxwell at tumuro sa paanan ko.

Napatungo agad ako. Totoo nga. May mataba, malaki, at itim na itim na ipis na naglalakad. Gumagalaw-galaw ang wings niyon na parang lilipad. Hindi ako makagalaw. Umakyat ang ipis sa paa ko. Hu-hu. Naka-sandals lang ako.

"Aurora? Okay ka lang?" alanganing tanong ni Maxwell.

Tumango ako. Hindi ako makahinga at hindi makagalaw habang tumatawid pa rin ang ipis. Nararamdaman ko ang talas ng galamay niyon sa paa ko. Yucky.

"Sigurado ka?"

Umakyat ang ipis sa kabilang paa ko. Kay Maxwell na lang ako tumingin para mabawasan ang diri at takot ko.

"Wala na 'yong ipis, Aurora. Puwede ka nang... ano, huminga," sabi niya.

Suminghap ako ng hangin. Hu-hu. Hinabol ko ng matalas na tingin ang eksenadorang ipis. I hate you, ipis!

Tumikhim si Maxwell. Hindi na ako makatingin. He's not dumb so he'd know I lied. Kung hindi naman, he'd know that I was scared of the thing.

"Samahan kitang magbantay rito... kung okay lang," sabi niya. "Tagapatay mo na rin ng ipis 'pag meron uli, gaya no'n."

Hindi okay sa 'kin. Pero pa'no ko siyang itataboy kung ganitong may sakit siya? How, when he looked almost pleading? Titiis ko na lang uli 'yong kaba ko.

Cliche (Candy Stories #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon