Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte

Chapter 05 part 2: When I want you to look at me

13.9K 1.1K 277
                                    

***

First year, Culinary Arts
August, last week
STU Foundation week, 3rd day

Wala si Maxwell nang second day ng festival. Calyx and I spent it visiting colleges on the north side of STU. Nakasabay pa namin 'yong grupong lagi niyang kasama. Ilang ulit tuloy akong umasa na bigla siyang susulpot.

Pagdating namin ni Cal sa school on the third day, bawas na ang excitement ko. Karamihan naman kasi sa mga pakulo sa colleges ay para sa couples o 'di naman kaya ay sa mga may crush na gustong mag-confess. May ilang gimmicks para sa mga bagong break-up at sa mga bagong basted. Mayro'n din sa mga single. Kaso, wala ako sa alinmang category. May crush ako pero walang balak umamin. I was waiting for the feeling to quietly expire after I had my time with it. Hindi rin komportableng manood sa mga bagong break-up o bagong basted. It felt wrong to intrude and prod on their pain and feelings. Bitter pa 'yong iba. At 'yong iba, halatang confused. Hindi rin naman ako qualified sumali sa pakulo for singles. Ugly girls like me could only watch other girls get attention.

Expected ko nang snooze day ang third day. Unless makita ko si Maxwell.

"Sa'n mo gustong pumunta ngayon?" untag ni Cal sa'kin.

Nasa room kami, munching on twister fries.

"Nakita na natin most sa mga colleges, eh." Nagkibit-balikat ako. "Ikaw? May gusto kang puntahan?"

Ilang sandali siyang nag-isip. Pinanood ko ang pagkunot ng noo niya at pagkibot ng labi. Calyx is the brooding kind of handsome. He looks serious and snobbish most of the time, lalo na 'pag nag-iisip. Parang bawal biruin. But he's actually gentle and protective of me.

"Ang tagal namang mag-isip..." pasakalye ko.

Mahina siyang tumawa. "Halata kasing tinatamad ka. If you want—"

Ilang katok ang nagpatigil sa pagsasalita ni Cal. Sabay kaming lumingon sa tatlong estudyanteng nakabihis-militar sa pinto ng lecture room. Tumungo agad ako at itinakip ang buhok ko sa mga pisngi ko.

"What is it?" tanong ni Cal nang tumayo.

Pumasok ang tatlo sa silid. "Kayo po ba si Calyx Abram Cervantes? First year, Culinary Arts student?"

Nagsalubong ang kilay ni Calyx. Nag-angat naman ako ng tingin sa mga marshals.

"Oo, ako. Sa ano 'to?" aniya.

"Sumama po kayo sa'min. Kailangan n'yong sagutin ang mga complaints sa inyo," sabi ng isa sa kanila.

I gaped when I remembered where I had seen them! Sa College of Law! May nagdemanda kay Calyx! O.M.G!

I tugged at Calyx's sleeves. "Sa Sue Your Crush 'yan! Sa Sue Your Crush!"

Gusot pa rin ang mukha niya sa kawalan ng gets.

"Sa Sue Your Crush sa College of Law!" malapad ang ngiting sabi ko. "May nagdemanda sa'yo!

"What?" aniya nang makaunawa. Bumaling siya sa mga marshals. "Ano 'yong mga complaints? Baka puwedeng dito ko na sagutin."

"Kailangan n'yong sumama sa'min, Sir," malagom ang boses na sabi ng isa pa. In-character talaga siya, eh. Hinuhuli talaga si Cal! Oh my God!

May hawak na ilang papel ang isa sa kanila kaya ako ang nagtanong. "Pero ano po 'yong mga complaints? Baka puwedeng malaman?"

Tumikhim ang marshal na may hawak ng papel. "Basahin ko sa inyo ang ilan, Sir." Humor danced in his eyes when he read from the complaints. "Huminga ka lang, kinikilig na 'ko. Panagutan mo 'ko."

Hinampas ko sa braso si Calyx. "O.M.G!"

"You're intruding at my dreams at night. Nale-late tuloy ako 'pag papasok sa school," patuloy pa.

Dumami ang hampas ko kay Calyx. He looked so annoyed by what he was hearing. Nakakatuwa naman kaya.

"Takbo ka nang takbo sa isip ko. Runner ka ba?"

I giggled. "O.M.G! You're really being sued!"

He grunted. "Kung sasama ako sa inyo, puwede bang kasama rin si Aurora?"

Kinagat ko ang labi ko sa pagpipigil ng ngiti. Hindi ako maka-move on sa cheese ng complaint. I wanted to hear more!

"Marami kayong complaints na sasagutin, Sir," sabi no'ng isang marshal.

"Okay lang?" baling sa'kin ni Calyx.

"Okay lang naman," sagot ko. "I kind of want to hear other complaints."

"Tara?"

Tumango ako.

Kasabay na kaming naglalakad palabas ng tatlong marshal nang may sumalubong na apat pang marshals na iba ang uniform. Nagkatinginan sila bago mapatingin sa'kin. Kinabahan naman ako.

No way. Imposibleng sa Sue Your Crush din sila tapos may nag-complain din sa'kin.

"Sandali lang, Ma'am. Kayo po ba si Kimara Aurora Arranza? First year, Culinary Arts student?" tanong ng nag-iisang babae sa kanila.

Napatingin ako saglit kay Cal. Imposibleng Sue Your Crush din 'to! It's outrageous!

"Yes po..." maliit ang boses na sabi ko. Gusto kong sumiksik at magtago sa tagiliran ni Calyx, lalo na nang maglabas ng papel ang babae.

"Iniimbitahan po kayo sa Dating Authority para pumirma ng kasunduan sa pakikipag-date."

Napakurap ako. If they're the Dating Authority... sa College of Business sila. They're asking me to what? "Po?"

"May kontrata pong naghihintay sa inyo at kay Ginoong Maxwell Tejeron."

"Ano?" singit ni Calyx. Humawak siya sa braso ko. "Nandito ba si Maxwell ngayon?"

"Hinahanap na rin po namin para hulihin," sabi ng isang lalaki mula sa Dating Authority.

Suminghap ako ng hangin. Hindi ko pa nakikita si Maxwell mula kanina. Wala naman siguro uli siya ngayong araw. I shouldn't be too tensed. Kung sinumang naglalaro sa'min para ipatawag kami sa Dating Authority, siguradong madi-disappoint.

"Sir, kailangan na nating umalis. Tambak ang complaints sa inyo," sabi ng isa sa mga marshals sa Sue Your Crush.

"Sandali lang..." si Cal.

"Okay lang ako," sabi ko kanya. "Sumama ka na muna sa kanila. Sasama na rin muna ako sa Dating Authority. Malamang naman, wala si Maxwell ngayon. Pupuntahan na lang kita sa College of Law."

Cal didn't look convinced.

"This is better than a snooze day," nakangiting sabi ko sa kanya. "Sige na."

"Mag-text ka sa'kin 'pag papunta ka na," aniya.

"Yep."

Kumaway ako nang isama siya ng marshals ng Sue Your Date. Pagkatapos, humarap naman ako sa marshals ng Dating Authority.

"Uhm... pa'no 'pag wala si Maxwell today? We could cancel the contract and then, pakakawalan n'yo na 'ko, 'di ba?" alanganing tanong ko sa kanila. Napapakuyom ako sa skirt ko dahil ang sidhi ng tingin nila sa'kin. They must be wondering why I was picked for a dating contract.

"Sandali lang, Ma'am," sabi ng babae at kinuha ang cellphone nito sa bulsa. Dumutdot ito roon bago nakangiting bumalik sa'kin. "Don't worry, Ma'am. Nasa office na raw po ng Dating Authority si Maxwell Tejeron. Kayo na lang ang hinihintay."

I caught my breath. Bakit hindi siya absent?

Oh. My. God.

++723u / 02022019

_________

TCWDM: Maikli muna cause I babysat the whole day yesterday. And then, may family lakad today. Gumising lang ako nang madaling-araw to double check what I wrote last night and post this. Have a nice day ~

icon lock

Ipakita ang iyong suporta para kay Eloisa Madrigal, at magpatuloy sa pagbabasa ng kuwentong ito

ni Eloisa Madrigal
@TheCatWhoDoesntMeow
Growing up insecure, Aurora firmly believes she does not suit someone...
Bilhin ang bagong parte ng kuwentong ito o ang buong kuwento. Anupaman, ang iyong Coins ay makatutulong sa mga manunulat na kumita mula sa mga paborito mong kuwento.

Ang kuwentong ito ay may 60 natitirang bahagi

Tingnan kung paano masusuportahan ng Coins ang iyong mga paboritong manunulat gaya ni @TheCatWhoDoesntMeow.
Cliche (Candy Stories #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon