TCWDM: Powered by pansit ng Budol Inc. Thank you ~
***
"No, hindi pa kami nagkikita ni Mino."
Nadatnan ko si Reeve na nasa counter ng Le Bon Apetit. Naka-apron na siya pero wala pang nagagalaw sa mga ingredients na dapat niyang ihanda. Dahil siguro sa kausap niya sa cellphone.
Tumango ako sa kanya at pumasok sa kitchen. I need to bake now and finish early.
"What do you need so I can help with your mood?" Reeve chuckled. "Oh, a chef. Someone to be with that girl Aurora?"
Napasulyap ako. Baka si Kylie ang kausap ni Reeve, 'yong businesswoman na may-ari ng magazine kung saan ko nakita ang pangalan ni Aurora. Malakas ang kutob kong si Aurora ko ang Aurora sa recommendation articles. Lumapit ako. Nawirduhan yata si Reeve dahil nangunot ang noo.
"I see. I'll look for someone and get back to you before lunch," sabi niya sa kausap bago putulin iyon at ibaba ang phone sa counter.
"Recommend mo 'ko," sabi ko kay Reeve.
"Recommend for what?"
"I thought you need someone to recommend," ani ko.
Nangiti siya. "You don't even have an idea kung sino'ng kausap ko."
"Si Miss Kylie, 'di ba?" Kasi ang ganda ng ngiti niya. Pero hindi ko na binanggit.
"May idea ka kung ano'ng trabaho o kung saan?" ani pa.
"Anything is fine," sabi ko. "'Wag ka nang maghanap ng iba. Recommend mo 'ko."
Nailing siya habang natatawa. "Got it."
Mahirap hanapin ang taong nagtatago. Mas mahirap, 'yong ayaw akong makita. Lugi kasi gustong-gusto kong makita si Aurora. Wala naman siya sa social media sites. Kaya kung hindi ako pakalat-kalat sa labas ng university nila, nagba-bike ako minsan malapit sa bahay nila. Gusto ko lang masulyapan siya kahit sandali. Kahit dulo lang ng buhok niya. Pero madamot ang timing.
After college, nagkaroon ako ng chance na makapag-aral pa uli sa New York. Sa isang competition, nakilala ko ang mga chef ng Le Bon Apetit at kinuha akong pastry chef nila. Nagpaplano pa lang ako kung pa'no hahanapin uli si Aurora nang magpaasa ang timing isang araw. Sa mismong resto, may magazine ng Savory kung saan ko nakita ang pangalan niya.
Isang araw pa uli, nang kailangan ng chef na makakasama ni Aurora sa pagre-review ng mga resto para sa magazine, nakabalik ako sa buhay niya.
Kabado ako habang nakaupo sa lounge ng office. Nang marinig ko ang pagbukas ng elevator, higit ko na ang hininga ko. I watched in slow motion when Aurora walked gracefully towards the lounge. Preoccupied siya.
Tumayo ako. "Good morning, Aurora."
She looked like a deer caught in headlights when she looked at me. There was that fear in her eyes again. Ngumiti na lang ako.
"Are you okay, Aurora?" Kasi ako, hindi okay. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at parang matutunaw ako sa tuwa dahil nakita ko na uli siya pagkatapos ng maraming taon.
"Bakit kasi ang aga mo?"
Ang talas ng pagkakatanong niya, pero masyado akong masaya para masaktan.
"Maaga lang nagising." Pero hindi talaga ako nakatulog. Madaling-araw pa lang, nakaligo na 'ko. Palakad-lakad ako sa buong bahay na nasita ako nina Jacob at Auntie. Pati si Koko, tinahulan ako nang maistorbo sa pagtulog.

BINABASA MO ANG
Cliche (Candy Stories #5)
Teen FictionGrowing up insecure, Aurora firmly believes she does not suit someone as perfect as Maxwell. But with him continuing to love her despite her insecurities and fears, will Aurora finally choose to let Maxwell in--or will she keep pushing him away even...