TCWDM: Thank you for waiting. Enjoy ~
***
First year, Culinary Arts
August, third week
STU"Matagal ka pa diyan?" tanong ko kay Cal na kausap ko sa cellphone.
"Oo. May kausap pa si Dean, eh. Maya-maya pa 'ko makakababa diyan sa lab. Bakit?"
Napalabi ako sa tambak ng mga trays, sangkalan, kutsilyo, measuring cups, kaldero, at bowls sa laboratory. Nag-practical exam kami at may sobrang mga gamit na kailangang ibalik sa Lab 2 at Lab 3. Ako ang naka-task na mag-log ng mga 'yon at magbalik. Kaso... nahihiya ako. Tadtad kasi ako ng acne. Magkakatabi 'yong iba, magkakapatong 'yong iba. Bukol-bukol ang mukha ko. Kahit takpan ko ng mahabang buhok ko, mahahalata.
Baka tawagin na naman akong microbe at bacteria ng ibang block. 'Yon ang nickname nila sa'kin.
"Uh... wala. Sige. Text mo na lang ako 'pag tapos ka na diyan. Tapos..." Kusa akong nahinto sa pagsasalita. 'Pag sinabi ko kay Cal na bilisan niya, baka maramdaman niyang may kailangan ako at hindi na niya kausapin ang Dean. Baka importante ang sasabihin sa kanya, sayang naman. "Basta, hintayin kita."
"Sige, Aurora. Kung hindi ka komportable diyan sa Lab kapag nagkatao, sa room na lang natin o sa library ka maghintay. Ite-text kita 'pag tapos na 'ko rito," sabi niya.
"Okay."
Nang matapos ang pag-uusap namin ni Cal at ibinalik ko sa shoulder bag ko ang cellphone, napatanga na naman ako sa mga cooking utensils.
Lately, laging ako ang inuutusan na mag-log at mag-endorse ng mga gamit sa Lab. Mababa kasi ang grades ko 'pag may practical exam. Tingin ko, dahil sa acne ko. Ilang ulit na 'kong nasabihan ng mga professors to do something about my face. 'Yong iba sa kanila, tuwirang sinabi na hindi magandang tingnan 'yong mga acne ko para sa isang nagha-handle ng pagkain. 'Yong iba naman, concern sa health ng skin ko. Outrageous naman kasi talaga. Nagbubukol at nade-deform ang mukha ko. Nabutas na rin. Tapos, sabay-sabay silang lumalabas.
Sabi ni Mommy, magpa-derma raw ako. Magpapa-schedule na sana kami sa bagong derma clinic na nakita niya, kaso busy na sa school. Kapag nagte-treatment kasi ako, maraming bawal na pagkain at substance sa'kin. Kailangan ding mag-rest ng skin ko. Dahil do'n, tuwing summer lang ako nakakapagpa-treat. Pero all year-round ang acne ko.
Nag-check ako ng oras sa cellphone. May isang oras pa bago 'yong kasunod na exam sa Lab 2. Baka makabalik si Cal bago 'yon pero mas malamang na hindi. Puwede siguro akong magpatulong sa iba naming kaklase.
Umalis ako sa pagkakasandal sa counter bago lumapit sa pinto ng Lab. Sumilip muna ako sa corridor at nang masigurong walang tao ay saka lumabas.
I walked with my head down. Nasa dulo sa second floor ang room ng block namin.
Nasa paanan pa lang ako ng hagdan para umakyat nang mapaangat ako ng tingin at makitang pababa naman si Maxwell. Nagmamadali siya.
Napatanga ako.
He shouldn't see me! Not with my face like this!
Ilang linggo na 'kong huminto sa pagsabay sa taxi niya dahil sa paglitaw ng mga taghiyawat ko. Hindi puwedeng 'yong kasunod na moment ay ganitong mukha akong mikrobyo.
My brain froze in trying to think about how to hide. Nang mas luminaw ang tunog ng yabag niya palapit, umabot ako sa locker ng mga apron na nasa tagiliran ng hagdan at pikit-matang pumasok sa loob.
Kahihinga ko pa lang ako nang malalim dahil akala ko nakapagtago ako sa kanya nang bumukas ang pinto ng locker, magkagulatan kami, at pumasok siya sa loob.
BINABASA MO ANG
Cliche (Candy Stories #5)
Roman pour AdolescentsGrowing up insecure, Aurora firmly believes she does not suit someone as perfect as Maxwell. But with him continuing to love her despite her insecurities and fears, will Aurora finally choose to let Maxwell in--or will she keep pushing him away even...
Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte