***
Maliit akong kumaway kay Maxwell. Na failed dahil hindi naman niya nakita sa siwang na ginawa ko. He still smiled nonetheless.
"Uhm... Nandito ka pala..." sabi ko.
Peace of mind at tulog ang gusto ko kaya ako nagpunta sa sleeping booth. But Maxwell means ligalig and kilig. Parehong bagay 'yon na hindi ko mapakisamahan. Gaya ngayon, sobrang tuliro ng tibok ng puso ko. Hindi ko rin alam kung ano'ng sasabihin sa kanya. I was surprised, happy, and bothered, all at the same time. Gusto ko siyang nakikita nang ganito kalapit... pero natatakot din ako.
"Nagtatago lang," sagot niya sa 'kin.
Pumagitan ang katahimikan sa aming dalawa. Na-awkward ako sa palitan namin ng sulyap at sa pagkapaso every time.
"Bakit ka nagtatago?" I whispered. Baka marinig ng officer sa labas ang pag-uusap namin, lagot kami. Baka palabasin kami pareho.
"May naghahanap sa 'kin para sa Dating Authority at sa Sue Your Crush. Eh, gusto ko lang namang mag-food trip," mahina rin ang boses na sagot niya.
Halos walang tunog ang pagtawa ko. Nakatingin siya kaya hindi ako nakatingin sa kanya. "Wait... uhm... So, may nakakaalam ba na nandito ka? Nakita ka ng mga marshals? O hindi?"
"Nakita na 'ko. Tinakbuhan ko lang."
I couldn't imagine him running away from them. Hindi lang iisa ang nagma-marshal minsan. "Hindi ka hinabol?" Kasi kung hinabol siya ng parehong Dating Authority at Sue Your Crush, then he was outnumbered. Mahihirapan siyang umiwas at magtago sa kanila.
"Hinabol ako hanggang dito. May immunity 'tong booth sa mga dating booth."
Nanlaki ang mata ko. "Really?" I tried my best to keep my voice low, kahit gulat ako. "How?"
"May mga nagreklamo raw last year how they were stuck sa DA at SYC booth. Kaya this year, may bagong rules. Kapag nakipag-contract dating na sa Dating Authority any day during foundation week, hindi na puwedeng umulit."
Oh. Then that means he couldn't date anymore since he dated Celine yesterday. Bakit pa rin siya nagtatago sa kanila?
"Sa Sue Your Crush, kapag nakatanggap ng more than 20 complaints, pipili na lang ang complainee ng imi-meet o ng ika-counter sue. Hindi na kailangang sagutin lahat," dagdag niya pa. " 'Tapos may mga booth din na humingi ng immunity from other booths. Isa 'tong Tara, Tulog! sa may immunity. Kapag nandito ang complainee, hindi puwedeng puwersahing sumama sa booths nila."
"That's why you're hiding here," ani ko.
"Yes."
Napatango-tango ako. "Wait... Kung may immunity 'tong booth sa Sue Your Crush, then I should tell Calyx! Puwede siyang magtago rin dito," napalakas na sabi ko. "Let me call him."
Kukunin ko pa lang ang cell phone ko sa basket sa tagiliran ko nang...
" 'Wag na."
Napatingin ako kay Maxwell. Did he say...
" 'Wag mo na siyang sabihan, Aurora," mas tiyak na sabi niya. "Kaya na niyang sarili niya ro'n."
"But..."
"Saka wala nang bakante rito sa booth," aniya pa.
Parang meron naman kanina. I saw, eh. There were vacant beds pa. But I couldn't correct him, because... whoa... his smile.
"Saka kung nasa Sue Your Crush na siya, hindi na siya basta makakaalis do'n," dagdag pa niya.
"But... shouldn't I, at least, tell him?"
BINABASA MO ANG
Cliche (Candy Stories #5)
Novela JuvenilGrowing up insecure, Aurora firmly believes she does not suit someone as perfect as Maxwell. But with him continuing to love her despite her insecurities and fears, will Aurora finally choose to let Maxwell in--or will she keep pushing him away even...
