***
It was five nang magpaalam sina Maxwell. Sina Calyx at Kuya Cloud naman, six. Hinintay lang namin ni Kuya Rius sina Dad at Manang Thelma sa ospital, bago kami umalis. Ihahatid ako ni Kuya sa grocery store na malapit sa subdivision namin, bago siya tutuloy sa overnight thing niya sa office nila.
"Okay ka lang ba mag-isa sa bahay? Madaling-araw na 'ko uuwi," sabi ni Kuya sa 'kin.
I was holding my phone, checking my social media accounts. Sa twitter, everyone's concern about gifts for Christmas. Si Celine, ang daming natanggap na gifts from unknown senders. Sina Lil nanunukso na baka may bigay raw si Maxwell do'n. Walang twitter account si Maxwell kaya siguro hindi nakasagot. Isa pa, wala naman sa nature ni Maxwell ang magbigay ng regalo anonymously. Or. . . mali ba 'ko?
Sumulyap ako sandali kay Kuya habang nagbubukas naman ng facebook account ko. Mula kanina ay concern na silang lahat na mag-isa lang ako sa bahay. There's no problem naman with being alone. I could just open all the lights in the house and play movies or some music, if ever I got scared of multo. Saka, may Christmas ghost ba?
"I'll be okay, Kuya. Basta mag-text or tumawag ka lang 'pag hindi ka uuwi."
Seryoso ang mukha niya habang nasa manibela. I wanted to ask about that thing in their office, kasi pakiramdam ko, hindi naman talaga ro'n ang punta niya. I'm sure kasi na if it's something he could skip, he'd skip it. Kahit pa related sa work. But if it's about Ate Chelley, he'd be there.
"Ano 'yon?" tanong niya nang mapasulyap sa 'kin. "May itatanong ka?"
Umiling ako. "Nothing."
"Pagkabili mo ng kailangan sa grocery store, umuwi ka agad, ah."
"Of course." It's not like I have other places to go pa.
"Mag-text ka sa 'kin 'pag natakot ka sa bahay."
"Why?" I asked. "Uuwi ka?" But I doubt it.
"Hindi. Sasabihan ko si Calyx na samahan ka."
Sumimangot ako. Hindi ko na nga sinabi kanina kay Calyx na mag-iisa lang ako sa bahay para hindi siya maistorbo. Siguradong mag-o-offer siya na samahan ako, kahit na mabo-bore lang siya. I'm already asking a big favor from him in helping me plan our Christmas celebration at the hospital. I don't want to take too much time pa niya.
"I'll be okay. 'Pag need ko talaga ng kasama, ako na lang tatawag kay Cal."
"Sige."
I was browsing my facebook account when I saw post after post of birthday greetings for Maxwell. I couldn't believe it. Nawala sa isip kong birthday niya today! I was too focused about our first Christmas sa ospital na nakalimutan kong araw niya ang December 23! And he went at the hospital kanina, pero ni hindi ko siya nabati.
Nakagat-kagat ko ang kuko ko.
"Ano problema mo? Ba't kinakain mo kuko mo? 'Di ka mabubusog diyan," natatawang sabi ni Kuya.
"Nothing." But I was screaming in my head. I'm the problem! Nakalimutan kong birthday ni Maxwell! I should have gotten him anything of value or of use.
"Sigurado ka? Baka maubos mo kuko mo. Hindi ko puwedeng ipakain sa 'yo ang kuko ko. Kakaunti lang din 'to."
Masama akong tumingin kay Kuya. Is he trying to crack a joke? Tatawa-tawa lang siya.
"'Kala mo ba funny 'yon?" ani ko.
"Funny 'yon," sure na sagot niya.
"It's not po."
But he just chuckled. Nakarating na kami sa grocery store. "Baba ka na, Prinsesa," aniya. "Tawagan mo 'ko 'pag may problema."
I was still biting my nails when I unbuckled my seatbelt.

BINABASA MO ANG
Cliche (Candy Stories #5)
Teen FictionGrowing up insecure, Aurora firmly believes she does not suit someone as perfect as Maxwell. But with him continuing to love her despite her insecurities and fears, will Aurora finally choose to let Maxwell in--or will she keep pushing him away even...