***
Aurora:
Malapit na po kami ni Dad.
Marami bang tao sa inyo?
Itinago ko ang labi ko para mapigil ang malapad na pagngiti. Kanina pa 'ko tinutukso rito sa bahay, eh. Alam kasi nilang pupunta si Aurora para ipakilala ko sa kanila.
Maxwell:
Kami-kami lang po. Don't worry.
Aurora:
Nandyan sina Kuya Warren at Kuya Jacob?
Maxwell:
Nandito po. ^^
Nakaupo pa nga sa sofa malapit sa 'kin at binabantayan ang expression ko. Psh.
"Kilig na kilig ka, ah," sabi ni Warren habang hinahagod sa ulo si Koko.
Hindi ko pinansin.
Si Jacob, lumapad ang ngiti. "'Wag mo nang pigilan ngiti mo. Nakikita sa buong pagkatao mo 'yong kilig."
Mahina silang tumawa. Si Koko, tumahol nang isa habang nakatingin sa 'kin. Nakikitukso.
"Behave ka mamaya kay Aurora, ah," sabi ko kay Koko.
Tinalikuran ako at dumikit sa paa ni Jacob. Psh. 'Tapos 'pag gutom, sa 'kin magpapaawa dahil hindi nagluluto si Jacob. Psh.
Nang makarinig kami ng ugong ng sasakyan sa labas, ang bilis kong nakatayo mula sa sofa at nagtungo sa pinto. Nakasunod ng tingin ang lahat, kasama na sina Jepoy at Ivan na nakaupo na sa nakalatag na mesa sa labas.
Huminto ang sasakyan sa bungad at maingat na bumaba ro'n si Aurora at ang daddy niya. May dala silang boxes. Sumalubong ako, pati na sina Jepoy.
"Salamat po sa pagpunta, Tito," sabi ko kay Tito Herman.
Ngumiti lang siya bago bumati kay Auntie na nakasilip na sa pinto kasama sina Warren at Jacob.
Tumuon ako kay Aurora at sa hawak niyang maliit na box. Naka-pink na dress siya, pero mas pink ang pisngi niya sa hiya. Halos magtago siya sa tagiliran ko.
"Hello, princess," bati ko.
"D-don't call me princess . . ." Halos out of breath siya. Malikot ang mata niya sa pagche-check ng mga tao sa paligid. "Do I look . . . uh, okay?"
"You're beautiful today, too," sabi ko.
She tch-ed. "Why did I even ask you? To you, I'm always beautiful."
Alam naman pala niya. "Oo nga. Pero 'wag mong subukang tanungin sina Warren o Jacob, kasi hindi sila magagandahan sa 'yo. Nagagandahan lang sila sa mga girlfriends nila, 'tapos tablado na 'yong ibang tao."
She giggled. "And you're just like them . . ."
Nagsimula kaming maglakad papunta sa bahay habang nakatingin ang lahat. Hindi ko pinansin ang panunukso sa mga mata nila. Na malamang ay mapapansin ni Aurora at io-overthink niya mamaya.
"Hindi ako gaya nila. Sa 'kin, ikaw lang ang maganda, 'tapos tablado na ang lahat ng living things," sabi ko.
Mahina uli siyang tumawa.
Tumigil kami sa mahahabang table kung saan nakaipon ang mga nasa compound. Nakahain na roon ang handa at pulutan para sa birthday ko. Nakaayos ang mga bote ng alak, at nakalapag ang microphone ng videoke na pag-aagawan mamaya nina Tito Louie at Tito Herbert.
Sa isang mesa, magkakasama sina Jacob, Warren, Jepoy, at Ivan habang nakatingin sa amin. Nasa katabi lang ang mga girlfriends at asawa nila na nagkukukot na ng pagkain. Ang dad ni Aurora, nakaupo na rin kausap ni Auntie habang pasulyap-sulyap sa 'min. Kahit si Koko, attentive sa tabi ni Jacob.
BINABASA MO ANG
Cliche (Candy Stories #5)
Genç KurguGrowing up insecure, Aurora firmly believes she does not suit someone as perfect as Maxwell. But with him continuing to love her despite her insecurities and fears, will Aurora finally choose to let Maxwell in--or will she keep pushing him away even...
