Wattpad Original
Mayroong 9 pang mga libreng parte

Chapter 01: You again

44K 1.5K 316
                                    


***

"Nope, not available. I'm busy."

Ibinaba ni Miss Kylie ang telepono sa cradle nito bago ituon ang matalas na mga mata sa'kin. Halos nakasimangot siya but her seemingly glary eyes on me is her natural, non-judgmental stare. Pero dahil hindi na 'ko nasanay, kumabog pa rin ang dibdib ko.

"Are you done with the article?" aniya.

"Yes po. I emailed it to you kaya lang hindi n'yo pa yata nakikita." Which isn't surprising. Miss K, aged thirty-one, runs two magazines, two restaurants, and one PR company. Ako, aged twenty-three, ay humble employee lang niya.

I work as a writer for Savory (a magazine about food and lifestyle) and a reviewer for Bon Apetit! app. It's a mobile application that lists, reviews, and recommends restaurants and shops. It also connects to delivery hotlines.

"Hard copy," aniya at inilahad ang kamay sa'kin.

Iniabot ko ang prints ng tatlong articles na assignment ko sa Savory. Pare-parehas lang na tungkol sa nagdaang Food Expo ang laman niyon pero magkakaiba ang focus. I covered the three-day long event.

Inilapag niya sa tambak ng papel sa mesa niya ang iniabot ko bago ibalik ang mata sa laptop niya. "I'll read it later."

I actually needed her to read my articles now. Six in the evening na. Karamihan sa mga tao sa opisina ay nakauwi na. Ako na hinihintay ang review niya sa article at iilan na adik sa overtime ang naiiwan. I have a six-thirty appointment sa dermatologist ko na kapag hindi ako nagmadaling umalis ay mami-miss ko. Na naman.

"Actually, Miss K—"

"By the way, did you receive your schedule for the resto review next week?"

May natanggap akong schedule para sa mga resto na kailangan kong puntahan for food reviews pero hindi ko pa nabasa talaga. It's weekend. Nasa pagpapahinga na ang isip ko.

"There's been a change in the schedule," patuloy niya. "I know na sa Lunes dapat 'yong isang review pero bukas lang available 'yong isang resto. Is it okay for you to work tomorrow?"

Actually, hindi. Part 2 ng session ko sa derma bukas. Sinabihan na 'kong kailangan kong mag-stay indoors after it to prevent despicable break outs. I've been battling pimples, acne, and break outs since puberty and I'm almost winning. Nasasabotahe lang madalas ng mga biglaang work hours, gaya ng pinag-uusapan na naman namin.

"Ano po kasi..."

"I couldn't arrange for another date para sa review," dagdag niya.

Okay lang naman kahit na walang ibang date. May isa pa namang nagha-handle ng reviews bukod sa'kin—si Pau. May on-call Chef din kami na kasama—si Chef Mino.

"Uhm... si Pau po?"

"Pau is resigned."

Napatanga ako. Resigned? Hindi man lang resigning? Kasama ko lang si Pau kahapon. Nitong umaga, ang sabi lang sa'kin ay hindi siya papasok dahil masama ang pakiramdam niya. Bakit at paanong resigned? "Kailan pa po?"

"Kanina lang. She told me over the phone. She's pregnant and been to the doctor. Pinagbe-bed rest daw siya."

I couldn't fully grasp the news.

"May boyfriend po si Pau?" ani ko.

Miss K looked at me thoughtfully. "I actually didn't know. Hindi mo rin ba alam?"

Umiling ako. Dalawang taon na kaming magkasama sa trabaho ni Pau at tatlong taon na siyang dumadaldal sa'kin pero wala siyang nabanggit minsan man tungkol sa boyfriend. Akala ko, ayaw niya sa relationships gaya ng karamihan sa strong, independent women ng company namin.

Cliche (Candy Stories #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon