Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte

Chapter 03 part 2: In my eyes, there's always you

15.8K 1K 290
                                    

***

"This is the last for today," sabi ni Maxwell nang ilapag ang malaking plato ng maliliit na cuts ng fruit cake, cheesecake, truffle, ganache, crepes, at cups ng coffee jelly at chocolate mousse. Nakahiwalay ang isang pie tin na may lamang parang cookie. May ice cream iyon sa ibabaw.

"Ano 'to?" tanong ko habang tinitingnang mabuti ang pagkain sa pie tin.

"Chocolate panookie," aniya. "That's my specialty. Let's eat it first. Mas masarap 'yan 'pag bagong luto."

I nodded and dug into the panookie. May chocolate filling 'yon sa loob. Abala na 'ko sa pagnguya nang bumalik si Maxwell sa counter at nagdala ng kape sa table namin.

"How is it?" aniyang inilagay sa kanan ko ang mug ng kape.

Panay ang tango ko sa pagnamnam sa panookie. "Ang sarap nito. 'Pag ire-reinvent mo 'to, puwede kayang fruit panookie? Like strawberry or blueberry?"

Itinukod niya ang mga braso niya sa mesa sa panonood sa'kin. "Sige. Susubukan ko 'yong strawberry o blueberry. Tikman mo kapag nagawa ko."

Uh... I didn't suggest the fruit panookie to taste it for him. Ipatikim niya sa baby niya.

"Kapag may time," sabi ko.

"There will be time. Magkasama tayo two to three times a week para sa reviews, sabi ni Reeve."

That's true. Kung walang makukuha agad na kapalit ni Pau, ako lang ang maiiwan sa reviews para sa Bon Appetit! app. It's an impossible job for one person. Hindi ko kakayaning mag-isang pumunta sa mga resto, kumain maghapon, at maging functional hanggang kinabukasan. I have a big appetite but we need someone like Maxwell's.

'Yong mga dishes lang na naubos namin ngayon, kahit pang-isahang serving lang lahat, masasayang 'yon kung hindi siya kumain. He has an enormous appetite, it's unfair. He looks the way he looks and yet he could eat for twenty persons. Samantalang ako, malaki man ang bodega ko sa pagkain, pabida naman ang mga acne ko sa pagtubo kapag nasosobrahan ako sa malangis at matamis.

Pero ayoko pa ring maging tagatikim niya. May girlfriend siya, do'n siya.

"Let's see na lang," sabi ko.

Tahimik kaming kumain pagkatapos. Tinikman ko ang mga slices ng cakes at nag-note. Hindi nga lang ako makapili sa kung alin ang paborito ko dahil lahat ay gusto ko.

Napasulyap ako kay Maxwell. Mabilis ang salubong niya ng ngiti sa'kin.

"Ano 'yon? May problema sa cakes?" aniya.

"Uhm... wala. Ang sasarap lang lahat. Ikaw ang gumawa lahat nito?"

"Oo."

Sumimsim ako ng kape kaysa mag-comment. He's so good in everything. Mula noon hanggang ngayon. Pipili na lang ako ng favorite ko sa mga gawa niya, nahihirapan pa 'ko.

" 'Yong panookie na lang ang ipi-featured dessert ko sa app, since 'yon din ang specialty mo," sabi ko na lang. " 'Wag mong masyadong galingan mag-bake. Baka magtampo sa'yo si Auntie."

Mahina siyang tumawa. "Si Auntie nga ang unang tumitikim ng mga gawa ko. Siya ang quality control. Tagaubos 'yong buong compound."

Napatanga ako sa tunog ng tawa niya. Ngayon ko na lang uli narinig.

Ang suwerte talaga sa compound nila. I bet they could eat all the sweets Maxwell makes without worrying about break-outs. Nagbuntonghininga ako.

"Busog na 'ko," mahina ang boses na sabi ko. It's a lie. I wanted to finish all his desserts but I had to watch my starch and sugar intake. Hindi ko naman puwedeng sabihin sa kanya 'yong tungkol sa acne. "Ikaw na lang umubos ng desserts."

Cliche (Candy Stories #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon