Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte

Chapter 04 part 2: Half bad, half good

13.9K 1K 232
                                    

***

First year, Culinary Arts
August, last week
STU

Foundation week. I was in a festive mood. May ginamit kasi akong bagong cream. Questionable 'yong brand at sa palengke lang nabibili pero effective. Nawala ang pamamaga sa mukha ko at natuyo ang mga acne ko. Worth it magbihis at mag-ayos nang kaunti, lalo na dahil allowed kaming hindi mag-uniform during the festival.

Maaga pa lang, nasa university na kami ni Calyx. Umikot kami sa kalapit na colleges. May kanya-kanya kasing pakulo at booths ang bawat isa. Sa College of Biological Sciences, pinakamatao ang Exhibit of Species. Kasama sa in-exhibit nila ang pinaka-looker sa college at faculty nila. Sa College of Business naman, may contract dating. Pumipirma ng kontrata ang mga couple na binibigyan ng notice to date for a day. Sa College of Law, may Sue Your Crush. Puwedeng padalhan ng subpoena or complaint 'yong crush mo. Sa College of Liberal Arts, may Statue Exhibit na puro totoong taong naka-freeze lang sa daan. Sa Film Institute, may Paparazzi for Hire. Puwede silang i-hire para kumuha ng footage ng mga couples. Puwede ring crushes pero dapat ay may consent. 'Yong ibang colleges, hindi na muna namin pinuntahan.

Sa College namin, puro exhibit naman ng pagkain. Dumadayo sa'min 'yong nasa ibang colleges para lang bumili o mag-food trip.

Nasulyapan ko si Maxwell na kasama 'yong usual group niya. Lagi silang lima. Dadalawa lang silang lalaki.

"Sino'ng tinitingnan mo?" tanong ni Cal sa'kin nang mapansing nakalingon ako sa ibang kiosk.

"Wala," sagot ko. Sinadya kong lakihan ang kagat sa corndog ko para hindi niya 'ko masyadong ma-interview. Tumungo rin ako dahil naramdaman kong parang sumulyap si Maxwell sa puwesto namin. Pero baka imagination ko lang.

"Dahan-dahan sa pagnguya," sabi ni Cal.

Ngumiti ako kahit puno ang bibig ko.

"After nito, sa contest na 'ko," patuloy niya.

Kasali si Cal sa gourmet cooking contest na pang-ala-una. Kasunod do'n 'yong baking contest na sasalihan ni Maxwell, pang-two-thirty.

Tumango ako sa kanya bago lunukin ang kinakain ko. "Panonoorin kita."

"Manonood ka lang talaga? Ayaw mong mag-assist?" aniya.

"Bakit? Ayaw mo no'ng assistant mo? Nag-volunteer na sa'yo si Joana." Kaklase namin si Joana. May crush kay Calyx. Ramdam niya siguro kaya hindi siya komportable.

"Mas okay kung ikaw assistant ko."

Gusto ko rin naman sana siyang tulungan sa contest. Pero baka bumaba kasi ang chance niya na manalo kapag nakita ako ng mga judge. Baka mandiri sila sa mukha ko tapos ayawan 'yong iluluto niya. Kawawa siya. Alam ko naman na kahit natuyo na ang mga acne ko, ang pangit pa ring tingnan ng mukha ko.

"Kaya mo naman 'yon kahit sinong assistant mo," sabi ko.

Sumimangot siya. "I-cheer mo 'ko."

"Lagi naman akong nagchi-cheer sa'yo." Tumikhim ako. "Pero ano... after mo, panonoorin ko rin 'yong kasunod na contest."

Kumunot ang noo niya. "Bakit?"

"Ha?"

Matagal kaming nagkatinginan.

"Bawal ba?" mahina kong tanong sa kanya.

Lumingon siya sa kiosk kung nasa'n si Maxwell. "Panonoorin mo si Tejeron?"

Kumagat ako sa twister fries sa stick ko kaysa sumagot. Ayokong magsinungaling sa kanya. Pero minsan kasi, parang ayaw niyang nakatingin ako kay Maxwell.

Cliche (Candy Stories #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon