Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

Chapter 05: When I want you to look at me

13.9K 1K 365
                                    

***

Gusto kong magtanong kay Maxwell kung bakit ayaw niya 'kong paalisin. Wala naman na kaming pag-uusapan dahil lumapit lang ako para mag-congratulate. Parang okay na rin naman siya sa pagkapanalo niya. Isa pa, hinahanap na 'ko ni Calyx.

Pero lahat ng rason na alam ko, talunan. Maxwell's eyes held me captive. I couldn't look away. I couldn't refuse him. It doesn't matter even if there are reasons to go. If he asks me to stay, it feels like I should.

Still, I tried to escape from his magnet. Kapag nagtagal kami sa iisang lugar nang magkasama, baka kung anu-ano na naman ang masabi ko. "Ano kasi..."

Nawawala sa hangin ang gusto kong sabihin dahil sa paglamlam ng mata niya sa'kin. Tumututol 'yon sa lahat ng dahilan na puwede kong gamitin para umalis. Napapalunok ako.

Gusto niya ba 'kong kasama? Kahit ang pangit ko? Kahit may ibang choice of companion na mas pleasing sa mata at hindi awkward kausap? Kahit mukha akong bacteria at mukha siyang prince?

Saan ako maghahanap ng hininga kapag may sinabi siyang bigla na masyadong magpapasaya sa'kin?

"Aurora..." I watched worry and thoughtfulness crossed his face as he tried to find something to say, habang ramdam ko pa rin ang init ng kamay niya sa pupulsuhan koo. Mahigpit pa rin siyang nakahawak sa'kin, pinagbabawalan akong kumawala. "Kasi—"

"Aurora!"

Napalingon ako kay Calyx na biglang pumasok sa lab. Mabibilis ang hakbang niya palapit habang humahagod ng tingin sa'kin. Natigil ang mata niya sa kamay kong hawak ni Maxwell. Nangunot ang noo niya kasabay ng pag-igting ng panga. Si Maxwell naman, sumimangot din. Hindi naman ako binibitiwan.

"Kanina pa kita hinahanap," sabi ni Calyx. Inabot niya ang libreng kamay ko at hinila ako palapit. Pero dahil nakahawak pa rin si Maxwell, ang awkward naming tatlo. Magkakakabit kami. "Ano'ng ginagawa mo, Tejeron?"

Nagsukatan sila ng tingin. Dahil sa tangkad nila, lagpas sa ulo ko ang pag-uusap nila. Nakakainis. Parang ang liit ko.

"May sasabihin pa 'ko kay Aurora," sabi ni Maxwell.

"Sa ibang araw mo na sabihin," si Cal.

"Ayoko."

Sumimangot ako. Bakit sila nag-uusap na nakahawak pa rin sila pareho sa'kin? Ang awkward naming tatlo.

Nagbuga ng hangin si Calyx. "May pupuntahan kami."

"Ha? May pupuntahan tayo?" ani ko. Wala akong maalala. Ang usapan lang namin ay mag-food trip sa mga kiosk na nag-o-offer ng libre.

Pumalatak si Calyx sa'kin. Nakagat ko naman ang labi ko sa paghabol ng logic.

Fail! Siyempre sinabi lang niya ang sinabi niya para mailabas na 'ko sa lab.

"May pupuntahan din kami ni Aurora," sabi naman ni Maxwell.

"Ano?!" ani ko.

Lalo akong napabusangot sa mga imaginary na pupuntahan. Itong dalawa na 'to, ang hirap intindihin kung bakit ayaw sa isa't isa. Dapat nga, nagkakaintindihan sila dahil pareho sila sa maraming bagay. They're both popular, good-looking, and sought after. They're both good cooks. Kung naikukumpara man sila nang madalas, it's not all bad. They could be good friends. Pero kung sakaling may isyu nga sila sa comparison, labas na 'ko dapat do'n!

"Ang weird n'yo," sabi ko. "Let go. Nakakangalay kaya."

Lumuwag ang pagkakahawak sa'kin ni Maxwell bago niya i-rub nang marahan ang pupulsuhan ko. May weird na mainit na kuryente sa gaan ng daliri niya, na napakuyom ako bigla.

Cliche (Candy Stories #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon