TCWDM: Unedited itey so baka magulo but will get back to this later ~***
Second year, Culinary Arts
December
STU"Are you enjoying the trip, Mommy?" I asked while staring at a passing dog sa harap ng food kiosk namin. Kausap ko si Mommy sa cell phone. Nasa Iceland sila ni Dad para mamasyal. "Send pictures naman po kayo. I want to see where you went."
"Naku, Princess, alam mo namang we're not good with gadgets. But we'll show you when we get back," sagot niya.
"Okay po. Baka you're tired na po, just tell me." Para kasing ayaw pang magkuwento ni Mommy. Baka pagod siya sa trip tapos ang kulit-kulit ko.
"Hindi naman masyado," her voice cracked. "Hindi nga ako sanay na malayo sa inyo. Nami-miss ko na tuloy kayo ng Kuya mo."
"Eh Mommy, you don't have to miss Kuya. Lagi naman din siyang wala with his friends. But Kuya Miklos, Kuya Nate, and Kuya Cloud stayed sa bahay nitong nakaraan. Two nights sila. Uminom lang and boy's night daw. Nag-stay rin sa bahay si Calyx, after school. He cooked for me while I helped Manang Thelma around the house."
"I see. Tumawag nga rin ang Kuya mo sa 'kin at naibalita 'yan. It's good that Calyx cooked for you."
"Opo. Hindi ko naman gusto magluto si Kuya." Bumelat ako kahit hindi makikita ni Mommy.
"What about your Acquaintance Party tonight? Nasa tindahan ka pa ba? You should be at the salon by now so they could fix your hair and your make-up. 'Yong dress mo, naipahanda ko naman na kay Manang."
I know. Nasa mannequin sa kuwarto ko ang ball gown ko, pero hindi ko naman 'yon magagamit. I decided since foundation week pa na hindi ako pupunta sa Acquaintance night namin. There were days when I would dream to go, pero laging nanunumbalik ang desisyon ko. Lalo na no'ng maging usap-usapan sa class namin kung sino'ng magiging date nino. Sina Lil and friends, pinu-push si Celine to ask Maxwell. Kahapon, ang alam ko, silang dalawa na ang date.
Calyx asked me if I wanted to be his date, but I also said no. Nahirapan akong iwasan si Maxwell after foundation week dahil lagi kaming nagkakatagpo kung saan-saan—corridor, library, clinic, gate ng school, canteen, etc. Whenever he'd see me, he'd approach and talk to me. Kahit may mga kaklase ako o siya sa paligid, lalapitan niya 'ko. Hindi ako komportable pero laging lumilipad ang utak ko 'pag ngumingiti siya, kaya bago ko pa siya mapagbawalan, tapos na kaming mag-usap.
It's a joy and a threat to be close to him. Lagi akong kinakabahan bago, habang, at pagkatapos. Iba-iba ang dahilan ng kaba sa bawat pagkakataon.
Pero hindi alam ni Mommy na hindi ako pupunta sa party, dahil hindi ko sinabi. Ayokong mag-worry siya. She would surely ask and I wouldn't be able to lie. Kapag nagsinungaling ako, mapapanatag siya pero makokonsensiya ako. Kapag naman hindi ako nagsinungaling, masasaktan siya. I'm precious to her. She wanted me to see myself and love myself. Kapag nalaman niyang may mga taong ayaw sa 'kin, exactly kung bakit ayaw ko sa sarili ko, magwo-worry siya. Ayoko.
"Aalis na rin po maya-maya," sabi ko.
"No. You should go now, Aurora. Para hindi ka kapusin sa oras. Sino ang date mo? Si Maxwell o si Calyx?"
Insecurity ko, actually. But I couldn't tell her that. "Mommy... wala po akong date. Baka do'n na lang kami magkita ni Calyx sa party."
Ramdam ko ang pagbuntonghininga ni Mommy. "Okay, Princess. We should cut this call na. You really should go."
Matamlay akong nangiti. Tutunganga na naman ako sa wala rito sa store. "Okay, Mommy. Be safe kayo ni Dad. Take lots of pictures. I love you."
"I love you, anak. Enjoy your party."

BINABASA MO ANG
Cliche (Candy Stories #5)
Teen FictionGrowing up insecure, Aurora firmly believes she does not suit someone as perfect as Maxwell. But with him continuing to love her despite her insecurities and fears, will Aurora finally choose to let Maxwell in--or will she keep pushing him away even...