***
Pumikit ako nang mariin. I know I need to turn around and face whatever it is I need to face. Bakit kasi ang bagal ng paa ko tumakas? Hu-hu.
"Who's Rlorla, Maxwell? She's gil."
Uh... The voice was so tiny, I was sure it's from... I turned around and found Maxwell carrying a little girl in his arms. Mga three o four years old lang siguro. Naka-Minnie mouse polka dress. Malalaki ang natural na kulot ng buhok. Nakasimangot at singkit ang mga mata sa pagkakatingin sa 'kin.
"Sino'ng dumating, Maxwell?" sunod ng isa pang tinig.
Sumilip mula sa kusina ang dalawa pang may-edad na ring mga babae. Namukhaan ko pareho. Si Ate Tere ang isa, may-ari ng tindahan na malapit sa compound at park. Nakakukuwentuhan ni Mommy noon. She looked rounder and older in her white shirt, but still bubbly. Nakapusod ang buhok niya sa kung paano ko naaalala. Mommy used to tell her to go to the salon with her. Sagot namin. But Ate Tere always declined. Ang isa pang naroon ay si Ninang Norma. Ninang ni Maxwell na ninang ng buong compound. Mas payat siyang tingnan sa moss-colored dress niya. Hanggang balikat na lang ang dating mahabang buhok. May hawak silang donut.
I must have looked startled because both women approached me.
"Si Kimmy ni Feliz na ba ito?" sabi ni Ate Tere na lumapit at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Hinagod ako ng tingin. "Ang ganda-ganda mo ngayon, Kimmy."
Yes, I was Kimmy to them. Kay Maxwell lang ako Aurora.
"Oo nga. Naku, bagay na bagay kayo—"
"Kanina ka pa, Aurora?" singit ni Maxwell na dumikit kay Ninang Norma. Lalong lumiit ang mata sa 'kin ng batang karga niya.
"Uh... Not really. I heard na may kausap ka kanina, kaya akala ko, I'm not needed here," sagot ko. "Kaya uuwi na lang sana ako kanina..."
"Naku, ano bang not needed? Kanina ka pa hinihintay ni Maxwell," sabi ni Ninang Norma.
I might have looked frozen dahil nangunot ang mga noo nila. Inirapan naman ako ng batang babae.
"Ah... Nagsabi po kasi akong babalik ako. Kaya 'ayun," ani ko. "He must have waited..."
Nagkatinginan kami ni Maxwell. Ngumiti siya sa 'kin bago ikulong ng batang babae ang mukha niya sa maliliit na kamay nito. Ibinabaling siya para tumingin lang dito. "Who's gil, Maxwell?"
Mahinang tumawa si Maxwell dito. "She's Aurora, baby Maxine." Bumaling siya sa 'kin pagkatapos. "She's Maxine, Aurora. Menopausal baby ni Ate Tere. Ipinaglihi sa 'kin."
I was dumbfounded. Wala na yata akong ibang kayang gawin kundi ang tumunganga lang sa nakikita ko. So all these time... Maxine is this cute little baby? Na parang possessive kay Maxwell? She couldn't even pronounced the little R right, and I was jealous of her?
Nanlaki ang mga mata ko sa sarili kong thoughts. I was... actually... jealous? Of her? Because I thought she's the girlfriend?
"Aurora?" tawag ni Maxwell sa 'kin. "Are you okay?"
"Uhm..."
"Ako, Maxwell, not okay," maliit ang boses na sabi ni Maxine. "You keep always look at her. Why?"
"Is that bad, baby?" malambing na sabi ni Maxwell dito.
"Is bad. Because she's gil," sagot nito.
Maxwell chuckled. Mahina ring natawa ang dalawa pang babae. Si Ate Tere, sinubukang kunin si Maxine mula kay Maxwell.
"Baby, halika na. Kailangan ni Kuya Maxwell magpahinga."
"Not Kuya!" matigas na sabi ng bata habang yumayakap sa nanay nito. "He's asawa!"
BINABASA MO ANG
Cliche (Candy Stories #5)
Novela JuvenilGrowing up insecure, Aurora firmly believes she does not suit someone as perfect as Maxwell. But with him continuing to love her despite her insecurities and fears, will Aurora finally choose to let Maxwell in--or will she keep pushing him away even...
