TCWDM: Thank you for always waiting ~
***
I was weak in the knees when I dragged myself to follow the guy who'd show me the recordings. Nauna siyang pumasok sa booth at dumutdot sa console doon. Tinanong lang ako kung gusto ko bang panoorin ang videos from recent to past o past to recent. Maybe I said I preferred to watch from the oldest but I wasn't sure. I'm afraid and confused and excited. I'm anticipating something even though I'm not quite sure what.
When I was left alone in the booth, dread and fear crept on me, I almost ran away. But I kept my feet firmly in place. I balled my fists. I held my breath. I already ran away from Maxwell too many times. I should braved now.
I told myself that whatever I might watch, I wouldn't cry. But when the screen in front of me lit up and showed Maxwell from years ago, my contract boyfriend, my tears fell instantly.
He was smiling gently. He's as I remember him—a perfect prince.
"Hello, Aurora . . . na nasa katabing booth." He smiled again, before clearing his throat. "Marami akong gustong sabihin sa 'yo pero . . . baka matakot ka at lumayo sa 'kin, kaya heto na lang muna: Alam kong hindi ikaw ang nag-request ng date, dahil ako ang nag-request. Sorry." Maamo siyang tumingin sa camera. "Pina-request ko rin mga kaibigan ko para sigurado. Gusto lang kitang i-date talaga. Gusto ko ng araw na kasama kita maghapon at ako lang ang nasa tabi mo. Gusto ko ng araw na puwede kitang pasayahin. Sorry kung wrong timing at kung napag-aalala kita. Sorry kung hindi ka komportable. At thank you for dating me." Lumunok siya. "Sana magagandang memories lang ang maiwan sa 'yo sa araw na 'to—tulad ng magagandang tinatandaan ko. Sana maingatan kita at hindi 'to pagmulan ng ipag-aalala mo pa sa susunod na mga araw. Uh . . . 'ayun."
Nag-black ang screen at lumitaw ang isa pa na may petsa nang kasunod na taon.
"Hello, Aurora." Maxwell looked impatient and disappointed while staring at the camera. Familiar ang shirt na suot niya. It looked like the one he wore when he and Celine, "Hindi kami nag-date ni Celine," he blurted out. "Kahit pinili niya 'ko sa dating game, hindi kami nag-date. Hindi ko siya gustong i-date, kahit itanong mo pa sa mga nanood ng game. Nanood ka rin ba? Hinanap kita sa crowd, pero wala ka naman o si Calyx. Sana hindi kayo nanood. Ibig kong sabihin . . . okay lang kung nanood ka pero . . ." Napaisip siya at napa-scratch sa ulo. "Ewan. Hindi ko alam kung ano'ng mas okay. Basta hindi kami nag-date."
I bit my lip and laughed softly while wiping my tears dry. Mukha kasi siyang bad mood at impatient mag-explain. Why does something like this makes me happy?
Huminga siya nang malalim, gumaan ang mukha, bago awkward na ngumiti. "Ang gusto ko lang talagang sabihin . . . ikaw lang ang gusto kong i-date. Hindi ako . . . magiging unfaithful . . . sa first girlfriend ko." Lumapad ang ngiti niya bago mapakagat sa labi niya. He pssh-ed. "Ba't ba ako rito nag-e-explain?"
The video ended with love, pain, and happiness melting inside me. I'm both happy and in pain to know that he had thought of me that day. The third recording lit up.
"Hello, Aurora . . ." Bagsak ang balikat ni Maxwell sa video. Pagod rin ang mga mata niya. I know that face well, because that face haunted me many times in my dreams. I remembered the pond and the necklace I threw in the water. I remembered his voice telling me he likes me for the first time.
I don't know if I could take more of what he's going to say, but I swallowed my cowardice.
"I said I like you," he started. "Alam ko naman . . . hindi mo maiintindihan. Ang hindi ko inasahan . . . hindi mo rin pala matatanggap." Malaki ang paglunok ni Maxwell at sandaling nagtagis ang bagang niya. "Hindi mo kasalanan na hindi mo kayang maniwala. Hindi kita sinisisi at hindi kita sisisihin kahit kailan. Nalungkot lang ako . . . kasi hindi ganito 'yong inakala kong mangyayari. Alam ko, nagluluksa ka pa ngayon dahil sa mommy mo. Ang dami kong inisip na paraan para pagaanin sana ang loob mo . . . pero hindi ko yata magagawa dahil ayaw mo 'kong makita." Pinilit niyang ngumiti pero mas lalong dumilim ang anino ng lungkot sa mga mata at sa mukha niya. "Ano'ng gagawin ko. . . kung gusto kitang makita . . ." mahina ang boses na sabi niya. "Gusto kitang alagaan. Gusto kitang amuin at aluin. Gusto kong sabihin sa 'yo na kung gusto mo, lagi akong maiiwan sa tabi mo. Kaso mukhang ayaw mo. Pakiramdam ko . . . hindi ka lang iiwas sa 'kin. Pakiramdam ko, aalis ka pagkatapos ng araw na 'to." Ilang sandali siyang tumingin sa screen. He was sad and worried. May tampo rin pero walang galit.
BINABASA MO ANG
Cliche (Candy Stories #5)
Ficção AdolescenteGrowing up insecure, Aurora firmly believes she does not suit someone as perfect as Maxwell. But with him continuing to love her despite her insecurities and fears, will Aurora finally choose to let Maxwell in--or will she keep pushing him away even...
