TCWDM: Thank you for always waiting patiently. <3
***
"Available na po 'yong face cream na order ni Doktora para sa inyo. Pi-pick-up-in n'yo po ba o ipadadala na lang sa inyo?"
Nakatuon sa 'kin ang mga mata ni Celine habang kausap ko ang assistant ni Dra. Len. It's a quick call naman pero nasa resto review kami.
"Ipadala na lang po. I'll send my details later, if it's okay?" ani ko.
"Noted, Ma'am."
"Thank you. I need to put this down na."
When the call ended, nakatingin pa rin si Celine. I hope it's not because my make-up was specially horrible today. Panipis nang panipis ang inilalagay ko sa mukha ko para hindi ma-irritate ang mukha ko. Isang buwan pa lang mula no'ng surgery ko to remove the last remaining lumps on my face. Sabi ni Dra. Len, my skin's healing. I'm not convinced kasi parang wala naman akong nakikitang improvement sa salamin, pero sabi nina Kuya Rius at ni Celine, maayos na nga raw. Maybe I'm just blind to my own improvements.
"Ano'ng sabi sa derma mo? May problem ba?" maingat na tanong ni Celine.
Oh. Nakatitig siya kanina because she's worrying? "No, walang problema. Don't worry." Napasulyap ako sa kitchen kung saan inihahanda ang food namin. Ang tagal lumabas ni Chef. I'm quite hungry. "'Yong cream para sa scars sa mukha ko, ipadadala raw."
Gumaan ang mukha niya sa relief. "Oh, that's good. You've been waiting for that for quite some time."
"Oo nga."
"And what about tonight? Hindi mo pa sinasagot 'yong tanong ko kanina."
I pressed my lips together. Oo nga pala, may itinatanong siya na luckily, na-interrupt ng call sa derma. Ayoko sanang sagutin 'yon, eh. Hu-hu.
"You're asking me kasi pupunta ka?" ani ko.
Uminom siya nang kaunti sa glass of water niya. "Well, yes. Alumni party 'yon. They hold it yearly but I've never attended one. Gusto ko sanang um-attend this year pero . . ."—naging mas maamo ang ngiti niya—"kung pupunta ka rin."
I think nagpapa-cute si Celine para sumama ako. "Uhm, I heard about that party pero hindi rin ako uma-attend dati kasi . . . well, sina Lil kasi. I kind of don't want to see them."
"Naisip ko na rin 'yan. They're also the reason why I'm hesitant to go before. Pero naisip ko rin, wala naman akong kasalanan sa kanila para mangilag? And I think, wala ka rin namang fault sa kanila for you to excuse yourself every time na may event na puwedeng nando'n din sila. But really . . . it's up to you pa rin naman."
I sighed. I know that Celine's right. Ilang ulit ko na rin namang sinabi sa sarili ko na walang dahilan para umiwas ako lagi sa kanila. Sure, it's awkward to see them again and I might find myself remembering bad things . . . but they're the one who did wrong. Sila ang dapat na mahiya at mangilag sa 'kin, hindi ba? Pero bakit kaya gano'n, 'no? Kahit na ako naman 'yong ginawan ng mali, ako ang nahihiya. Ako ang nagtatago na parang kasalanan ko pa na nagkamali sila.
If it's being unfair to myself, then maybe I should change it too? Ayoko nang maging unfair sa sarili ko. Kaso, kaya ko ba na makita sila?
"Aurora? Your brow's really salubong," magaang sabi ni Celine. "What are you thinking about, girl? You can tell me, okay? Although okay lang din sa 'kin na panoorin ka. You're cute."
Mahina akong natawa. "I'm sorry. I'm not used to run my thoughts to friends . . . other than Calyx."
"I know," she said.
BINABASA MO ANG
Cliche (Candy Stories #5)
Teen FictionGrowing up insecure, Aurora firmly believes she does not suit someone as perfect as Maxwell. But with him continuing to love her despite her insecurities and fears, will Aurora finally choose to let Maxwell in--or will she keep pushing him away even...
