***
Naging part ng routine at schedule namin sa pamilya ang ospital. May chemo si Mommy once a month at mayroon ding daily medicine. Kung hindi lang dahil sa complications ng cancer sa spleen, kidney, at lungs niya, puwede na sana siyang sa bahay na lang alagaan. It would be easier and cheaper. But her complications require na naka-admit siya at nababantayan ng mga doktor.
Kuya and I visited her daily. Si Kuya, after work. Ako, after school. May schedule kami ng pagpalit kay Dad sa pagtulog sa ospital para samahan si Mommy. Kinailangang bumalik ni Dad sa work dahil tapos na ang leave niya. Mabuti na lang, available si Manang Thelma para mag-stay sa ospital. In the meantime, I take care of the house. Kuya checks on our store.
It was a painful process but we learned to accept the disease. Bilang pa rin sa daliri ang pagdaing ni Mommy. She remained strong and cheerful. Ako, just trying to be like her.
Nalaman na rin ng mga kakilala namin ang tungkol sa sakit niya. Dumalaw na ang ilang kamag-anak at kaibigan. May mga padala rin silang bulaklak, pagkain, at pera paminsan-minsan. Sina Kuya Nate at iba pang kaibigan ni Kuya Rius, nag-fundraising naman para makatulong. Ayaw kasi naming sa shared o public ward si Mommy. Kami ang hindi komportable para sa kanya. She argued but she couldn't win against us three.
It's hard to keep being positive but there is hope. Okay na 'yon kahit papaano.
Nag-break sa school to give way to the holiday na halos hindi ko namamalayan. My thoughts were always about what to do for Mommy—sa state niya, sa meds niya, sa mga sinasabi ng doktor. Nagpupunta lang ako sa derma kapag nagre-remind siya. Ayaw niyang pabayaan ko ang treatment ko because of her hospitalization. Kung ako lang, mas gusto kong dumikit na lang lagi sa kanya.
Tanggap na rin namin na sa ospital kami magpa-Pasko. Kuya, Cal, and I were making arrangements on how to celebrate there. All in all, it looked like things were under control. Alam ko ang mga aasahan ko at hindi ko dapat na asahan. Ang nananatiling unexpected ay ang progress ng gamutan ni Mommy at ang pagka-stubborn ng sakit niya.
Si Maxwell din pala.
It was December 23 and I thought the whole day's going to be the same. He texted me that they were visiting the hospital. Gusto raw makita nina Auntie Mona at Ninang Norma si Mommy. Apparently, matagal na silang nagsabi kina Mom at Dad. Ako ang pinakahuling nakaalam.
So I was fidgeting while waiting for them to arrive. My hair's unruly pa naman. I wouldn't go easily to the salon because it would take a big chunk of my time. Ayokong mawala nang matagal sa tabi ni Mommy. Nagpalit ako ng soft denim dress na hanggang tuhod at nagsuot ng low-heeled sandals instead of just my flip-flops. Nag-side braid na lang din ako nang buhok na medyo mahaba na. Hanggang siko ko na.
"You're pretty as always, Aurora. Don't be too anxious," sabi ni Mommy nang mapansin na hindi ko mabitawan ang hand mirror ko.
But she always says that and I always see something wrong. She loves me too much she couldn't see my flaws. 'Yong acne problems ko, hindi ako nilulubayan. They were like angry ants digging antholes in my face. Ang comfort lang ng araw na 'to, walang nakabukol na acne kaya hindi mukhang deformed ang mukha ko.
Still, I smiled at her para hindi na siya mag-alala. Ayokong bitiwan ang hand mirror pero ibinaba ko sa kama niya. Isinuksok ko sa isa sa mga unan para hindi ko na maabot uli. I shouldn't whine about my looks, habang siya ay naglalagas ang buhok at humuhumpak ang pisngi. Hindi na rin nawala ang panlalalim ng mata ni Mommy at ang madilim na eyebags niya.
"Okay po. I should buy something outside, sa convenience store, para may meryendahin sila." It's two in the afternoon. "We don't have enough supplies here."
BINABASA MO ANG
Cliche (Candy Stories #5)
Teen FictionGrowing up insecure, Aurora firmly believes she does not suit someone as perfect as Maxwell. But with him continuing to love her despite her insecurities and fears, will Aurora finally choose to let Maxwell in--or will she keep pushing him away even...
