Chapter 07: First of everything

15.7K 1K 796
                                    

***

Task #8: At Wreck It. Write something you dislike about each other.

Seryoso si Maxwell sa pagsusulat sa maliit na plato na ibinigay sa'min. We're at a long table again, holding white plates and black markers. Ang Wreck It booth ay para sa mga may sama ng loob sa buhay na gustong i-let go. Any complaints, issues, or bad words could be written on anything breakable—a mug, a plate, a person-like figurine. Pagkatapos maisulat ang sama ng loob, puwede nang magbasag. One can opt to throw the thing on the floor or opt to use more forceful means like smashing the thing using a hammer. May theme song din sa booth: rock version ng Let It Go ng movie na Frozen.

I was wondering if it's okay to be curious and nosy now. Sabi naman kasi ni Maxwell no'ng nagsulat kami for the Confession Wall, he would let it slide if I peek. Pero wala akong lakas ng loob. Saka, ano rin ba ang isusulat kong complaint para sa kanya?

May reklamo ba 'ko sa kanya ngayong araw? O sa kahit na anong araw in particular?

"Ano 'yon? Bawal mangopya," tukso ni Maxwell nang sumulyap siya sa'kin at mahuli akong nakatingin.

"I wasn't even looking at your plate," sangga ko.

Malapad ang ngiti niya. "Kahit naman tumingin ka."

Iniharap niya ang white plate niya sa'kin. Binasa ko ang nakasulat: Forgetful.

"Bakit forgetful?" My heartbeat doubled. "May nagawa akong mali sa'yo? Tapos nakalimutan kong mag-sorry? 'Yong payong ba? O may kulang akong sandwich?"

Mahina lang siyang tumawa. "'Ayun nga. Forgetful."

"Ano nga? Ano'ng nakalimutan ko? May atraso ako?"

"Wala," magaang sabi niya. "Wala lang akong maisulat. Hindi ka ba makalilimutin? Hindi ba common sa babae 'yon? Si Auntie, makalilimutin, eh."

Kumunot ang noo ko. "Hindi ba baka sa old age 'yon? Medyo old na si Auntie, 'di ba?"

He sort of psh-ed. Napakurap ako dahil ngayon ko lang narinig 'yong gano'n niya.

"Lagot ka kay Auntie 'pag nalaman na tinawag mo siyang old."

"Hala. Sorry na kay Auntie," bawi ko. "Pero 'di ba, ang madalas na complaint sa girls ay 'yong hindi makalimot? Ang dami kayang memes na puro gano'n."

Napakamot siya sa pisngi niya. "May meme nga na gano'n. Pero naisulat ko na 'to, eh. Wala naman akong reklamo sa'yo."

Itinago ko ang labi ko para mapigilan ang pagngiti. "Wala nga rin akong reklamo sa'yo. What do I write?"

Nagkibit-balikat siya. "Puwede kong silipin 'yong isusulat mo?"

"No."

"Kahit ipinakita ko 'yong isinulat ko?"

Bumelat ako sa kanya. "I didn't ask for it. You showed me willingly. Your loss, then."

"Unfair," aniya, pero magaan ang ngiti niya. Gumala ang mata niya sa buong mukha ko na hindi ko na alam kung saan ako titingin. "But forgiven."

Napalunok ako. "I'll write. Don't peek."

"Okay."

I wrote: He's bad for my heart.


Task #7: Share a drink or something sweet.
Task #9 & 10: Introduce each other to a friend.

"Ano'ng gagawin natin? Should we head back to our college?" tanong ni Maxwell sa'kin.

Kumurot ako sa cotton candy na hawak niya bago sulyapan ang nakaparadang university shuttle sa waiting shed. Puno na 'yon at paalis na. Kung maghihintay kami ng panibago, thirty minutes pa. At mapapalayo kami sa susunod na venue para sa task 11.

Cliche (Candy Stories #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon