Chapter 07 part 2: First of everything

13.5K 995 227
                                        

***

Nakaidlip ako sa taxi na sinakyan namin ni Maxwell. Pauwi siya sa compound kung saan siya nakatira. Papunta naman ako sa tindahan namin na nasa park malapit sa kanila. Maliit ang espasyo sa pagitan namin sa backseat.

Normally, I would be more guarded and alert because of the small space. But the events of the day loosened me up a little. I was tired, too. Kahit na ano'ng paalala ko sa sarili ko para manatiling gising, nadaya ako ng pagtulog. I dreamt that Maxwell was still holding my hand. Dreamt that he guided me to lean on his shoulder. I heard him whisper my name and said something I couldn't remember.

I was afraid to open my eyes when I stirred from sleep. Baka kasi nakasandal o nakahawak nga ako sa kanya. Nakiramdam muna ako.

Hawak nga namin ang kamay ng isa't isa. Maxwell's breathing deeply, too. I opened my eyes slowly and found him sleeping, too.

Hindi ko mabawi ang kamay ko sa kanya, kahit na baka dapat nang bawiin. Baka akala niya ay nakaposas pa rin kami hanggang ngayon. Isa pa, malapit na kami sa compound nila.

Should I wake him up?

Napatitig ako sa mukha niya. Bahagya lang iyong natatanglawan ng ilaw sa loob ng sasakyan.

Why is he… this mesmerizing? Natutulog lang naman siya. Maamo ang mukha niya sa pagkakapikit.

Lumampas kami sa compound nila na nakatitig pa rin ako. The vehicle made a turn and ran by the curve leading to the park.

Nang tumigil ang taxi sa tapat ng tindahan namin, do'n lang ako nag-alumpihit. A part of me wanted to wake him up; a part of me wanted to take my hand from his hold; but a great part just wanted to remain sitting there with him. I wanted to remain in his hold, in his enchantment.

"Ma'am, bababa na po ba kayo?" tanong ng matandang driver. Nakatingin siya sa'kin sa salamin.

"Uh…" Payapa pa rin ang pagkakapikit ni Maxwell. Parang hindi titinag. Sa labas, nakikita ko si Mommy na nakatingin na sa taxi namin habang nagmamando sa pagsasara ng kaha ng kiosk. Tumingin uli ako sa driver. "Eh Manong…"

"Aurora…"

Mabilis na bumalik ang mata ko kay Maxwell. Alanganin ang ngiti ko sa kanya.

"Uh… Nasa may tindahan na tayo. Ano, sorry, 'di kita nagising pagdaan sa compound n'yo," sabi ko.

"Nakatulog ako," malumanay na sabi niya; hindi pa rin binibitawan ang kamay ko.

"Oo eh. Ako rin nga."

Dinukot niya ang wallet sa bag niya at iisang kamay na nagbayad. Nagwo-worry na 'kong pagpawisan ang kamay ko sa kaaabang kung kailan siya bibitaw.

"Salamat po, Manong," sabi niya.

Hila niya 'ko pagbaba. Late ang panlalaki ng mata ko at ang kahit ang kaba ko nang malingunan kami ni Mommy na magkahawak pa rin ng kamay.

"Nandito na kayo," salubong ni Mommy sa'min.

Hindi ako makahinga nang maayos hanggang sa kusang bitawan ni Maxwell ang kamay ko. Bumati siya kay Mommy.

"Sinamahan ko na po si Aurora hanggang dito para makumusta rin kayo. Bihira kayo rito sa tindahan n'yo," sabi niya.

Kumabit ako sa braso ni Mommy. Kinakalma pa rin ang sarili ko. Pasimpleng hinahabol ang paghinga ko. Lumakad kami papunta sa isinasarang kiosk.

"Oo nga, ano? Bihira tayong magkita. Kapag natataon na nandito ako at umo-order ako ng cake kay Mona ay si Warren o Jacob ang nagdadala," sabi ni Mommy.

Cliche (Candy Stories #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon