***
Nagbuga ako ng hangin paglabas namin ni Maxwell sa The Valentine. Hindi ako makalingon dahil baka nakatingin pa sina Esta at Zion sa amin. Worst, si Chef Jay.
Pinagbuksan ako ni Maxwell ng pinto ng kotse. Bago sumakay, nagawa kong kumaway nang maliit at awkward na ngumiti sa mga nasa resto—kahit na wala akong particular na tinitingnan. Maxwell casually went inside the car, too. Sabay kaming nag-seatbelt. Sumulyap siya sa 'kin nang magbuntonghininga uli ako.
"That went well," aniya.
Tumango ako. Yes, it went well. Nakapagpaliwanag ako kina Esta at Zion nang hindi nauutal. They gave their approval about improving the menu. Sila, kasama si Maxwell, ang unang kumausap kay Chef Jay bago ako iharap. It was super embarassing but I had to do what I had to do. Chef Jay and Maxwell already talked about what to work on. We were expected to come back tomorrow morning.
"Kinakabahan ka pa rin?" untag niya.
We were already on the road pero malakas pa rin ang tibok ng puso ko. At kahit naman nasaan kami, basta kasama ko siya, may kaba at ligalig na hindi titigil. He makes my heart work triple-time.
"Medyo. Uhm... Sa tingin mo ba..." Sinulyapan ko siya. His focus was on the road while his big hand was gripping the steering wheels. I meant to continue what I was saying pero sinundan ng mata ko ang kamao niya pataas sa braso niya. Whoa. Biceps...
"Hm? What is it, Aurora?"
Nagtagpo sandali ang mga mata namin. Did he see me... curious about his arms? Did I look too interested? Oh my gee! "Hindi ako nakatingin," una ko.
Kinagat-kagat niya ang labi niya bago tumikhim. "Ah. Nakatingin ka sa 'kin."
"Hindi. Sabi ko nga, h-hindi eh."
"May interesting kang nakita? Ano?"
"W-wala!"
Ngumiti siya habang sa kalye nakatingin. "Ako, meron."
"Ano'ng meron?"
"May interesting na nakita."
Napalunok ako. So he did see me? "A-ano?"
Lumapad ang ngiti niya. "Sasabihin ko sa 'yo 'pag sinabi mo sa 'kin kung ano'ng tinitingnan mo."
Ibinalik ko ang mata ko sa harap ng sasakyan. "W-wala naman talaga eh." These eyes have no self-control!
He chuckled while I felt my cheeks burning.
"Ano na 'yong itatanong mo? May itatanong ka, 'di ba?" aniya.
"Yes. Ano..." I cleared my throat. Ano nga ba 'yong itatanong ko? Hindi tungkol sa biceps niya, eh.
"You were saying kung ano'ng tingin ko sa..."
"Ah. 'Ayun. Tingin mo ba... ano... na-offend kaya si Chef Jay?"
"Sa 'yo?" sabi pa niya. "Hindi."
How could he be so... "Sure?"
"Oo. Kaya 'wag mong masyadong isipin. He looked relieved kanina. He must have been figuring out what's wrong with his cooking, but couldn't figure it out."
"Eh baka..." Huminto kami sa traffic light. "Baka naartehan siya? Sa 'kin?"
"Hindi lang naman ikaw ang nag-comment. Ako rin. Pareho tayong hindi na-impress. Kung casual resto lang, puwede na siguro 'yong pagkain kanina. But they're aiming for fine dining. Kailangan nilang pumasa sa panlasa mo."
Nagbuga ako ng hangin.
"And it's better than to just fail them," dagdag niya pa.
"Oo. Ayoko silang i-fail. Sayang, eh. Maganda 'yong restaurant." I sighed. "Okay. I'll let it go. I have to think about what to say tomorrow when we get back."
BINABASA MO ANG
Cliche (Candy Stories #5)
Fiksyen RemajaGrowing up insecure, Aurora firmly believes she does not suit someone as perfect as Maxwell. But with him continuing to love her despite her insecurities and fears, will Aurora finally choose to let Maxwell in--or will she keep pushing him away even...
