***
College na nang maging schoolmate ko uli si Aurora. Nakita ko ang pangalan nila ni Cervantes sa list of passers sa parehong kolehiyo ng sa akin. Pareho kami ng course, pero sila ang magka-block. Sayang, pero puwede na rin.
First day pa lang ng school, nakasabay ko si Aurora sa taxi ni Mang Dodong. She tried to make herself smaller by the door when she saw me inside. Gusto ko siyang kumustahin at kausapin no'n at sabihin na masaya akong makita at makasabay siya. Gusto kong sabihing hindi niya kailangang manliit o mahiya sa'kin dahil wala siyang puwedeng gawing mali sa paningin ko. Pero nilunok ko ang lahat ng saya at salita na mayro'n ako dahil naroon siya, nanliliit, at halos hindi makakagat sa baon niyang pagkain.
"'Yong pamasahe pala sa taxi . . ."
Mahina na naman ang boses ng Aurora ko. Ngumiti ako pagbaling ko sa kanya habang naglalakad kami. "Ano 'yong pamasahe?"
"Ano . . . magkano ang share ko ro'n?"
"Okay na 'yon." Minsan ko na nga lang siya maililibre, gusto niya pang humati. Pangarap ko 'yon.
"Eh, dapat share tayo ro'n. Nakisakay rin ako, eh."
Puwede naman siyang makisakay sa'kin kahit kailan, lagi lang siyang may Calyx. Kaysa sa pamasahe, mas concern ako na ang ikli ng lalakarin namin papunta sa Culinary building. Gusto ko pang maglakad nang mas mahaba at mas matagal kasama siya.
Pagtingin ko sa kanya, nakatitig siya. Napalunok ako. Ang amo ng mga mata niya sa'kin. Nanghihina ako.
"Dalhan mo na lang ako ng tuna sandwich sa susunod," sabi ko nang mapatingin sa hawak niya. "Mukhang masarap 'yong sandwich mo."
Namula siya pagtungo sa nasa kamay niya. Nahihiya yata. Ang cute, shit.
"Hindi ka pa nag-breakfast?" aniya.
"Nag-breakfast naman." Pero nakagugutom kabahan kasama ka. "Pero nakakagutom 'yong amoy ng tuna sa taxi."
"Sorry . . ."
Ang cute niya rin mag-sorry. Gusto ko siyang hawakan pero kailangang magpigil. Masyado ko yata siyang miss.
"Okay lang 'yon," sabi ko.
"Eh 'di 'yong pamasahe . . ."
Nasa pamasahe pa rin pala usapan namin. Kailangan kong mag-concentrate. Buti na lang, hindi alam ni Aurora na ang lalayo sa concern niya ng mga naiisip ko. "Sa susunod na makakasabay kita, pahingi na lang ng sandwich."
Tumango siya. "Thank you pala sa pagsabay sa'kin sa taxi mo."
Gusto ko ngang ulitin. Kakausapin ko lang si Mang Dodong. "You're welcome, Aurora."
Wala akong natutunan sa first day of class kahit sinubukan kong mag-focus. Masyado akong excited umuwi at sabihan si Mang Dodong na maghatid uli sa'kin kinabukasan. Alaskang-alaska ako pagdayo ko sa kanila. Bistado agad na magpapahatid ako dahil kay Aurora. Hindi naman ako nag-deny, para hindi na niya ako ireto ro'n sa dalaga nila.
Sa pangarap ko, buong sem kaming magkakasabay ni Aurora sa taxi. Pero hanggang pangarap lang 'yon. Isang araw, kasabay ng taxi ni Mang Dodong sa gate ng STU ang pamilyar na kotse ni Cervantes. Magkasunod na bumaba ro'n sina Aurora at Calyx. Sabay silang naglakad. Nagbibiruan. Komportable at nakangiti ang Aurora ko, kahit na may mga bagong tubo siyang taghiyawat sa mukha at pinagtitinginan ng mga tao.
Hindi na 'ko nagtaka nang mga sumunod na araw nang hindi ko na matiyempuhang kasabay si Aurora.
"Ano'ng ginagawa mo? Busy ka?" bungad ni Warren sa kuwarto.
BINABASA MO ANG
Cliche (Candy Stories #5)
Teen FictionGrowing up insecure, Aurora firmly believes she does not suit someone as perfect as Maxwell. But with him continuing to love her despite her insecurities and fears, will Aurora finally choose to let Maxwell in--or will she keep pushing him away even...
