***
Kaysa laging mag-alala si Auntie at kaysa laging umiiwas sa 'kin si Aurora, nagdesisyon akong dumistansiya uli. Timing naman, may Master Chef training sa New York na inatrasan ng kakilala kong chef. Ako ang pumalit.
Sasandali lang kailangang umalis pero sapat na siguro para magpahinga sa masakit.
Pagkatanggap ko ng approval ng mga chef sa Le bon Appetit! para sa training, nagpunta ako sa Time Capsule sa STU. Bukas 'yon dahil sa ilang alumni gathering na naka-schedule para sa buong buwan. Nag-iwan ako ng message para kay Aurora.
Ang original na plano, magko-confess lang ako at magpapaalam sa kanya sa pag-alis ko. Magbibilin sana na huwag siyang magalit sa sarili niya kung nasaktan niya 'ko. Magsasabi sana uli na handa akong hintayin siya kung gugustuhin niya. Pero ni hindi ako makangiti nang araw na 'yon. Naaalala ko ang mga sinabi ni Aurora at ang sakit sa mga mata niya nang mag-usap kami.
No'ng nag-fill out ako ng stub, alumni ang nakatao at namukhaan ako. Nakuwento ko na para kay Aurora ang mga videos na inire-record ko taon-taon. Sabi pa sa 'kin, sana raw, sagutin na ako. Hindi ko masabi na ni ayaw niya paligaw ng prinsesa ko.
Ilang beses ko na lang uling nakita si Aurora pagkatapos no'n.
"I'm not good with speeches, but thank you for having me and for organizing this party for me. Marami akong mami-miss . . ." Napatingin ako kay Aurora na nakatitig sa 'kin. Her eyes were less sad today. I'm relieved. "The Master Chef course in New York is a six- to twelve-month contract. I get to learn from different cooking masters. I'll look forward to coming back."
"You're not even on the plane yet! Saka mo na isipin ang pagbalik!" sigaw ni Yigel sa tagiliran.
Sinasabi ko lang naman ang mga sinasabi ko para alam ni Aurora kung ga'no katagal akong mawawala. Lalayo ako gaya ng gusto niya, pero ayokong isipin niya na sumusuko na 'kong mahalin siya.
Ngumiti ako nang makitang nakatingin pa rin siya. "Be well while I'm away." Babalik ako sa 'yo, kahit hindi mo 'ko hinihintay.
Tumingin ako sa mga naroon dahil natutuon na rin ang pansin nila kay Aurora. Baka maasiwa siya. "Thank you. Sana pagbalik ko, hindi ko na kailangang mag-speech uli."
Sabay-sabay silang nag-good luck at nangantiyaw ng pasalubong. Pagbaba ko sa stage, lumapit ang mga naroon para magbigay ng regalo. Nagpasalamat ako sa bawat isa, habang binabantayan sa sulok ng mga mata ko si Aurora.
Magkasunod sila ni Celine sa pagbibigay ng regalo. Hindi siya makatingin nang mag-abot. "H-Have a safe flight . . ."
Her voice was too soft, it melted me. Naalala ko 'yong hampas ni Auntie sa 'kin no'ng umiiyak ako dahil sa kanya. "Thank you, Aurora."
Mabagal ang sandali nang tumitig siya, bago tipid na ngumiti at tumalikod. Kinuyom ko ang kamao ko para hindi siya pigilang maglakad palayo. Nakita kong kumapit siya sa braso ni Celine para umalis.
May kasunod na nagbibigay ng regalo, pero nakatungo na 'ko sa gift bag na bigay niya. Inangat ko ang magnetic strap sa uluhan niyon at sinilip ang nasa loob.
Cactus na stuff toy. May note na nasa tinik.
Kinunan ko ng picture ang note, bago ko sana tatanggalin. Pero napasulyap ako kay Aurora at nakitang pabalik siya. Nakita ko ang panic niya sa tagiliran ng mga mata ko.
Ang hirap magkunwaring oblivious nang kalabitin niya ako nang maliit sa braso.
"Uhm . . . I forgot something," aniya.
BINABASA MO ANG
Cliche (Candy Stories #5)
Teen FictionGrowing up insecure, Aurora firmly believes she does not suit someone as perfect as Maxwell. But with him continuing to love her despite her insecurities and fears, will Aurora finally choose to let Maxwell in--or will she keep pushing him away even...
