TCWDM: Nag-e-enjoy ba kayong magbasa so far? I hope you're enjoying dahil nae-enjoy ko rin silang isulat. Labyu ~
***
Natuod ako sa pagkakatalikod ko. Naduduwag akong lumingon kina Calyx at Maxwell at sa tensyon na unti-unting nagpapasikip sa silid kung nasa'n kami. Lagi na lang silang ganito kahit noon. Naiipit ako sa tahimik na pakiramdaman at pagtatalo nila kahit na ayaw ko.
Napagsalikop ko ang mga kamay ko at nakagat ang lower lip ko sa paghihintay sa ikikilos nila. I should turn around.
"Tejeron," narinig kong tawag ni Calyx sa apelyido ni Maxwell. Mabigat ang boses niya. Malamig.
"Cervantes," banggit ni Maxwell sa apelyido ni Calyx.
Magtititigan na naman siguro sila kahit awkward sa mga taong makakikita. Pumihit ako kahit mas gusto ko sanang itago ang mukha ko. I looked like the moon. They should just focus on my ugly face instead of making everyone conscious about their awkwardness.
Gaya ng iniisip ko, nakatingin sila sa isa't isa. Nagpapakiramdaman. Nagsusukatan. Nasasakal ako sa tensyon nila.
Nag-aalala rin ako. Although it's unlikely, baka biglang magtanong si Maxwell kung boyfriend ko pa rin si Calyx. Hindi ako handang sumagot.
Napansin kong kumuyom nang mahigpit ang kamao ni Maxwell bago na-relax. Nawala ang dilim na nasa mukha niya at napalitan ng kaswal na ngiti.
"Ikaw ang sundo ni Aurora," sabi ni Maxwell kay Calyx.
Sumulyap sa'kin si Cal bago hawakan ang kamay ko. "Oo, ako. Ikaw ang chef na kasama niya?"
"Maghapon? Oo, ako."
Napalunok ako. Nakangiti naman na si Maxwell pero mas naiilang ako. Parang nag-aaway pa rin kasi sila nang tahimik.
"Ikaw rin ang naghatid sa kanya dito sa clinic?" si Cal.
"Oo. Iniangkas ko siya sa motor," sagot ni Maxwell.
"Hindi puwede kay Aurora ang motor mo," madiing sabi ni Cal. I tugged at his hand to stop him from saying more but he ignored me. "Sensitive ang balat niya sa polusyon."
"Sa susunod, kotse ang gagamitin ko."
"Hindi mo na siya kailangang ihatid sa susunod."
Pero ngumiti lang si Maxwell at tumingin sa'kin. Lumambot ang ekspresyon niya. "Uuwi na 'ko, Aurora."
Napatango ako. "Ano... ingat."
Pagsulyap niya uli kay Calyx, ang sabi lang niya, "Ingat kayo."
Kumunot lang ang noo ni Calyx. Nang tumalikod si Maxwell at lumabas ng clinic, do'n lang ako nakahinga.
Pero siyempre, sandali lang 'yon. Dahil hindi nawala ang seryosong expression ni Cal kahit nang bumaling siya sa'kin.
"Puwede na tayong umuwi?" aniya.
Tumango ako.
"Halika na."
Hinayaan kong hawak niya ang kamay ko at hila niya 'ko palabas ng clinic.
***
"Bakit mo kasama si Maxwell?" tanong ni Calyx nang nasa kotse na niya kami.
Mahigpit ang kapit niya sa manibela. Nakasimangot siya pero hindi naman galit ang tono. Hindi naman mukhang pagagalitan ako.
Subukan niya lang. Kabado na 'ko maghapon kay Maxwell. I need a break.
"Siya 'yong chef sa resto na assignment ko sa Bon Apetit! app," sagot kong nagbaling ng tingin sa labas ng kotse.
BINABASA MO ANG
Cliche (Candy Stories #5)
Teen FictionGrowing up insecure, Aurora firmly believes she does not suit someone as perfect as Maxwell. But with him continuing to love her despite her insecurities and fears, will Aurora finally choose to let Maxwell in--or will she keep pushing him away even...
Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte