***
Alam kong pabalik na si Maxwell sa kitchen dahil bukod sa yabag niyang naririnig ko, nanghihina rin ang tuhod ko. When I felt him enter the same room, I tried my best to just glance over my shoulder casually—'yong sasandali lang. Pero dahil hindi naman sumunod sa 'kin ang mga mata at instinct ko mula nang tumapak ako sa bahay nila, nahagod ko ang kabuuan niya. Nagsuklay siya, pero may bed hair pa ring nakatikwas. Naka-gray shirt na siya. Pinalitan din ng jogging pants ang pajama pants niya.
Nakahinga ako nang maluwag, bago maipit uli dahil nagtama ang mata namin at ngumiti siya sa 'kin.
"You're really cooking..." mahina ang boses na sabi niya.
"Uhm... yes."
Ibinalik ko ang atensyon ko sa ginagawa ko. Na-mince ko na ang sibuyas at bawang. Nahiwa na rin ang iba pang ingredients. Ang chicken, nakasalang na sa stove. Itong patola na lang ang hindi pa tapos. I'll cook chicken sotanghon for him.
Nakita ko sa peripheral ko na naupo siya sa table sa kanan ko.
"Do you need anything?" untag ko sa kanya.
"Wala. Uupo lang dito."
Lumunok ako. "O-okay."
I concentrated on cooking even though I feel his eyes on me. I finished prepping the everything. I waited on the broth. At nando'n pa rin si Maxwell sa mesa. Nakapangalumbaba siya habang nakatingin sa 'kin—nonchalant about my uneasiness. Hu-hu. Bakit niya pinanonood 'yong pagluluto ko? Wala namang interesting sa chicken sotanghon.
"Uhm..."
"Hmm?" aniyang nag-aabang sa sasabihin ko.
Sumandal ako sa kitchen counter at tuwid na tumingin sa kanya. It will take some time before I finish cooking. He should go somewhere else.
"Hindi ka ba nahihilo?" I asked carefully.
Lalong na-relax ang pangangalumbaba niya. May makulit na ngiti siya na nagpapahirap sa 'king huminga. "Hindi."
"Nagugutom ka na? Kaya mo hinihintay ang food?"
"Medyo lang."
I bit my lip. Magkatinginan pa rin kami. Umeeksena sa pagitan namin ang maliit na ingay ng pagkulo ng broth.
"Uhm... Gusto mo bang manood muna ng TV habang naghihintay sa soup?"
"No."
"Mahiga muna sa kuwarto mo?"
"Pagod na 'kong humiga."
"Magpahinga sa living room?" subok ko pa rin.
"No."
Bakit lahat tinatanggihan niya? Ang laki ng bahay nila. Malapad ang flat-screen TV. Malalaki ang couch. Maaliwalas sa lawn at living room. Ayaw niya ba roon kaysa rito? Hu-hu.
"Uhm... Hindi ka ba aalis dito?"
"Hindi."
"Panonoorin mo lang ba 'ko hanggang mamaya?"
"Oo."
I froze. Again. Na super fail kasi dapat pala, kung magtatanong ako sa kanya, hihinga na muna ako. Para kapag sumagot siya nang nakapagpapalimot sa 'king huminga, I won't die.
Am I just gonna die every time I'd ask him something? Hu-hu.
"Bawal ba'ng panoorin ka, Aurora?" malamlam ang matang tanong niya.
Bawal ba? Siyempre... "H-hi-hindi..."
Ngumiti siya sa 'kin. "Then let me watch you cook for me."

BINABASA MO ANG
Cliche (Candy Stories #5)
Teen FictionGrowing up insecure, Aurora firmly believes she does not suit someone as perfect as Maxwell. But with him continuing to love her despite her insecurities and fears, will Aurora finally choose to let Maxwell in--or will she keep pushing him away even...