Kabanata 3

1.9K 32 3
                                        

"Ano ang pinaka pinagsisisihan mo? Amariah?"tanong ni Ma'am Obquia sa akin ang Filipino 7 instructor namin. 3rd year college na ako, dapat sana ay gruaduation student na ako, kung hindi lang ako huminto noon. At talaga bang sinasadya 'to ng panahon? Ito talaga ang itatanong sa akin? Ano nga ba ang pinaka pinagsisisihan ko?

Marami---- marami akong pinagsisisihan sa buhay ko. At kung iisa- isahin ko yan ngayon sa kanya, malamang matatagalan pa kami. Kulang ang isang araw para I kwento ko ang walang kwentang buhay kong 'to.

"Ma'am ikaw na po."nakangiting sabi ng Nurse sa akin dito sa pinuntahan kong Hospital na tumatanggap ng mga buntis na gustong magpalaglag.

Akmang tatayo na sana ako para sumunod sa nurse ng bigla akong nakaramdam ng pananakit sa tiyan kaya umiling akong tumingin sa kanya.

"I'm sorry, hindi ko kaya, hindi ko kaya."I shuttered sabay takbo palabas ng Hospital na yon.

Sa ginawa ko, wala na akong mukhang maihaharap sa kanila Sister kaya kahit masakit, umalis ako sa poder nila, kailangan kong harapin 'to ng mag-isa, kailangan ko magpakalayo-layo sa kanila.

"Anak? Sigurado ka ba talagang ayaw mo na magpagil sa amin?"tanong ni Sister Jessy.

I nodded. "Sa-sayang po kasi yong opportunity na binigay sa akin. Pupunta lang po ako ng Maramag para mag trabaho, at mag-aral lilipat po ako doon, pero hindi po ibig sabihin no'n ay kakalimutan ko na kayo. Bibisitahin ko naman po kayo." Lie.

Alam ko sa sarili ko na hindi ko na sila kaya makita pa lalo na sa mga maling nagawa ko, wala na akong mukhang ihaharap sa kanila. I love my family, I love this community, sadyang tanga lang talaga ako para gawin ang isang bagay na makasalanan sa mga mata nila.

"Girl, hindi ka na ba talaga mapipigilan sa plano mo?"takang tanong sa akin ni Kim ng pinuntahan ko siya para mag paalam na pupunta ako ng Maramag para maghanap ng Trabaho.

I nodded. "Kailangan ko 'to gawin, para sa anak ko. Para sa sarili ko."

Kumunot ang noo niya. "Bakit kasi ayaw mo sabihin yan kay Allen ha? Tutulungan naman kita eh. Tsaka naman huminto ka sa pag-aaral. Aniya.

Umiling ako. "Hindi niya 'to matatanggap Kim, ayaw kong masaktan ang anak ko. Ayaw ko siyang mamalimos ng pagmamahal sa taong alam ko na hindi siya matatanggap." Sagot ko sa kanya na ikinatahimik niya.

Mahirap para sa akin ang desisyon na ginawa ko kaya kahit masakit, kahit mahirap para sa akin, umalis ako. Lumayo ako, sa pag- asang mabubuhay ko ang anak ko ng mag-isa at hindi humihingi ng tulong sa tatay niya.

"Amariah?"pukaw ni Ma'am Obquia sa akin ng hindi ako agad nakasagot sa kanya.

"Sorry po." I whispered.

"Okay lang, you can answer now."

"Pinagsisisihan ko po? Siguro yong hindi ako nanindigan, naging duwag ako. Pero alam ko naman po, yong pagiging duwag ko, nagbigay ng oportunidad at magandang buhay sa kanya." I said.

"Mrs. Kailangan na po natin mapagamot ang anak niyo sa isang heart specialist, para po maagapan Po agad natin ang sakit niya sa puso." Doctor Labiña said. 3 months na si Amellia at ito kami ngayon sa Hospital, ni hindi ko siya kayang dalhin sa mamahalin na Hospital para ipagamot dahil kulang ang pera ko. Hindi sapat ang sahod ko sa karenderya sa Camp-1 para ipagamot siya kaya dito ko lang siya nadala sa Center.

Hindi ko alam kung paano at sa kung anong dahilan bakit nagkaroon ang anak ko ng sakit sa puso, basta ang alam ko lang nag 50-50 ako noon,buti na lang at mabait ang amo ko sa Karenderya na tinulungan ako noong panahon na nagbubuntis ako sa anak ko.

"Iha, hindi kita huhusgahan, hindi kita pipigilan, pero anak, sigurado ka na ba talaga? Ibibigay mo ba talaga si Amellia sa Tatay niya?" Seryosong tanong sa akin ni Nanay Melinda kaya agad naman akong napahinto sa pagsusulat ko ng sulat na iiwan ko kay Allen oras na dalhin ko si Amellia sa kanila.

Tipid naman akong ngumiti sa kanya."Mahirap po Nay, pero kailangan ko 'to gawin, gusto kong mabuhay ang anak ko. Gusto kong gumaling siya, hindi ko yun maibibigay sa kanya, kaya kahit mawala siya sa akin, ka-kakayanin ko, wag lang siyang tuluyan mawala. Bata pa siya, deserve niyang makita ang mundo, at hi-hindi po ako bagay maging Nanay niya, wala po akong kwentang Ina." I cried.

Agad naman akong niyakap ni Nanay Mia na siyang nagpahagulhol sa akin.

"Shh, naiintindihan ko, naiintindihan kita. At balang-araw alam ko, maiintindihan ka din ng Anak mo.Wika niya.

Pait akong tumawa. "Ka-kahit wag na po, basta maging masaya lang siya kasama ng Tatay niya, at basta mabuhay lang siya wala po akong problema, ayos na ako. Basta buhay siya Nanay, basta buhay ang anak ko.

Dear Allen,

Hindi ko alam kung kilala mo ako, o kung naalala mo ako, pero maglalakas loob akong magpapakilala sa'yo ngayon. 1 year ago sa Isang bar, nakasayaw mo ako, at may nangyari sa atin. At sa gabing yun, may nabuo, nag bunga siya. Mahirap paniwalaan pero ito siya sa harap mo si Amellia ang bunga ng sandaling kaligayahan na yun. Kung nagdududa ka, ipa DNA test mo siya, para maniwala ka na sayo siya galing. Pero sana, tulungan mo siya ipagamot mo siya Allen, ipagamot mo ang anak natin pakiusap. Blue baby siya, kasalanan ko kung bakit weak ang puso niya, hindi ko siya kayang bigyan ng buhay kaya nandito siya ngayon, pinapaubaya ko siya sayo pakiusap bigyan mo ng buhay ang anak natin. Pakiusap mahalin at tanggapin mo siya. Pakiusap Allen, tulungan mo siya.

Nagmamahal,

AZ...

"Riah?"tawag ni Nanay sa akin pagpasok ko sa bahay. Agad ko naman siyang niyakap habang umiiyak sa bisig niya.

"Nay, wala na,wala na si Amellia, iniwan ko na siya Nay. Wa-wala akong kwentang tao."

"Shh, kunin mo siya balang araw, sa ngayon ayusin mo muna yang sarili mo, kunin mo siya balang-araw at Ibigay sa kanya ang magandang buhay na deserve ng anak mo."Aniya na nagpatahimik sa akin.

Sorry anak, sorry kung naging duwag si Mama, sorry kung walang kwentang tao si Mama, sorry kung ganito lang ako, sorry baby ko. Sorry.

"Riah are you okay?"pukaw ulit sa akin ni Ma'am Obquia agad naman akong tumango sa kanya. Pero bigla kong naramdaman ang tubig sa pisnge ko na siyang ikinatigil ko.

Hindi ko man lang namalayan na umiiyak na ako, limang taon na ang lumilipas, pero ang sakit pa rin. Ang bigat pa rin. At ang hirap pa rin. Miss na miss ko na ang anak ko.

I miss my Yesterday's Blessing. I miss my Amellia. My Daughter.

Okaaayyy, last two chapter na lang ang flashback then, present scenes naa,  sanaaa langgg talagaaa makayaaaa at matapos koooo siyang isulat kasiii naman ehhh. Ang bigat. Anyway good morning pooooo. Happy reading.

Angie

My Yesterday's Blessing (Yesterday #3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon