Pagkatapos namin mag usap ni Eros, agad din akong bumalik sa building, at katulad ng parati kong ginagawa simula ng magsimula akong mag trabaho dito, ay muli kong minadali ang trabaho ko, hangga't maari kailangan kong umiwas kay Allen.
Abala ako sa pag-aayos ng manuscripts na pinasa ng mga writers ng company ng biglang nag ring ang phone ko, kaya sandali ko munang tinigil ang ginagawa ko para sagutin ang tawag.
"Hello, Sir?"
"Come to my office now, may ipapagawa ako sa sayo." Usal ni Allen na nagpatahimik sa akin. Malamig ang tono ng pananalita niya, kaya hindi na lang ako sumagot at dali-daling pumu1nta sa opisina niya.
"Sir?"
"Come in." Malamig na saad niya.
"Bakit po?"taka kong tanong sa kanya sa magalang na tono.
Ilang minuto niya akong tinitigan ng seryoso sa mata bago siya nagsalita na siyang nagpakaba sa akin.
"I just want to ask you, and I want you to answer me honestly, yung totoo." Aniya.
Yumuko ako, kung kanina, kaya ko pa na tumitig sa mga mata niya, ngayon bigla akong nawalan ng lakas titigan siya. Pakiramdam ko aatakihin ako sa mga oras na 'to ngayon, lalo na at nasa harap ko na siya ngayon.
"Hi-hindi ko pa po kayo nakita Sir." Kinakabahan kong sagot sa kanya.
"Really? Meaning, dahil lang kay Eros kaya mo ako nakilala?" Malamig na tanong niya.
Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko sa kanya, kinakabahan ako ngayon, pero alam ko na oras na magpadala ako sa kabang 'to maari ko 'tong ikapahamak. Hangga't kaya ko itatago ko ang totoo sa kanya, 2 months lang, dalawang buwan lang at pinapangako kong mawawala na ako sa buhay nila ni Amellia.
"Oo, ngayon lang talaga, tsaka, kung nakilala man kita noon Sir, sigurado akong maalala ko naman po yun."
Tumango siya at tipid na ngumiti sa akin, tila kumbinsido na siya sa sagot ko.
"I see, anyway, let's go, may meeting tayo."Aniya sabay labas niya ng office niya. Dali-dali naman akong sumunod sa kanya papunta sa conference room kung saan ginanap ang meeting.
Aligaga ako. Hindi mapakali. Ngayonng nandito siya sa tabi ko ay parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa.
Ayaw kong sumama sa conference room, pero bilang ako ang pansamantalang assistant niya ngayon ay wala akong magagawa kundi ang samahan siya.
"Scared?" Pukaw ni Allen sa atensyon ko.
Nahihiya akong tumango sa kanya bilang sagot sa tanong niya.
"You don't need to worry, ang kailangan mo lang gawin ay ibigay ang mga proposal documents sa mga investors natin, and after that puwede ka ng umupo sa upuan sa tabi ko.." Aniya.
I nodded.
Mas lalo ata akong kinabahan sa sinabi niya na uupo ako sa tabi niya pagkatapos kong gawin ang pinapagawa niya.
"Problem?" Takang tanong ni Allen ng mapansin niya ang biglang pagtahimik ko.
Umiling ako.
“Wala po Sir, ayos lang po ako." Paninigurado ko sa kanya.
“Good to hear, dahil sinisugurado ko sayo sa simula ka lang talaga maiilang sa akin, pero pag tumagal na, mas komportable ka pa na ako ang kasama kesa kay Eros."
Natawa ako dahil biglang nasali si Eros sa usapan.. “Nahihiya lang po talaga ako Sir."
“Then, I will make sure soon na hindi ka na makakaramdam ng hiya tuwing ako ang kasama mo." Seryosong usal niya.
Tumango ako.
Natatakot ako ngayong palapit na kami sa conference room. Ngayon pa lang ako haharap sa ganitong klase ng mga tao kaya kahit mahirap para sa akin kailangan kong maging pormal at professional sa harap ng mga taong nasa loob ng kwartong yun.
“Good morning everyone. I'm glad at nakarating kayong lahat." sabi ni Allen sa mga investors na ngayon ay naka upo na sa harap namin.
Base sa mga investors ni Allen, lahat sila mayayaman, at ang iba sa kanila ay kasing edad niya lang, hindi ko lubos akalain na ganito na siya ka successful ngayon, ito ata talaga ang resulta ng pagsisikap niya noon, simula ng dumating si Amellia sa buhay niya.
Sa yaman ng mga kasama namin ngayon dito sa conference room, parang gusto ko na lang magtago sa ilalim ng upuan ko at magpakain sa lupa lalo na ngayon at nakatingin silang lahat sa akin habang bitbit ko ang mga dokumento na ibibigay ko maya-maya sa kanila.
“Again... Good morning, everyone..” muling bati ni Allen sa mga investors sabay lapit niya ng labi niya sa tainga ko para bumulong. “You can now distribute the documents."
Napansin ko ang pagtingin ng mga investors sa amin ni Allen, kaya umatras ako ng konti sa kanya, pero bigla niya akong pinigilan na mas lalong nagpakaba sa akin.
Kinakabahan akong tumango sa kanya, sabay lakad ko palapit sa mga investors para Ibigay na ang mga proposal.
“Girlfriend Allen?” tanong ng isang matandang lalaki kay Allen.
“It's too early for that Mr. Gustavo maybe soon.”malamig na sagot ni Allen sa matanda na ikinagulat ko.
“Cena ka nga talaga, inferness, good catch, she's pretty."
Tipid akong ngumiti sa matanda dahil sa sinabi niyang papuring iyon sa akin.
"Anyway let's start the meeting." Putol ni Allen sa katahimikan, kaya dali -dali ko ng tinapos ang pagbibigay ng mga documents sa mga investors sabay upo ko sa katabing upuan ni Allen.
Isang oras din nagtagal ang meeting nila Allen kasama ng mga investors, at dahil wala akong alam sa negosyo ay wala akong naintindihan sa mga pinag- usapan nila.
Sabay kaming lumabas ni Allen sa conference room, pabalik na kami sa opisina niya ng bigla siyang tumigil sa paglalakad at seryosong humarap sa akin.
"Next time, puwede kang hindi ngumiti sa harap ng mga ka meeting ko, o kahit sino pa yan, lalo na kung hindi ka komportable." Seryosong usal niya na nagpatahimik sa akin.
Umiling ako. Sabay titig ko sa kanya ng seryoso.
"Okay lang naman Sir, tsaka, nakakawalang galang po kung hindi ako ngingiti sa kanila, trabaho ko po yun bilang assistant niyo." Sagot ko sa kanya.
Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko.
"As my assistant, trabaho mo na tulungan ako sa trabaho ko, pero hindi kasama do'n ang ngumiti ka sa mga ka-trabaho ko, kung gusto mong ngumiti, ngumiti ka sa harap ko, dahil mas gusto kong ako lang ang nakakakita sa mga ngiti mo." Aniya na ikinatigil ko.
"Sir....." Hindi ko natapos ang gusto kong sabihin ng biglang may isang boses ng batang babae ang sumingit sa usapan namin dalawa.
"Daddy, Ate."
"Amellia."
Happy New Year, Welcome back My Yesterday's Blessing. Focus na tayo sa kanila Allen at Riah para sa buwan na 'to, at sana masaya kayo ngayong new year, you did a great job sa taon na 'to everyone.... Xoxo.Enjoy reading.
Thank you for being part of my 2023 readers, mahal ko kayo, silent man kayo o hindi....
See you next year....
Angie
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Blessing (Yesterday #3)
Romance(COMPLETED) (UNEDITED) Publishing Company owner x Filipino Major Amariah Zoey Belmonte 3rd year college student taking up Bachelor of Secondary Education Major in Filipino, ang babaeng handang gawin para mabuhay. Malakas at mas masipag pa siya sa k...
