Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa oras na 'to, wala sana akong balak sumama sa kanya ngayon, lalo na at gulong- gulo pa rin ako sa mga narinig ko sa kanya kanina, hindi ko alam kung totoo ang mga sinabi niya, ayoko na umasa, mas masasaktan lang ako, may Stacey na siya, hindi na ako dapat makigulo sa kanila. Masaya na siya.
"Allen, uuwi na ako." I muttered.
Nakayuko ako, hindi ko magawang tingnan siya sa mga mata niya, natatakot akong makitang pinag- lalaruan niya lang ako ngayon, natatakot akong makita niya na sobra na akong nahihirapan ngayon.
"Kakalimutan ko ang tungkol sa mga sinabi mo kanina. I know, naguguluhan ka lang." I said.
Saglit niyang tinigil ang sasakyan na nagpatingin sa akin sa kanya. Seryoso siyang nakatitig sa akin, habang ako ito kinakabahan na kaharap siya ulit.
"Can you please stop lying? Kahit ngayon lang Ria, magpakatotoo ka, I know mahal mo pa ako tama? You still in love with me right? Tell me!" He said coldly...
Ramdam ko ang galit sa mga salitang binitiwan niya, galit na alam ko saan nagmula. Kasalanan ko, sinaktan ko siya, sinaktan ko sila.
Umiling ako. "I'm not lying Allen, kakalimutan ko lahat ng sinabi mo kanina, alam kong naguguluhan ka lang. At hindi na importante kung ano ang nararamdaman ko. Masaya kana." Sagot ko sa kanya.
Labis man ang kabang nararamdamam ko ngayong kami lang dalawa ang nasa loob ng sasakyan niya. Lalakasan ko ang loob ko, ayoko na makita niya akong nanghihina, ayoko na makita niya pa akong sugatan at nagdurusa.
"Sabing tama na! Stop lying!" Sigaw niya.
I stopped. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya pa malaman kung anong nararamdaman ko, naguguluhan na ako sa kanya. Gulong- gulo na ako.
I sighed.
"Hindi nga ako nagsisinungaling Allen, totoo ang sinasabi ko." Depensa ko.
Kumunot ang noo niya, bago hinawakan ang kanang kamay ko, sabay lagay nito sa bandang dibdib niya.
"Really? Then, listen, hindi na kita pipilitin aminin sa akin na mahal mo pa rin ako, kasi aminin mo man o hindi ramdam ko, ako pa rin, at walang iba. Tama?"
Umiling- iling ako. "Bababa na ako." Sagot ko na lang sa kanya sabay bukas ko sana ng pinto nitong sasakyan niya nang bigla niya akong pigilan.
"Allen ano ba?" Angal ko sa kanya.
"Hindi ka aalis... Mag- uusap tayo." Aniya.
"Wala tayong dapat pag- usapan, tapos...."
"Hindi pa tayo tapos, at kailanman hindi tayo matatapos."putol niya sa sasabihin ko. Sabay lapat ng labi niya sa labi ko.
Hindi ako nakagalaw, buti na lang at hindi nagtagal ang ginawa niyang paghalik sa akin dahil agad rin siyang bumitiw pagkalipas ng ilang segundo.
"Mahal kita Zoey, hindi ko alam kailan at paano nagsimula, basta mahal kita, at aminin mo man sa akin o hindi alam ko, mahal mo rin ako. Hindi na kita pipilitin umamin, maghihintay ako, maghihintay ako hanggang dumating ang araw na masabi mo rin sa akin na mahal mo ako. Hindi ako aalis, hinding- hindi ako mawawala, hanggang sa oras na yun." Aniya na nagpatahimik sa akin.
Napalunok ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot sa mga sinabi niya. Natatakot ako, kinakabahan ako.
Umiling ako. "Allen, hindi mo naiintindihan, ayoko na makagulo sa inyo ni Stacey, alam ko masaya ka na sa kanya, alam ko gusto mo siya, hindi mo kailangan sabihin sa akin na ako pa, kasi alam ko naman na hindi na ako, tama na Allen, masasaktan lang natin ang isa't- isa paulit- ulit! Tama na!" My voice broke into tears.
Nanghihina na ako, gustong- gusto ko na bumigay, gusto ko na siyang yakapin. Pero kung gagawin ko yun? Paano si Stacey? Ayoko na makasakit.
Nanlaki ang mata niya. Tila naguguluhan siya sa sinabi ko.
"Stacey? What about Stacey? Anong tungkol sa kanya?" Takang tanong niya sa akin.
"Girlfriend mo siya tama? I asked. "Ayoko makasakit Allen, I saw you, masaya ka na kasama siya, ramdam ko yun. Kahit wala kang sinasabi, alam ko na masaya ka sa piling niya, ayoko na guluhin ka pa, may Stacey kana." I said.
He smiled. Ngumiti siya na mas lalo lang nagpagulo ng isip ko sa mga oras na 'to.
"You mean? Nagseselos ka? You're jealous right? Tell me love, nagseselos ka diba?" Nakangiting tanong niya sa akin.
Umiwas ako ng tingin. Hindi ko alam, pero biglang uminit ang mukha ko dahil sa tanong niya.
"Damn! Dapat lang talaga na bigyan ko bg reward si Von dahil dito. He's right, tama siya! Magseselos ka nga."Aniya.
"Anong sinasabi mo? Hindi ako nagseselos." Pagsisinungaling ko.
Oo, nagseselos ako, oo, nasasaktan ako. Pero hindi ko kayang aminin yun sa kanya, natatakot at nahihiya ako.
"Damn baby! Thank you. Hindi mo alam kung gaano ko kagusto na makitang nagseselos ka sa amin ni Stacey, akala ko ako lang ang magseselos sa inyo ni Eros. But knowing na nagseselos ka sa amin ni Stacey, sobrang saya ko. Finally! May matinong idea rin nabigay sa akin si Von." He answered.
Hindi ko siya maintindihan, ibang- iba ang sagot niya sa sinabi ko. Tila wala siyang pakialam sa sinasabi ko, ang galit sa mga mata niya kanina ay naglaho, napalitan ng kung ano.
"Hindi talaga kita maintindihan Allen, aalis na ako." Sagot ko na lang sa kanya.
Umiling siya bago hinawakan ng tuluyan ang dalawang kamay ko.
"Hindi na mahalaga kung hindi mo ako maintindihan, ang importante, nagseselos ka, ang importante, alam kong ako pa rin, hindi mo man sabihin, alam ko, kaya desidido na ako, liligawan kita Zoey, payag ka man o hindi liligawan kita." He said seriously.
Seryoso siya sa sinabi niya, ramdam ko yun sa paraan ng pagtitig at pakikipag- usap niya sa akin. Ang hindi ko lang maunawaan. Bakit niya ako liligawan kung may Stacey na? Paano na si Stacey?
He sighed and gently caressed my cheek.
Yumuko ako. Pakiramdam ko matutunaw ako sa mga tingin niya, mga tingin niya na dahilan bakit ako nagkagusto sa kanya noon.
"Kung hindi rin lang ikaw, wag na lang. Noong nakilala kita, noong mga araw na kasama kita, pinangako ko na sa sarili ko na ikaw na talaga, kahit anong mangyari, kahit gaano pa ako katagal maghintay, ayos lang, para sa'yo, handa akong maghintay dahil wala na akong ibang gustong pakasalan at makasama sa buhay ko, maliban kay Amellia, Ikaw lang, Amariah Zoey, nag- iisa ka. I love you not because may anak tayo o dahil sa init na nararamdaman ko tuwing katabi kita. I want you to know that I love you. I really do, at walang kahit anong salita ang makakapaliwanag kung bakit mahal na mahal kita. Wanna know why? Kasi kahit ako, hindi ko rin alam ang dahilan , ang tanging alam ko lang, na siguradong- sigurado ako simula noong araw na makita kita sa fast food, kasama ni Eros, ramdam ko na Ri, you're the only one, ikaw ang para sa akin. Ikaw lang."
Pasensiyahan niyo ko kung Filipino ang gamit ko sa confession nila ha, hindi sa ayaw ko sa English, maliban sa hindi ako magaling sa language na English, mas feel ko talaga ang Filipino language basta confession, reason? wala lang, sagad lang hanggang buto ang feels.. so that's why? Anyway happy reading. Good afternoon.
Angie
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Blessing (Yesterday #3)
Romance(COMPLETED) (UNEDITED) Publishing Company owner x Filipino Major Amariah Zoey Belmonte 3rd year college student taking up Bachelor of Secondary Education Major in Filipino, ang babaeng handang gawin para mabuhay. Malakas at mas masipag pa siya sa k...