Kabanata 20

839 15 2
                                    

Naka uwi na ako sa boarding house na tinutuluyan namin ni Jackie, pero hanggang ngayon tulala at hindi pa rin ako sa makapaniwala sa mga nangyari kanina sa opisina at sa mall. Pakiramdam ko nanaginip lang ako kanina, sa kadahilanan na akala ko imposible ng mangyari na makasama ko ang mag-ama ko ng gano'n, katulad kanina.

"Ri, nandito ka na pala, kumain kana?" Tanong ni Jackie sa akin.

I smiled.

"Oo, Ikaw?" Nakangiting sagot at tanong ko sa kanya.

"Yes, kung nagugutom ka pa, may lechon manok pa diyan sa ref, gusto mo initin ko?" She asked.

Umiling ako.

"Wag na, busog na ako promise, napaaga ata uwi mo? Hindi na madami ang ginagawa?"

Tipid siyang ngumiti sa akin sabay kuha niya ng tuwalya sa kwarto niya, mukhang maliligo na siya, katulad ng parati niyang ginagawa.

"Marami pa rin, pero hindi na katulad last week, at isa pa, laking pasalamat ko talaga at naka uwi ako ng maaga ngayong gabi, lalo na ngayon." Ani niya na pinagtaka ko.

"Ha?"

"Tse, marami kang utang na chika sa akin girl, hintayin mo lang, pagkatapos kong maligo, gigisahin talaga kita." Sagot niya ng may mapang-asar na ngiti.

Hindi na lang ako sumagot, dahil alam ko na pag nag react pa ako ay mas lalo pa siyang mang-aasar sa akin.

Pagkatapos ng nangyari kanina sa akin, kasama si Amellia at Allen, wala na akong mahihiling pa, nakasama ko na sila kahit saglit lang at ayos na ako do'n, silang dalawa lang naman ang dahilan kung bakit pa ako nandito sa CDO, kung hindi dahil sa kanila, malamang sumama na talaga ako kay Eros, pabalik ng Bukidnon.

"Girl." Rinig kong tawag ni Jackie sa akin mula sa rest room.

Akmang sasagot na sana ako sa kanya, ng biglang nag ring ang phone ko, kaya nilakasan ko na lang ang boses ko para magpaalam sa kanya na sasagutin ko muna ang tawag sa cellphone ko.

Pagkatapos ko magpaalam kay Jackie, ay dali-dali kong kinuha ang cellphone ko para tingnan kung sino ang tumawag at ng makita ko ang pangalan ni Allen sa screen ay agad ko itong sinagot.

"Hello Sir?"

"Are you home?" Malamig na tanong niya.

Hindi ako agad nakasagot sa tanong niya, sanay ako sa malamig na tono ng boses niya, pero pakiramdam ko ang tono ng boses niya ngayon ay kakaiba, may halong galit na hindi ko maintindihan.

"Riah?"

"Yes Sir, kanina pa po." Kinakabahan kong sagot sa kanya.

"Good, tumawag lang ako para magtanong, and I want you to answer me honestly, puwede ba?"

"Opo Sir, tungkol po saan?"

"Totoo ba talaga ang sinabi mo kanina? Hindi mo ba talaga ako kilala ever since? Wala ba talaga tayong naging ugnayan before?" Sunod-sunod na tanong niya na muling nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Hindi ko alam kung anong nangyayari, pero parang bigla akong natakot sa paraan niya ng pakikipag- usap sa akin ngayon. Nagpapasalamat ako dahil hindi ko siya kaharap sa oras na 'to, dahil sigurado ako once na nasa harap ko siya alam kong bibigay ako at maamin ko sa kanya ang totoo kung sino ba talaga ako.

"Still there?" Tanong niya na gumising sa akin sa pag-iisip ko.

I nodded. "Opo Sir, nasagot ko na po yan kanina, at sinisigurado ko po sa inyo, kailanman hindi pa tayo nagkita noon." I said.

Kinakabahan man ako sa oras na 'to, hindi niya yun puwede mahalata, hangga't maari, hangga't kaya ko.

"Sir.." Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang na off ang tawag na siyang pinagtaka ko. Susubukan ko pa sana siyang tawagan ulit ng biglang lumabas si Jackie sa CR at lumapit sa akin.

"Napano ka?" Takang tanong niya.

Umiling ako.

"Ayos lang, may ano lang..."

"Ano? Tungkol kay Sir Allen?" Takang tanong niya na ikinagulat ko.

Umiling-iling ako bilang sagot sa tanong niya.

Pero ang bruha imbes na maniwala sa akin, ngumiti pa ng mapang-asar.

"Asus girl, maloloko at mapapaniwala mo ang ibang tao, pero hindi ako, I know you, hindi kita pipilitin na sabihin sa akin ang totoo pero nandito lang ako para sayo, you can
tell me anything, tsaka, kung gusto mo si Sir, wala naman masama do'n tao ka lang, at isa pa, bagay kaya kayong dalawa, basta ba, isa lang advice ko, wag mo muna isusuko ang Bataan okay." Aniya na nagpatahimik sa akin.

Tipid akong ngumiti sa kanya, bilang tugon sa sinabi niya. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na tapos na, nasuko ko na si Bataan, may Amellia na nga kaming dalawa, pero hindi ko kaya, alam ko hindi ito ang oras para malaman niya kung ano ba talaga ang namamagitan sa amin ni Allen, siguro pagkatapos na ng trabaho namin sa opisina ni Allen, siguro sa oras na yun, handa na akong sabihin sa kanya na may anak ako kay Allen, na nagka-anak kami ni Allen.

"Okay ka lang?" Tanong niya.

I nodded.

"Oo, at yung tungkol sa amin ni Sir Allen, wag ka maniwala sa iba, tsismis lang yun, imposibleng magkagusto sa akin yun at hindi ko rin siya puwede gustuhin, lalo na at noon pa mahal ko na siya.

"Anong hindi puwede gustuhin?"takang tanong niya.

Umiling ako.

"Wala, pakiramdam ko lang, wala akong karapatan sumaya." Mahinang sagot ko sa kanya.

"Gagi ka! Anong walang karapatan sumaya? Baliw ka ba? Lahat ng tao may karapatan sumaya, kahit yung pinakamasamang tao sa mundo may karapatan pa rin sumaya at mabigyan ng second chance 'no, ikaw pa kaya na hindi makabasag pinggan."

Natawa na lang ako sa sinabi niyang hindi makabasag pinggan, e, demonyo nga ako, iniwan ko ang anak ko, sinukuan ko ang baby ko. Kung alam niya lang.

"Sana lahat, pero ako, hindi ko alam, I can't remember the last I was happy. Yung totoong saya, yung hindi peke, yung sayang wala akong ibang iniisip."

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya, bago muling nagsalita.

"Tss, shut up, Ri, magtiwala ka lang, lahat ng tao sasaya, hindi man ngayon, bukas basta dadating din yung time na sasaya tayo ng totoo, maniwala ka lang, deserve mo kayang sumaya, sa bait mo? You deserve all the love and happiness in the world, trust me."

Angie...

Hello, good evening, update lang ako, dahil bumabawi ako, sa ngayon ito na muna everyone, happy reading. Mwah. Xoxo...





My Yesterday's Blessing (Yesterday #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon