To my Allen and Amariah
Sa anim na buwan kong sinusulat kayo, masasabi kong naging masaya ako, naging malungkot at naging malakas, ako ang gumawa sa inyo, ginawa kayo ng isip ko, pero habang sinusulat ko ang kwento niyo ang dami kong natutunan at isa na do'n yung kahit anong nangyari sa nakaraan mo, habang may bukas pwede ka pang bumangon, at bumawi. Salamat Ria at Allen, palagi kong dadalhin saan man ako pumunta ang mga alaala ko habang sinusulat ko kayo. Mahal ko kayong dalawa.
To my Readers,
Katulad ng mga nauna kong kwentong sinulat, hindi ito perpekto, the way I write? My style of writing? Hindi siya kasing ganda ng iba, pero sana, kahit konti, may madala kayong aral sa kwento nila Riah at Allen. Yes, teenage pregnancy ay kasama sa plot ng story, but hindi po ibig sabihin no'n ay nino- normalize ko po ang ganito. Gusto ko lang po ipakita rito kung anong posibleng hirap ang maii- counter sa teen- age paregnancy. Kaya mas mabuting pag- isipan ng mabuti ang mga ginagawa natin. Para wala tayong pagsisihan sa huli.
At para sa mga nakasama ko sa simula hanggang matapos ko ang kwentong 'to. Salamat, marami- maraming salamat sa inyo. Sa mga nagbabasa at magbabasa pa, maraming maraming salamat, hindi ko 'to matatapos kung wala kayo. Mahal ko kayo. And I appreciate you all palagi.See you at My Yesterday's Sunshine. Nawa'y samahan niyo ulit ako sa kwento ni Von at Cielo. Adios! Maraming salamat.
Angie
Maraming nangyari sa buhay ko na hindi inaasahan, ilang beses akong muntikan ng sumuko sa buhay ko, ang panaginip lang para sa akin dating na makasama ang mag-ama ko, Ngayon ay nangyayari na. Hindi ko man alam kung deserve ko 'to, pero nagpapasalamat ako, dahil binigyan ako ng pagkakataon na bumawi sa kanilang dalawa. Kung noon naging duwag ako na ipaglaban ang totoong gusto ng puso ko, ngayon hindi na, ngayon lalaban na ako, ngayon mamahalin ko na sila ng buong puso.
"Pwede ka ba maistorbo saglit?"
Nakangiti akong lumingon sa likod ko ng marinig ko ang boses ni Eros.
"Eros, ikaw pala. Bakit? May problema? Tako kong tanong sa kanya.
Umiling siya. "Wala naman, gusto lang kitang makita para sabihin na, sobra akong proud sayo. Maraming nangyari sa buhay mo, pero hindi ka sumuko, ilang beses kang umiyak, pero nagpakatatag ka, hindi ka nagpatalo sa mga problema na walang ibang ginawa kundi pahirapan ang isip mo." Sagot niya.
I smiled. "Hindi ko naman magagawa lahat ng yun kung wala kayo nila Tito at Tita." I said.
"Ang tanging ginawa lang namin ay iparamdam sayo na hindi ka nag- iisa, na may pamilya ka. Ikaw mismo ang gusto lumaban para magpatuloy sa buhay, na sobrang kong pinapasalamat sayo, kasi hindi ka sumuko, kasi pinili mong lumaban para sa buhay.
I sighed.
"Ewan ko sayo, tsaka, bakit ba ang drama mo ngayon? Aalis ka na naman ba? Pupunta kang Amerika? Kumusta na si Julia?" Sunod - sunod kong tanong sa kanya.
"Okay lang siya, tsaka, pupunta naman talaga ako sa kanya, pero pagkatapos na ng araw na 'to. Espesyal sayo 'to, kaya ayaw kong mawala, gusto kong makita kung paano ka iiyak ngayong araw." Aniya na pinagtaka ko.
"Ha?" Nagkibit- balikat ako. "Hindi kita naintindihan."
Nagtaas siya ng kilay, bago ngumiti ng pabiro sa akin. "Malalaman mo rin mamaya, sa ngayon, sige na, tara na, at kanina ka pa nila hinihintay lahat." Sagot niya.
"Hinihintay? Ano bang meron? At isa pa.."
"Daming tanong, basta, sana Ri, hiling ko lang sayo, sana ngayong araw na 'to piliin mong maging masaya, piliin mo ang puso mo. Sana, ngayong araw na 'to, palayain mo na ng tuluyan ang sarili mo sa nakaraan. At laging mong tandaan, na nandito lang ako, awayin ka lang ni Allen, takbo ka lang sa akin, tutal sanay na kayo nila Julia na gamitin ako, lubusin niyo na, nandito lang ako, kakampi niyo ako palagi." He said and smiled.
![](https://img.wattpad.com/cover/247326850-288-k857263.jpg)
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Blessing (Yesterday #3)
Romance(COMPLETED) (UNEDITED) Publishing Company owner x Filipino Major Amariah Zoey Belmonte 3rd year college student taking up Bachelor of Secondary Education Major in Filipino, ang babaeng handang gawin para mabuhay. Malakas at mas masipag pa siya sa k...