Tumakas ako. Alam kong walang galang ang ginawa kong pag- alis sa restaurant at iniwan ang pamilya ni Allen na hinihintay pa rin ako hanggang ngayon, pero hindi ko kaya, wala na akong lakas na makita pa silang lahat ngayon, kaya kahit nakakahiya tinext ko si Allen na may emergency akong pupuntahan kaya hindi na ako makakasama sa kanila kung saan pa sila pupunta sa araw na yun. Alam kong magtatanong pa siya ng mga kung ano- ano, kaya walang pag dalawang isip na ini- off ang cellphone ko para hindi niya na ako ma contact o maka usap pa, bago naghanap ng pinakamalapit na hotel para doon magpalipas ng gabi.
Kinabukasan, nagmamadali akong pumunta sa park na sinasabi ni Kim, ilang taon na rin ng huling punta ko dito at masaya akong makita ulit ang lugar na 'to kahit saglit lang. Pagkatapos kong makausap si Kim kagabi sa cellphone, hindi na ako mapalagay sa kakaisip, kung anong dahilan? Bakit? Bakit kinausap siya ni Allen? Alam na ba ni Allen ang totoo? Hindi ko alam, gulong- gulo ako.
"Riah." Masayang tawag ni Kim sa pangalan ko pagdating na pagdating niya. Isang mahigpit na yakap ang sinalubong niya sa akin na ikinangiti ko.
"Kim. Masaya ako, masayang akong makita ka ulit." I said..
Bumitiw siya sa pagkakayakap sa akin sabay harap niya sa akin ng seryoso.
"Let's catch up soon best, but for now may kailangan kang malaman." Aniya.
"Ano? Tungkol saan?" Taka kong tanong sa kanya.
Halata sa mukha niya na kinakabahan siya, hindi man niya sabihin sa akin yun, alam kong may iniisip siyang mahalagang bagay na dapat kong malaman.
"Best, hindi ko alam kung paano sasabihin, pero kasi si Allen, last week pinuntahan niya ako, at tinanong kung kakilala kita, gusto ko sana mag sinungaling, believe me, pero may dala siyang picture noong nasa bar tayo, yung birthday mo, at alam mo na, yung sa inyo ni Allen." Aniya na ikinatigil ko.
Umiling ako. Alam niya na? Pina imbestigahan niya ako? Pero paano? At ano ang plano niya? Ano?
"Kaya nasabi ko na kaibigan kita, tinanong niya rin ako kung galing ka ba daw talaga sa ampunan, kaya sinabi ko ang totoo, pero maniwala ka best, yun lang ang sinabi ko, wala na rin naman siyang ibang tinanong sa akin, yun lang."
Hindi ako kumibo, parang huminto ang oras sa paligid ko, pagkatapos sabihin ni Kim sa akin ang lahat. Nanginginig ako, pakiramdam ko, kulang na lang kainin ako ng lupa dahil sa takot na nararamdanan ko, anong plano niya? Maghiganti? Saktan ako? Pa- Ibigin tapos iwan?
"Ri."
Ngumuso ako. "Aalis na ako." Kinakabahan kong sabi sa kanya.
"Hindi, sasamahan kita, hindi ka pwede umalis mag- isa." Pigil sa akin ni Kim ng akmang aalis na ako.
Hindi na lang ako tumutol, magkasama kaming pumunta sa bahay nila Allen dito Malaybalay, at kinakabahan man ako sa oras na 'to, wala na akong pakialam, natatakot man ako para sa pwedeng mangyari, wala na akong pakialam, kailangan ko malaman ang totoo.
"Sigurado ka ba talaga na kakausapin mo siya? Malay mo naman hindi niya alam yung sa baby niyo." Nag-aalalang tanong sa akin ni Kim.
I nodded.
"Kailangan at kung sakaling alam niya na ang nagawa ko."
"A-anong gagawin mo?" Putol niya sa sasabihin ko.
"Luluhod ako, magmamakaawa ako na saktan niya na lang ako, gawin niya lahat ng gusto niyang gawin sa akin, kung gusto niyang maghiganti, gawin niya, basta hihilingin ko lang sa kanya na wag na sana niya akong sirain sa anak namin, na kahit ilang araw lang gusto ko makita at makasama ang anak ko, si Amellia." Walang kabuhay- buhay na sagot ko sa kanya.
Wala akong lakas habang papasok kami sa bahay nila Allen, kung wala si Kim sa tabi ko, malamang natumba na ako sa sobrang takot at kabang nararamdaman ko ng mga oras na 'to, pero para sa anak ko, kahit mag mukha akong kawawa, kakausapin ko si Allen para kay Amellia.
"Ma'am nasa meeting lang po si Sir, pakihintay na lang po siya dito." Sabi ng katulong nila sa akin pagpasok namin sa sala ng bahay nila.
I smiled.
"Salamat po." Sagot ko sa kanya.
Pagkaalis na pagkaalis ng katulong sa harap namin ni Kim, napagpasyahan ko munang maglakad- lakad sa bahay nila Allen, hanggang dinala ako ng mga paa ko sa garden nila.
Nasa garden si Von at Jade ang dalawang pinsan ni Allen, halatang seryoso silang nag- uusap dalawa. Akmang aalis na sana ako para hindi nila isipin na nakikinig ako sa kanilang dalawa ng biglang narinig ko ang pangalan ko. Kaya imbes na umalis ng tuluyan, nagtago ako sa Isang poste, para kahit papaano mapakinggan ko ang pinag uusapan nila.
"Hindi ko akalain na si Zoey ang Nanay ni Amellia. Then now? Anong plano ni Allen? Talaga bang mahal niya na ang Inang nang- iwan sa anak niya?" Tanong ni Von kay Jade.
I stopped. Ibig sabihin alam niya na talaga? Pero paano? Maraming tanong ang pumasok sa isip ko, kaya saglit ko pang tinuloy ang pakikinig sa kanilang dalawa.
Tipid na ngumiti si Jade bago sagutin ang tanong ni Von.
"I don't know? Who knows? Hindi natin alam ang nasa isip ni Allen, pero base sa pagkakakilala ko sa pinsan natin na yun. I know, hindi niya lang basta hahayaan ang ginawa ni Zoey." Sagot ni Jade.
"Yeah, baka nga plano niya talagang paiibigin yung babae, tapos iwan, katulad ng ginawa ng babae na yun kay Amellia." Ani ni Von na ikinabigla ko.
Tama ako!
Aalis na ako, ang sakit, hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan ngayon, lalo na at deserve ko naman talaga na paghigantihan, pero ang hindi ko maintindihan, bakit? bakit kailangan niya pa itago na alam niya na ang totoo. Allen? Anong plano mo?!
"Kim---- Tara na." Naiiyak kong sabi kay Kim pagbalik ko sala. Hindi ko na tinapos ang pag- uusap ng magpinsan dahil pakiramdam ko hindi ko na kakayanin ang mga susunod pang sasabihin nila.
"Ha? Akala ko ba kakausapin mo pa si Allen?" Taka niyang tanong.
Umiling ako.
"Hindi ko kaya Kim, siguro nga ito ang tama, ito ang nararapat, ang tuluyan akong mawala sa buhay nilang dalawa ni Amellia. Tutal sa simula pa lang, pagkatapos ng mga nagawa ko? Wala naman talaga akong karapatan pumasok sa buhay nila, they both deserve someone na hindi sila sasaktan, hindi katulad ko na walang kwenta."
Sa story na 'to talaga, sobrang dinadown ni Riah ang sarili niya kaya please wag sana kayo magtaka kung bakit ganito ang character niya. Thank you happy reading.
Angie
![](https://img.wattpad.com/cover/247326850-288-k857263.jpg)
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Blessing (Yesterday #3)
Romansa(COMPLETED) (UNEDITED) Publishing Company owner x Filipino Major Amariah Zoey Belmonte 3rd year college student taking up Bachelor of Secondary Education Major in Filipino, ang babaeng handang gawin para mabuhay. Malakas at mas masipag pa siya sa k...