Kabanata 31

1.2K 15 2
                                        

Trigger Warning

Dalawang araw na simula ng nalaman ko na alam pala talaga ni Allen ang totoo, ni hindi na ako lumabas pa ng kwarto kung saan ako tumutuloy ngayon, iniiwanan ako ni Kim ng pagkain pero wala akong ganang kainin ang mga yun, pakiramdam ko gusto ko na lang mawala, pakiramdam ko gusto ko lang maglaho, nasasaktan ako, masakit, pero alam ko wala akong kasalanan masaktan sa mga nangyari, kasi kasalanan ko, kasi wala akong kwentang tao.

"Ayaw mo pa rin ba talagang kumain? Dalawang araw ka na daw walang ganang kumain."

Walang pag-alinlangan na lumingon ako sa likod ko kung saan narinig ko ang boses ni Eros.

"Eros."

"Shh, kumain na tayo." Aniya bago lumapit sa akin para yakapin ako.

Umiling ako. Sabay ng pag- iling ko ang pagtulo ng luha na kanina ko pa pinipigilan lumabas.

"Tara na, sasamahan kita, kumain na tayo."

"Para saan pa? Hi-hindi ko kaya Eros--- Gusto ko na mawala Eros, gusto ko na maglaho Eros, ayaw ko na. Nasaktan ko sila, iniwan ko sila, gusto niya akong paghigantihan, gusto niya akong saktan dahil sa ginawa ko sa kanila, ayaw ko na Eros--- Ayaw ko na."

Dahan- dahan niya akong pinaharap sa kanya, sabay hawak niya sa dalawang kamay ko. "Ri--- kalma, nandito lang ako, hindi kita iiwan, ginawa mo lang ang sa tingin mong nararapat ng mga oras na yun, at kung sakaling hindi man maintindihan ngayon ni Allen ang ginawa mo para kay Amellia, alam ko, naniniwala akong dadating ang araw na maiintindihan ka niya, at matatanggap ka pa rin ni Amellia, kasi Nanay ka niya at anak mo siya." Pagpapakalma ni Eros sa akin na ikinatingin ko sa kanya.

"Wa- wala akong kwenta Eros--- Sana, sana mawala na lang ako, sana maglaho na lang ako, kasi hindi ko na kaya Eros-- ayaw ko na." Utal kong sagot sa kanya.

"Tama na, please --- hindi solusyon ang gusto mong gawin sa buhay mo, marami kaming nagmamahal sayo, nandito ako, wag mo naman ako iwan Ri. Tsaka, wala tayong karapatan na kunin ang buhay na pinahiram ng Diyos sa atin, lumaban ka Ri, mahirap pero alam ko, naniniwala akong kaya mo, kaya mo kasi si Amariah Zoey ka, kaibigan ko, best friend ko, kapatid ko." Naiiyak na sagot niya na nagpatigil sa akin.

"Pero Eros-- wala akong kwenta!"

"Shh, Ri, makinig ka, may kwenta ka, mahalaga ka, at please uulitin ko, marami kaming nagmamahal at naniniwala sayo. Oo, may nagawa ka noon, oo, hindi tama ang ginawa mo noon, pero Ri, bilang Ina, ginawa mo lang ang lahat para sa anak mo, para mailigtas siya at magkaroon ng magandang buhay. Kaya tara na, kumain na tayo, kasi may mga naghihintay pa sayo, na gustong- gusto ka na makita." Putol niya sa sasabihin ko."

Ngumuso ako.

"Anong? Sino?" Taka kong tanong sa kanya.

"Secret muna, kaya sige na kain ka na, para puntahan na natin sila." Sagot niya na ikinatahimik ko na lang.

Wala akong ganang kumain, ni hindi ko nga malunok ng maayos ang pagkain na binigay sa akin ni Eros, pero dahil ayaw ko siyang mag-alala sa akin, kahit hindi ko kayang kumain, kahit wala akong lakas para kumain ay kumain pa rin ako para sa kanya.

"Ano? Ready kana?" Tanong niya.

Gulat akong tumingin sa kanya, hindi ko alam kung ano ang tamang salita na dapat kong sabihin sa kanya, lalo na at dito niya ako dinala sa lugar na hindi ko akalain na makikita ko pa. Ang ampunan na pinangalingan ko, ang unang pamilya ko.

He nodded.

"Alam kong mabigat ang pinagdadaanan mo ngayon, alam kong mahirap, oo, nandito ako para sa'yo, pero alam ko na iba pa rin ang epekto kung sila ang makakausap mo. Kaya dinala kita dito." Aniya.

I smiled.

"Thank you." Mahina kong sagot sa kanya.

He smiled. Sabay hawak niya sa kamay ko. " Let's go." He said.

Sabay kaming naglakad papasok sa loob ng ampunan at tulad ng dati, ngiti ng mga batang naglalaro ang sumalubong sa akin. Mga batang inosente, mga batang matatapang, kahit na iniwan ng mga magulang, nananatili pa rin silang nakangiti na sinasalubong ang bukas.

"Ate Riah."

"Ate, ikaw nga..."

"Si Ate bumalik na." Nakangiting bati sa akin ng mga batang minsan ko ng nakasama dito sa ampunan habang papalapit sila sa amin ni Eros.

Agad ko silang niyakap ng mahigpit ng makalapit na sila sa akin, at sa ikalawang pagkakataon, muling tumulo ang mga luha ko habang yakap- yakap silang lahat.

"We miss you ate, miss ka po namin lahat." Sabi ni Marco na siyang nagpangiti sa akin.

"Na- miss ko rin kayo, miss na miss ko rin kayo." Sagot ko sa kanila habang patuloy pa rin ako sa pag-iyak.

Akmang sasagot pa sana si Marco, ng biglang may isang boses mula sa likod ko ang sumingit, boses na kilalang- kilala ko.

"Hija.... Zoey..."

Binaling ko agad ang tingin sa likod ko, kung saan nakita ko si Sister Jessy na ngayon ay nakangiting nakatingin sa akin.

"Sister--- Sister--- Sorry, sorry po." Hagulhol ko sa kanya. Niyakap niya ako, yakap na kaytagal kong hindi naramdaman, yakap na matagal kong na miss.

"Hijo, dalhin mo muna ang mga bata sa loob, mag uusap lang kami ni Zoey." Malumanay na usal ni Sister kay Eros.

Agad naman pumayag si Eros, na dahilan ng pagtingin ni Sister sa akin ng seryoso.

"Na miss kita Zoey, na miss ka namin lahat."

I nodded.

"Pa-patawarin niyo po ako, wala po akong kwenta, patawarin niyo po ako."

Umiling siya, bago muling ngumiti na nagpayuko sa akin. Hindi ko kayang tumingin sa mga mata ni Sister, nahihiya ako, naiiyak ako, natatakot ako.

"Hindi kami galit sayo, wala akong galit sayo, ikaw ba? Napatawad mo na ang sarili mo?" Tanong niya.

Tumahimik ako. Hindi ako agad naka imik.

"Hija, alam kong hindi ka okay, at kailanman hindi ka magiging okay kung hindi mo papatawarin ang sarili mo. Oo, aaminin ko, nasaktan ako, kami lahat dito nang tinago mo sa amin ang tungkol sa anak mo, pero hinding- hindi kami magagalit sayo, kasi alam ko, alam namin lahat na ginawa mo lang yun para sa anak mo, at dahil sa takot na nararamdaman mo sa puso mo ng mga oras na yun. Pero anak, ngayon, gusto ko lang malaman mo, nawa'y mahanap mo na ang liwanag sa puso mo, nawa'y maging malaya ka na sa nakaraan at patawarin ang sarili mo, dahil yun lang ang nag- iisang paraan para maging malaya ka na at tuluyan na maging masaya, kasama ng mga taong nagmamahal sayo totoo."

Angie

My Yesterday's Blessing (Yesterday #3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon