Sa buong buhay ko ngayon ko lang masasabi na kahit papaano masaya ako, masaya pero alam kong may kulang pa din. Alam kong tsaka lang ako magiging kumpleto oras na makita ko na si Amellia, at hindi ako nawawalan ng pag-asa na balang araw makita ko siya muli lalo na at nandito na ako uli sa lugar kung saan nagmula ang lahat. Malaybalay.
"Riah? Okay ka lang ba talaga?" Tanong ulit ni Jackielyn sa akin paglabas namin ng room. Kanina niya pa ako tinatanong kung ayos lang ba daw ako lalo na at umiyak ako kanina sa class ni Ma'am Obquia.
I slowly nodded to her. Don't worry, ayos lang ako." Sagot ko sa kanya.
"Sabi mo huh, pero alam mo naman diba? Kung may kailangan ka sa akin, pwede mo akong lapitan." She said.
I smiled. "Alam ko.."
"Buti naman, maiba tayo, saan mo plano mag bakasyon this sembreak?"taka niyang tanong.
Umiling ako. "Wala akong plano, gusto ko maghanap ng trabaho. Part time."
Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. "What? Wag mo sabihin na pinalayas ka na ng mga guardian mo?"
"Hindi, gusto ko lang talaga magkaroon ng sariling pagkakakitaan.
Taka naman siyang tumingin sa akin.
"Para saan?"
Para magkalakas ako ng loob, hanapin ang anak ko.
Gusto ko sanang sabihin yan sa kanya, pero wala akong lakas, tsaka alam kong hindi pa ito ang oras para malaman ng iba ang tungkol sa anak ko, lalo na at alam ko kung gaano makapangyarihan dito sa Malaybalay ang pamilya ni Allen, mahirap na baka ilayo pa nila si Amellia sa akin.
"Girl?"pukaw ni Jackielyn sa akin.
Umiling ako. "Wala, pang ipon lang sa future." Nakangiting sagot ko sa kanya. Akmang magsasalita pa sana siya ng nakita ko na si Eros na seryosong nakatayo sa ranger niya habang nakatingin sa akin.
"Nandiyan na pala sundo mo. Ikaw ba Riah? Siguradong kaibigan lang yan si pogi?" Takang tanong sa akin ni Jackielyn.
I nodded. "Gaga! Kaibigan ko lang si Eros, tsaka malaki ang utang na loob ko sa pamilya nila kaya malabo yang iniisip mo."sagot ko sa kanya. Sasagot pa sana siya sa akin ng biglang may pumutol sa pagsasalita niya mula sa likod ko.
"Narinig ko ata pangalan ko."nakangiting wika ni Eros pag lingon namin sa kanya.
I smiled. "Tsismoso mo, tara na nga."Saad ko sa kanya. Agad niya naman kinuha ang bag at libro na dala ko.
"Ikaw Jack? Sabay ka?"tanong ko kay Jackielyn sabay iling niya.
"Salamat bes, parating na rin Ate ko maya-maya."sagot niya sabay ngiti namin ni Eros sa kanya.
Pagkatapos namin magpaalam kay Jackielyn inalalayan naman ako ni Eros makapasok sa sasakyan nila.
"How's your day?" Kaswal na tanong niya sa akin habang pinapaandar ang sasakyan nila na pinapagamit sa kanya nila Tito Marcus.
"Medyo nakakapagod, pero okay lang naman." I said.
"Gutom ka?" Taka niyang tanong sa akin na ikinatingin ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Yesterday's Blessing (Yesterday #3)
Romance(COMPLETED) (UNEDITED) Publishing Company owner x Filipino Major Amariah Zoey Belmonte 3rd year college student taking up Bachelor of Secondary Education Major in Filipino, ang babaeng handang gawin para mabuhay. Malakas at mas masipag pa siya sa k...
